VALEEN was at the seashore, watching the orange sky. Her curled hair and floral maxi dress were dancing with the wind. It was such a romantic mood, she thought. But it was four years ago when she stopped believing in romance.
Ninanamnam niya ang katahimikan nang biglang may umakbay sa kanya, ang pinsan niyang si Holly iyon. Kasama nito ang apat pa nilang pinsan na sina Clover, Julienne, Zai at Jazeel. Inabutan siya ni Clover ng isang kopita na naglalaman ng alak.
"Masyado ka yatang seryoso?" anito sa kanya.
Magkakasama sila dahil sa silver wedding anniversary ng mga magulang niya. Naging reunion na ng pamilya Lejarde ang selebrasyong iyon. "I just thought that this is a nice place for pictorials," pagsisinungaling niya.
"Really? O baka naman may naaalala ka lang?" nanunudyo ang ngiting singit ni Julienne.
"Ako lang ba ang may naaalala?" ganting-tanong niya. Alam naman niyang kung pagkakaroon lang ng masaklap na nakaraan ang pag-uusapan ay may kanya-kanya silang kuwento.
Tumahimik ang lima, napuno ng tunog ng malalim na paghinga ang paligid. Ilang taon na ang lumipas sa mga buhay nila pero ganoon pa rin ang epekto ng pesteng nakaraan. The past was still haunting them.
"May tanong ako," aniya para lang matapos na ang katahimikan. "What if the ghost of our past comes back to life? What will you do?"
Kanya-kanyang sagot na ang mga ito. "Nothing. Wala akong gagawin dahil wala na siyang babalikan," ani Clover sabay ismid. Her quiet cousin has become high and might now.
"From that day, I promised myself that I will never go back to my past. That painful past," sagot naman ni Jazeel. She sighed, still looking hurt because pain was evident in her eyes.
"Why would I settle for less if I can find someone better? Alam mo kasi, ang ex, hindi na binabalikan, pinapalitan na lang," balewalang sagot ni Zai.
"Magsu-super saiyan ako. I will break all his bones into pieces," sabi ni Holly. Napailing si Valeen ngunit nakangiti.
It was Julienne's turn to speak. "The past is a big part of me. I can say na hindi ako basta-basta na makakalimot roon..." sabay tingin sa itim na damit na umaagaw ng atensyon ng mga dumalo sa selebrasyon. Natatanging ito lang ang naka-itim na damit sa masayang kasiyahan dapat na iyon. Pero kahit anong saway nila rito, hindi nito magawang sumunod. Palagi itong nakaitim. Sumisimbolo sa madilim na nakaraan nito. "But if we're talking about some relationship with a guy in our past...what's there to do with him? Napakabata ko pa noon. And if maybe some people will call me bitter, well then, I am now wiser. Siyempre, 'di ko na babalikan ang relasyon na tanging ako lang ang nagmahal."
Natawa si Valeen sa mga nakakalokang sagot ng mga pinsan. "Serious talaga 'tong usapang past natin, ha?" Kung siya ang tatanungin, hindi rin siguro siya magbibigay ng second chance. Tama si Julienne, hindi na dapat binabalikan ang relasyong siya lamang ang tanging nagmahal. That was just plain pathetic.
"Let's make a promise," aniya kapagkuwan. "Kahit ano ang mangyari, kahit malabo naman na bumalik pa sila, isumpa natin sa isa't isa na hindi na natin sila tatanggapin pa sa mga buhay natin."
Nakangiting tumango ang mga pinsan niya, itinaas ang kanya-kanyang kopita ng alak. "Hinding-hindi na!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga ito.
"Hey! Seryosong usapan 'to, ha?" paalala niya sa lahat. "We'll never let out hearts get broken again with the same man. At dahil seryosong usapan 'to, may parusa dapat ang susuway."
"Okay, ano ang parusa?" tanong ni Zai.
"I won't wear black anymore," ani Julienne. Natawa si Valeen, sakrispisyo na sa pinsan ang bagay na iyon.
"I love keeping my hair long, pero sige, magpa-pixie cut talaga ako kapag sumuway ako," sabi niya. She loved her hair more than anything else. Mas mahalaga sa isang lalaking ni hindi niya matawag na "ex".
"Iiisang tabi ko na ang mga signature clothes ko. I'll go to Divisoria to shop. Magko-commute lang din ako para masiyahan naman kayo," ani Zai. Nagkatawanan na sila. Pagdating sa pagkahilig sa mamahaling bagay ay magkalebel sila nito.
"Free na ang flower arrangement para sa kasal ng isang kliyente ko," sabi ni Jazeel.
"Stop being kuripot. Isa lang talaga?" she teased.
"Hey! Kasal iyon, maraming bulaklak ang pinag-uusapan natin," giit ni Jazeel.
"Make it ten," ani Holly.
"What?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jazeel.
"Sige na, Jazeel, parusa nga, 'diba?" ani Zai. Wala ng nagawa si Jazeel kundi ang sumang-ayon.
"Mag-i-sky diving ako!" tapang-tapangang singit ni Clover. Alam naman ng lahat na may fear of heights ito.
"Ipamimigay lahat ng paborito kong libro sa mga readers ko kapag hindi ako tumupad sa deal natin," ani Holly, ang book lover sa kanilang magpipinsan.
"Okay, we have a deal?" malapad ang ngiting tanong niya sa mga pinsan.
"Deal!" tugon ng lahat.
BINABASA MO ANG
The Past Series: He Needed Me
Romance"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang m...