VALEEN was feeling wonderful with her blue ball gown, it was her eighteenth birthday. Hindi niya ma-describe ang pakiramdam. Knowing that she was already an adult made her feel excited. Alam niyang pagkatapos ng gabing iyon ay maraming magbabago. Hindi lang dahil may karapatan na siyang bumoto ng susunod na presidente ng Pilipinas. It was more than that.
Pagkatapos ng isang engrandeng entrance na may kasama pang confetti ay napuno ng galak ang puso ni Valeen. Everyone was there, her friends, classmates and family. At siyempre pa, si Landon. Si Landon na naghihintay na hawakan niya ang kamay nito. And so she did. Wala ng igaganda pa ang gabing iyon.
"You look beautiful tonight, princess," bulong ni Landon sa kanya. Mabuti na lang at nakumbinsi niya itong escort-an siya. Landon was busy with his family's business. Tine-train na ito ng ama para pamahalaan ang kompanya.
"Tonight lang?" nakangiting tanong niya.
"Araw-araw, sobrang ganda mo lang ngayon," anito saka ngumiti. Muntik siyang mapahinga nang malalim sa ngiting iyon. Hindi na yata magbabago ang pagkahumaling niya sa ngiti nito.
"Sige, bolahin mo pa ako. Birthday ko ngayon," pabirong sabi niya rito at tinawanan lang siya.
Nang magsimula ang programa ay doon na napunta ang atensyon niya. Siyempre pa ay kasali si Landon sa eighteen roses niya at ito ang una niyang nakasayaw. "Puwede ng mag-boyfriend ang prinsesa," biro nito habang nagsasayaw sila.
"Not unless the guy is you," diretsang sagot niya. Alam naman nito ang damdamin niya, alam nito na pinanghahawakan talaga niya ang kasunduan ng pamilya nila. At alam din niyang hindi lubusang sang-ayon doon si Landon.
"I don't want you to feel disappointed tonight," seryosong tugon nito.
"Oo, kaya 'wag ka ng kumontra. I told you so many times, I like you. Ilang taon mo na bang sinasabi sa'king magbabago ang damdamin ko? Pero hindi iyon nangyari."
"Hindi na ako kokontra pero please, 'wag na natin 'tong pag-usapan ngayon."
Napasimangot si Valeen. Like what she promised to herself, she grew up gracefully. She made sure she looks amazing all the time. Hindi siya kailanman nagpakita kay Landon ng hindi siya maganda. He appreciated her beauty, alright. Pero laging ipinapaalala na hindi siya gusto nito sa paraang gusto niya.
"Huwag kang sumimangot, mababawasan ang ganda mo," nakangiting sabi nito.
Pilit siyang ngumiti. Hindi na rin siya nakasagot dahil tinawag na ang pangalawang lalaking isasayaw niya.
Ang lahat ay mas naging espesyal para sa kanya nang mapunta sa Eighteen Candles ang programa. At siyempre, ang nanguna sa pagbibigay ng wishes ay ang mga pinsan niya.
"I wish you happiness...and a successful career. Alam ko na malayo ang mararating mo, Valeen," nakangiting sabi ni Julienne.
"Wish ko na maging maayos ang lahat ng anumang gagawin mo sa buhay. And don't forget that we are always here for you." Si Jazeel iyon.
"Regardless of being cousins, I'm happy to be your friend. You deserve all the success, happiness and love in the world. Have a superb Birthday, Valeen," sinserong wika ni Zai, ang pinsan niyang pinakakasundo dahil kaya siyang sakyan sa mga trip niya.
"Happy, happy birthday! May all your wishes come true. Enjoy your special day, sis," pagbati sa kanya ni Clover.
"You have such a beautiful smile, Valeen. That's why I wish that life would give you more reasons to smile." Si Holly naman iyon.
BINABASA MO ANG
The Past Series: He Needed Me
Romance"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang m...