MAAGANG nagising si Valeen dahil sa sakit ng ulo. Nasobrahan yata siya sa beer nang nagdaang gabi. Minabuti na lang niyang bumaba at magtimpla ng kape. Habang nagsasalin ng mainit na tubig sa tasa ay napaigtad siya dahil may bigla na lang umakbay sa kanya. It was Landon.
"Bakit ka ba nanggugulat?" sita niya rito. Hindi na siya naiilang dito matapos ang heart to heart talk nila nang nagdaang gabi. Sinabi niya rito kung gaano siya nasaktan sa pag-alis nito, siguro epekto na rin iyon ng alak, at naramdaman niya ang sinsero nitong paghingi ng tawad.
She thought that was the right time to leave everything in the past. Wala na naman kasi, tapos na, hindi na maibabalik pa. Sabi nga ng iba, move-on move-on din 'pag may time. At dahil nailabas na niya ang lahat ng hinanakit kay Landon ay magaan na ulit ang puso niya.
"Masanay ka na sa presensya ko," anito habang abala sa pagkuha ng kung ano sa cupboard na nasa bandang uluhan nila.
"Akbay ka ng akbay, tyansing na 'yan, ha?" biro niya rito.
"You're my wife!" giit nito, nakangiti at nilingon siya.
"Tigilan mo ako ng ganyan, baka totohanin ko," aniya saka tumawa. Biro lang iyon pero parang totoo na nga sa kanya. May pag-ibig pala talaga na kahit na anong pagbura ang gawin mo ay hindi nawawala. Permanent marker yata ang ipinanulat niya sa pangalan ni Landon sa puso niya.
"Bakit nga ba kasi hindi pa natin totohanin?" seryosong tanong nito na nakapagdiretso sa likod niya.
"Naku!" aniya ng makabawi. "Baka ma-hopia na naman ako sa'yo," biro niya pa rin. Ayaw niyang dibdibin ang lahat.
"Hopia?" nakangiti ngunit nagtataka nitong tanong.
"Hopia. Hoping. Pinaasa," paliwanag niya.
"Hindi ka na maho-hopia this time," paninigurado nito. Tinaasan niya lang ito ng isang kilay.
"Paano mo naman nasigurado?"
"Dahil noong nagpakasal tayo, totoo sa'kin lahat ng salitang binitiwan ko. Handa naman ako, Val, eh. Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't gusto mo pang nandito ako. Kaya kong maging faithful sa'yo habambuhay."
"Natatakot akong umasa na naman, Landon." Pinigil niya ang sariling maluha. Naaalala niya kasi iyong pagkakataon na sinusubukan nilang bigyan ng pagkakataong mahalin ang isa't isa bago ang kasal. Napuno ng pag-asa ang dibdib niya kaya ang sakit-sakit noong iniwan siya.
He held her face in his hands and looked intently in her eyes. "There's no reason to be afraid, Val. I'm all yours now."
Napapikit siya. Bakit ba hindi na lang nito sabihing mahal na siya nito para tapos na ang usapan? Iyon lang naman ang gusto niyang marinig at ibibigay na niya ang lahat. Lahat-lahat. Ulit.
Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makatugon dahil naramdaman niya ang labi nito sa labi niya. He tried kissing her. Hindi siya makagalaw. Maya-maya pa ay ginaya na niya ang paggalaw ng labi nito.
They kissed until they both grasp for air. Idinikit nito ang noo sa noo niya habang sapo pa rin ang magkabilang pisngi niya.
"A-ang kape ko," nasabi niya. Sa totoo lang ay nawala talaga siya sa sarili.
Ngumiti si Landon. "Malamig na ang kape mo," natatawang sabi nito. Binitawan siya para lang akbayan ulit. "Magluluto ako ng almusal. Igagawa na rin kita ng bagong kape. Maghintay ka na lang muna sa sala."
BINABASA MO ANG
The Past Series: He Needed Me
Romance"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang m...