Chapter 6

4.3K 127 10
                                    

          

KINAPALAN na ni Landon ang mukha. Pumunta siya sa bahay ng mga Lejarde. Una, para humingi ng tawad, kahit na sinubukan niya naman noong magpadala ng sulat sa mga ito noong nasa Paris na siya ngunit walang sumagot ni isa sa mga ito, at pangalawa, upang humingi ng tulong. Hindi na kaya ng kompanya nilang tumayong mag-isa.

            Mula nang magkasakit ang kanyang ama ilang taon na ang nakakaraan at hayaan nitong ang pinsan niya ang mamahala ay agad na bumagsak ang kompanya. Charles, his cousin, stole almost everything they had. Kung hindi pa nagpa-imbestiga ang ama ay hindi malalaman ng mga ito ang nangyayari sa loob ng sariling kompanya.

            Pinilit ng kanyang ama na ayusin ang gusot sa kabila ng karamdaman nito. Kaya masama man ang loob sa kanya ng ina ay napilitan itong tawagan siya para ipaalam kung ano na ang nangyayari. Guilt ang una niyang naramdaman. If he didn't ran away before, things will not be like that. Baka isa pa siya sa mga naging sanhi sa pagkakasakit ng ama.

            Running away was not part of his plan. Pero nang nasa altar na siya kasama si Valeen, bigla siyang nalito. Paano niya ito pakakasalan kung ibang pangalan pa rin ang isinisigaw ng puso niya? Sinubukan niya itong mahalin ngunit si Cedes pa rin ang hinahanap niya.

            Instead of being unfair, he chose to be a jerk. Sinunod niya ang puso, pinuntahan niya si Cedes sa Paris. Nagkita sila, nagkabalikan, ngunit isang taon na rin ang nakakaraan nang maghiwalay sila. Cedes changed a lot. Hindi niya iyon binibigyan ng pansin noong una ngunit hindi niya na kinaya.

            She was always out with friends, seeing guys and when he founds out, she will just tell him they were her friends. Pakiramdam niya ay nawalan na ito ng respeto sa kanya. Hindi man lang nito inisip na tinalikuran niya ang lahat para rito.

            Nagtrabaho siya sa Paris ng mga trabahong hindi niya akalaing papasukin niya sa tanang buhay niya. Nagtrabaho siyang domestic helper huwag lang maging TNT doon. Sa tingin niya ay nakaapekto sa relasyon nila ang bagong katayuan niya sa buhay. Iyon ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya kahit na ayaw niyang tanggapin. Ngunit ilang buwan pagkatapos nilang maghiwalay ay na-promote na siya bilang manager sa isang hindi kalakihang kompanya, maayos naman ang kita. Nakapag-ipon siya ngunit hindi pa rin sapat ang ipon niya para sa kailangan ng pamilya niya.

            "What are you doing here?" mahina ngunit mariing taong ni Tito Rony.

            "Sir," tanging nasabi niya. Kinailangan niyang huminga nang malalim para madugtungan iyon. "I'm here to ask for your forgiveness. Alam kong isa akong malaking gago para ipahiya kayo noon. Maniwala man kayo o hindi, nagsisisi ako sa ginawa ko. Valeen is important to me and I can't stand being unfair to her."

            "But you can stand hurting her?"

            "Sir, I'm really sorry for what I've done. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, hindi ko na paaabutin sa ganoon."    

            "Alam kong nagpunta ka rito dahil may kailangan ka. Humihingi ka ng tawad dahil kailangan ninyo ang tulong ko. Tama ba?" Salubong ang kilay ni Tito Rony. Tila anumang oras ay isasalya siya nito sa dingding at nagpipigil lang.

            "Aaminin ko pong may kailangan ako pero totoo po ang paghingi ko ng tawad," giit niya. Hindi niya ito pipiliting tulungan sila, nagbabakasali lang siya. Halos buong angkan na nila ang inutangan ng mga magulang niya at nahihirapan na ring makahingi ng tulong sa labas.

            Nagpaalam na rin agad si Landon dahil napahiya siya. Hindi niya masisisi si Tito Rony, maging siya man ay ganoon din siguro ang iisipin kung nasa sitwasyon siya nito. "Sana po ay mapatawad din ninyo ako."

The Past Series: He Needed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon