Chapter 10 (Last Chapter)

8K 220 32
                                    

HINDI umuwi si Landon nang nagdaang gabi, alam ni Valeen dahil naghintay siya. Naghintay siya sa wala. Alas tres na ng madaling araw at hikab na siya ng hikab pero walang Landon na dumating hanggang sa makatulog na lang siya.

"Hindi umuwi si Landon?" tanong niya pa rin kay Annie dahil baka nagkasalisi lang ang tulog niya at ang dating nito.

Umiling si Annie. Hindi na kumibo si Valeen, dumiretso na lang siya sa komedor upang kumain. Wala siyang gana kahit mukhang masarap naman ang iniluto ni Annie. "Annie, kape na lang," aniya sa kasambahay. Nagtungo na siya sa sala.

Habang naghihintay sa kape ay nakatingin lang siya sa pinto, naghihintay pa rin kay Landon. Nang magdesisyon ng tatawagan ang lalaki ay saka naman niya narinig ang tunog ng sasakyan nito.

Magulo ang buhok, kunot ang noo, hindi suot ang necktie, ganoon ang itsura nito nang makita niya. Tumingin lang ito sa kanya at nilagpasan na siya. Napanganga siya sa pagkabigla. Ito pa ang may ganang umasta ng ganoon samantalang sa kanilang dalawa ay ito ang may babae?

Noong ihatid siya nito nang nagdaang araw sa Fantasy ay hindi nakaligtas sa kanya ang amoy ng pabangong pambabaeng pumupuno sa sasakyan nito! If Cedes was in the country, they might be seeing each other at her back.

"Kape mo, ate," ani Annie.

"Ilapag mo na lang diyan."

Hindi niya na nagawang inumin ang kape sa inis niya. Naligo siya at nagmamadali ng nagtungo sa Fantasy. Alam niyang wala pang tao sa shop niya at wala siyang pakialam. Mas gusto niyang magmukmok doon kaysa sa bahay niya.

Nang nasa Fantasy na siya ay doon lang niya nagawang umiyak. "Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Mali talaga, Valeen. Mali talagang umasa ka na naman!" sermon niya sa sarili sa pagitan ng pag-iyak.

Kakausapin na lang niya si Landon, mas gusto niyang marinig mula rito ang totoo para matapos na ang paghihinala niya. Ngunit sa ngayon, iiyak muna siya, para naman kapag magkausap na sila ay hindi niya na iyon gawin at hindi na siya magmukhang kawawa.

NAGKITA sina Valeen at Landon sa Throwback Café, tinawagan ni Valeen ang lalaki dahil hindi na siya makapaghintay pa ng gabi para maghintay na naman dito sa bahay at abutin na naman siya ng umaga sa kakahintay sa wala.

"Bakit gusto mong makipagkita?" tanong ni Landon. He was as cold as ice and that made her want to cry. Tila ba hindi pa naubos ang luha niya bago siya nagtungo roon.

"Gusto ko kasing makausap ka ng masinsinan. Alam mo, Landon, if you want to go, hindi naman kita pipigilan, eh. Sa tingin ko, mas mabuti pa kung maghiwalay na tayo. Hindi naman masaya, eh. Feeling ko, wala ng mangyayari, hindi na natin maibabalik iyong samahan natin dati. Don't worry, I wont file an annulment. Hahayaan kita sa buhay mo at hayaan mo na rin ako."

God! Ni hindi niya masabi rito ang tungkol sa hinala niya. Gusto na niyang sabunutan ang sarili. May mas duduwag pa ba sa kanya?

"Ganoon lang?" tanong nito. Wala pa rin siyang mabasang reaksyon sa mukha nito.

"Look. Mukha pa ba tayong masaya?"

Tinitigan siya nito at nagsitayuan ang mga balahibo niya sa tinging iyon. Maya-maya ay ngumiti ito ng mapait at tumango. "Bahala ka," anito saka tumayo. Natulala na lang siya nang iwan siya nito sa restaurant.

Hindi niya namalayang tumutulo na ang luha niya. At tila nananadya ang kung sinumang nagko-kontrol sa sound system ng café. Bigla ba namang nagpatugtog ng...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Past Series: He Needed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon