VALEEN was looking at herself in front of the mirror. Nasa likod niya ang ina na sinusuklay ang mahaba at itim na itim niyang buhok. It was her thirteenth birthday and her mom was being emotional because she was now a teenager. "In the near future, I'll be doing your hair for your wedding na, hija," mangiyak-ngiyak pang wika ng mommy niya.
"Mom, debut muna bago ang wedding. I'm just thirteen and you're talking about wedding in the near future?" nakangiting sabi na lang niya. Her mom was like that, medyo OA.
"Mabilis ang panahon, anak. Magugulat na lang tayo at ikakasal ka na kay Landon," anito na lalong nagpangiti sa kanya.
Si Landon, ito ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. It was an arrangement made by their parents. Landon was six years older than her. Palaging sinasabi nitong huwag umasa sa "arrangement" na iyon dahil marami pa raw magbabago sa hinaharap, na masyado pa raw siyang bata para rito. Ang palagi niyang sagot, "We will not get married now so don't worry. Just wait until I graduated from college."
Their father was the best of friends. Magkakabata ang mga ito at halos kapatid na ang turing sa isa't isa. Tulad niya ay nag-iisang anak lang din si Landon. Sumubok pang mag-anak ang mga magulang niya ngunit nagkasakit sa matris ang mommy niya kaya hindi na talaga maaaring maghabol ang daddy niya ng lalaki.
Kung may kapatid sana siyang lalaki ay hindi siya ipagkakasundo kay Landon. Isang magandang bagay dahil masasabi mang bata pa siya ay tinamaan na talaga siya sa lalaki. She cannot imagine getting married with someone else than him.
Oo, masungit kung minsan si Landon, seryoso dahil mas mabigat na ang mga responsibilidad sa buhay, ngunit nananatili itong tagapagligtas niya. For her, he will always be a knight in shining armor riding on a white horse.
Tumayo si Valeen at pinagmasdan ang pink niyang bestida. Her mom picked that for her. Ayon dito ay lalo raw siyang nagmukhang prinsesa. "Let's go downstairs. Your friends are waiting."
Hinawakan ng mommy niya ang kanyang kamay at magkaagapay silang bumaba. Walang magarbong selebrasyon tulad ng mga nagdaang taon dahil wala naman talaga sila planong maghanda. The original plan was going to Europe but his father could not come so they decided not to go. Sa ibang pagkakataon na lang siguro. Tatlo lang silang miyembro ng pamilya kaya ang mawala ang isa ay malaking bagay na. Bigla kasing nagkaproblema sa kompanya ng daddy niya na hindi nito maaaring hindi ayusin.
"Happy birthday, Val!" bati ng mga kaibigan at ilang kaklase sa kanya. Hindi na nakapunta ang mga pinsan niya dahil biglaan lang ang maliit na selebrasyon ganoon pa man ay nagpadala naman ang mga ito ng regalo at cards.
Nagpasalamat siya sa mga ito at inikot ng tingin ang paligid. Wala si Landon. Na-disappoint siya ngunit umasa pa ring hahabol ito. Para saan pa ang pink dress niya kung hindi nito makikita?
"Wala pa ang prince charming mo, Val," nakangising sabi sa kanya ng nakalahatang si Tasha. She was her closest friend; they knew each other since kindergarten.
Inirapan niya lang si Tasha. Nag-anunsyo ang mommy niya na kumain na silang magkakaibigan. May kaunting programa pagkatapos kumain na siyempre pa ay pakana ng kanyang ina. Masaya na sana ang araw na iyon kung isa man lang sa mga importanteng lalaki sa buhay niya ay naroon, si Landon at ang daddy niya.
Nakaalis na at lahat-lahat ang mga bisita niya ngunit wala pa rin ang mga ito. Ginabi na siya sa kakahintay, hanggang alas nuwebe ng gabi ay suot pa rin niya ang pink na bestida para man lang makita ng dalawa kung gaano siya kaganda nang araw na iyon ngunit bigo siya.
BINABASA MO ANG
The Past Series: He Needed Me
Romance"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang m...