Chapter 7

4.5K 119 13
                                    

          

"PUMAPAYAG na ako," ani Valeen. Nakaupo si Landon sa one-seater na nasa tapat niya sa sala. Landon looked tired and confused.

            "Come again?" Dalawa lang iyon. Hindi ito makapaniwala o humihina na ang pandinig nito.

            "Nakapagdesisyon na ako, pumapayag na ako sa gusto mo."

            "Seryoso ka ba?"

            "Of course. Pero siyempre, may kondisyon."

            "I told you, I will do anything."

            Kahit papaano ay nabawasan ang pagod base sa itsura nito. "Una sa lahat, dito tayo titira sa bahay ko. Bakante ang guest room, doon ka muna. Hindi mo naman siguro ine-expect na magsasama tayo na parang totoong mag-asawa, 'diba?" Tumango si Landon at nagpatuloy siya. "Hindi mo ako puwedeng pakialaman. I will do anything I want, I'll go anywhere I want without your permission. Ikaw din ang magbabayad ng bills ng bahay, ano pa ba?"

            Sa totoo lang ay hindi siya nakapaghanda ng terms and conditions sa usapan iyon. Bigla na lang niyang tinawagan ang lalaki at pinapunta sa bahay niya.

            "Basta lahat ng gusto mo, gagawin ko, Val. Pero, hindi ba parang dehado ka naman? Paano kung ma-in love ka sa iba 'tapos kasal ka sa'kin?"

            Hindi niya iyon naisip. "Maybe because at the back of your mind, umaasa ka. Umaasa kang magiging totoo ang lahat," anang isang bahagi ng isip niya.     

            "No!" maagap na tugon ng kabila. "Natuto na ako. Marunong akong madala."

            "We'll cross the bridge when we get there. Sa ngayon, ang main objective lang naman ay makabangon ang pamilya mo."

            "Thanks, Val," sinserong sabi nito.

            "Okay. You can go," pagtataboy niya rito. Tumayo na siya at ganoon din ito ngunit nagulat siya nang lapitan siya nito.         

            Bigla na lang siya nitong niyakap nang mahigpit. "I know I don't deserve your help. Sa laki ng kasalanan ko sa'yo, hindi ko akalain na ikaw pa rin ang makakapitan ko. Thanks, Val."

            Hindi siya tumugon, inilayo niya lang ito sa kanya. Bahagya lang siyang tumango.

            Nakaalis na si Landon ngunit ang isip ni Valeen ay dinala yata nito dahil sa buong magdamag ay walang siya inisip kundi ito at ang desisyon niya. Naniniwala siyang tama siya dahil para iyon makatulong sa pamilya nito. Ngunit may isang parte ng isip niyang natatakot dahil sa ginawa niya.

"IKAW NA naman?" kunot ang noong tanong ni Valeen kay Landon. Napapadalas ang punta nito sa opisina niya. Ilang linggo na rin mula nang makausap sila ng daddy niya. Nakaayos na ang lahat. Nagkasundo ang mga ito sa seventy-thirty na hatian sa kompanya kapag natuloy ang pagme-merge. Sa kompanya nila siyempre ang mas malaking porsyento at ite-train din agad ng daddy niya si Landon para ito na ang mag-take over.

            Wala pang eksaktong araw ang kasal dahil abala pa sa trabaho si Valeen. Wala namang reklamo si Landon kahit hihintayin muna nilang matapos ang fashion week.

            He gave her a boquet of roses and kissed her on the cheeks. Natitigilan pa rin si Valeen sa tuwing ginagawa iyon ni Landon kahit na madalas na naman itong bumeso sa kanya. At mas nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at igiya siya patungo sa couch na nasa loob ng opisina.

            Inilapag nito sa tabi nito ang mga rosas at nakangiting humarap sa kanya. "You don't have to do this," paalala niya sa lalaki. "Ilang beses ko ba iyong uulitin sa'yo? It's not as if we're getting married because we're in love."

The Past Series: He Needed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon