MATAPOS maghilamos ay lumabas na si Valeen ng silid. It was a Sunday and she was not going to her shop. Magpapahinga na muna siya bago sumabak sa susunod na linggo na puno ng bagong responsibilidad. Magbubukas na ang bagong Fantasy boutique sa loob ng isang malaking mall sa Mandaluyong. Bagong venture iyon sa kanya. Pagkatapos ang ilang taong paggamay niya sa trabaho ay may pagbabagong magaganap. She just hope that everything will turn out good. Huwag naman sanang magkaroon ng problema.
"Annie?" tawag niya sa kasambahay. Walang tumugon. Nagtungo siya sa kusina, sa likod-bahay at sa mismong kwarto nito ngunit wala talaga ito.
Tatawagan na sana niya ang babae nang makarinig siya ng tunog ng sasakyan. Lumabas siya at nakitang si Landon ang paparating. Nakaalis pala ito ng bahay ng wala siyang kamalay-malay. Nakangiti ito nang bumaba mula sa sasakyan. "Good morning," bati nito sa kanya. Tinanguan niya lang ito.
Dumiretso ito sa trunk ng sasakyan. Kinuha mula roon ang may karamihang plastic bags. Nag-grocery ito. "Bakit ka naggrocery?" tanong pa niya. Hindi niya ito tinulungang magbuhat.
"Wala na tayong stocks," balewalang tugon nito.
"Sana sinabi mo sa'kin, sana inutusan ko na lang si Annie."
"Nag-day off siya."
"Nang hindi nagpapaalam sa'kin?" inis niyang tanong.
"Nagpaalam siya sa'kin, tulog ka pa kasi. Pinayagan ko na, hindi naman daw siya madalas na nagde-day off."
Inirapan niya lang si Landon. Hindi pala talaga nakakatuwa ang may bagong kasama sa bahay. Pakiramdam niya ay siya pa ang na-out of place.
"Nakabayad na rin ako ng bills," sabi pa nito bago tuluyang ipinasok sa kusina ang mga pinamili. "Hindi kita naibili ng personal needs mo kasi alam ko namang maselan ka, baka magkamali pa ako. I'll just accompany you to the grocery if you want," anito habang inaayos ang mga instant foods sa cupboard.
"Kaya kong mamiling mag-isa," nakasimangot niyang tugon.
"What do you want for lunch?" imbes ay tanong nito.
"Magluto ka na lang ng kung ano ang gusto mo. Lalabas ako," sagot niya. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pupuntahan, nag-iinarte lang siya.
Hinarap siya ni Landon. "Puwede ba akong mag-request?"
"Ano iyon?" bagot niyang tanong.
"Baka naman puwedeng bonding day na lang natin ang Sunday? Sa ganitong araw lang kasi ako hindi busy. Ilang taon tayong hindi nagkita, marami tayong puwedeng pagkuwentuhan."
Hindi siya makatugon. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Bonding? Parang hindi naman nila kailangan iyon. Bakit siya makikipag-bonding sa isang lalaking kinasasamaan niya ng loob hanggang sa puntong iyon?
"Please?" pakiusap nito.
And God, her heart! Hirap na hirap na siyang tikisin ito. Saglit niyang tinignan ito at saka tumango rin. Palabas na siya mula sa kusina nang tanungin na naman siya nito kung ano ang gusto niya para sa tanghalian.
"Bahala ka na," aniya, nakatalikod na. Hindi na niya nilingon ito at dire-diretso ng pumanhik sa kanyang silid. It was hard resisting him. Kinailangan niyang manatili sa kanyang silid para lang mag-isip.
Dapat ay galit siya pero bakit parang hindi naman iyon ang nararamdaman niya? After all the pain he brought to her life, he didn't deserve her...love?
BINABASA MO ANG
The Past Series: He Needed Me
Romance"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang m...