"YES, Dad mentioned it last night," ani Valeen sa bisitang si Landon. Ang arranged marriage na muling nabuhay ang pinag-uusapan nila.
"And? What do you think about it?" tanong ni Landon.
"Both companies will benefit. Why not?"
Kumunot ang noo ni Landon. "Are you sure?"
"Landon, 'wag ka nang umarte ng ganyan. Alam mo ang damdamin ko para sa'yo. Oo, hindi ko sinasabi sa'yo pero pinaramdam ko naman, 'diba?" lakas-loob niyang wika rito.
Walang nagbago sa paglipas ng mga panahon. Ang pagmamahal niya sa lalaki ay mas lumago pa nang mawala si Cedes sa eksena.
"Pero hindi kita—"
"Hindi mo kayang pag-aralan?" tanong niya. She has to cut what he was saying because she knew that would also cut her heart.
"I can. Hindi ka naman mahirap mahalin, eh. You're wonderful, Val. But—"
Ayaw niya ng buts. "Iyon naman pala, eh. Let's give it a chance, Landon," may bahid na iyon ng pakikiusap. "Hindi ko gustong magtrabaho sa kompanya. Ikaw lang ang makakapagligtas sa'kin." Totoo naman iyon. Iba ang plano niya sa sarili.
"Pag-isipan pa natin 'to nang mas mabuti. Hindi biro ang kasal, Val."
Hindi ba't iyon din ang sinabi niya rito dalawang taon na ang nakakaraan para pigilan ito sa pagpo-propose kay Cedes?
"Para sa pamilya naman natin 'to, 'diba? Bakit hindi muna tayo mag-date?"
Pinagmasdan siya ni Landon nang ilang sandali bago tumango. Valeen felt victorious. At least, nagkaroon ng katiting na pag-asa para sa kanilang dalawa. Ito na ang nagsabi, madali siyang mahalin.
"When are we going to start dating?" excited niyang tanong.
"This weekend? Okay lang sa'yo?"
"Sure. Wala pa naman akong ginagawa after graduating," masayang sagot niya.
"I thought you're planning to build a business."
"I'll think about that later. I needed a break."
SA ISANG private resort sa bandang norte sila nagtungo ni Landon. Pag-aari iyon ng pamilya nito. "Nadala mo na ba si Cedes dito?" tanong ni Valeen sa lalaki.
The place was wonderful and soothing. Mabuti na lang at pribado iyon kaya hindi nila kailangang makihati sa iba.
"Hindi pa," balewalang sagot ni Landon at agad ding nag-iwas ng tingin. Affected pa rin...
Hindi na siya sumagot. Hindi nila dapat pag-usapan si Cedes. That was their moment. Nagtungo sila sa beach house at inihatid siya ni Landon sa gagamitin niyang silid. Malaki ang beach house ng mga ito, sa palagay niya ay kasya roon ang mahigit sa sampung tao.
"Dito lang ako sa katabing kwarto, katok ka lang kapag may kailangan ka. Mamayang kaunti, pupunta rin dito si Nanay Fe," bilin ni Landon.
Si Nanay Fe ang caretaker doon, kasama nito ang asawa at dalawang anak na nakatira sa likod ng beach house. Mayroong maliit na bahay doon na para sa mga ito. Nakilala niya na si Nanay Fe pagdating nila ngunit agad din itong umalis dahil ipaghahanda raw sila ng makakain.
BINABASA MO ANG
The Past Series: He Needed Me
Romance"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang m...