Kabanata 2

3 0 0
                                    

Kakatapos lang ng semestral break. Ilang araw na lang ulit at balik na kami sa buhay kolehiyo. Nakapag-enroll na kami sa portal at nagbayad ng payment via online transaction. Naghihintay na lang kami ng schedule namin. Kaya ngayon nandito lang kami nanonood ng Blacklist sa Netflix. Sana lang talaga walang 7 am class. Malaking ginhawa din sa amin na student na online na lang ang karamihan sa transaction, less hassle. Hindi na need pumila at makipag-usap sa mataray na nasa registrar.

Umuwi si Ryth at Arraine sa pamilya nila para doon mag-bakasyon. Si Carllaine naman ay pumunta sa probinsya nila para dalawin ang kanyang Lolo at Lola na siyang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Si RAD sumama sa family niya sa london dahil may aasikasuhin daw itong mga business doon.

At ako pinuntahan ako nila Mommy sa condo dahil ngayon na nga lang daw nila ako makakasama kaya naman hindi ko na sila pinigilan. Ayoko kasing umuwi sa bahay namin magkaaway kami ni Ate ngayon at panigurado ng mag-babangayan lang kami don. Labo ng Ate ko, laging banas sa akin. Ganda ko kasi.

Pinilit pa ako nila mommy at daddy pero ayoko talagang sumama kaya sila na lang ang nag-stay dito. Pumunta din dito si kuya pero saglit lang dahil marami pa daw siyang gagawin lalo na at graduating siya ngayon.

"Chell, dika talaga umuwi sa inyo?"tanong sa akin ni Arraine dahilan para mag tinginan sa akin sila RAD, Carllaine at Ryth.

"Hindi. Magkaaway kami ni ate. I'd rather stay here than to experienced having an argument with her over petty things. I can't control her mind, so I'll just control mine."hindi naman talaga yung pag-aaway namin ni Ate ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi tinatamad lang talaga ako.

"Lagi na lang kayong nag-aaway ng ate mo, Chell."si Ryth

"Forget it. That's normal between the two of us."tinapik ko pa ang balikat niya para maniwala siyang ayos lang talaga ako.

"Block section na pala tayo kayo magkasama pa rin tayong lima."last semester na namin to bilang 3rd year student. Graduating na.

"Gaganda daw kasi natin."pabirong sabi ni Ryth. Namiss ko talaga ang limang to kaya noong bakasyon palagi ko silang tinatawagan makita lang sila.

Kahit pa laging mga nagmamadali dahil may kanya-kanya silang bagay na dapat asikasuhin. Kailangan daw nilang magpa-goodshot para makuha nila ang gusto nila sa graduation. May mga hidden agenda pala.

"What if we change the arrangement of our place? What do you think?"ngiting aso na tanong sa amin ni Ryth. Habang pinag-susundot ang mga tagiliran namin.

"Stop it, Ryth."natatawa na sabi ni Arraine.

"Pwede mo naman kaming tanungin, Ryth, pero sana hindi ka nangingiliti diba!"mahinang pasigaw dito ni Carllaine.

"Ang aarte niyo! Bakit si Chell hindi man lang nakiliti."depensang sabi dito ni Ryth.

"Kailan ba nagkaroon ng pakiramdam yang si Chell. Lagi naman parang statue lang yan."si Carllaine.

"We're always with each other, so I think I'm used to it already."sabay kindat ko sa kanila. Sa dalas ba naman na ginagwa niya yon, parang na immune na ata ako. Hanggang sa naging parang wala na lang.

"She is a proof of a living statue, hindi nga lang maganda katulad ng karamihan."nakapoint pa sa akin na sabia ni RAD.

"Kailan tayo bibili ng mga school supplies? I think now is the right time. Instead of just sitting here and not accomplishing anything, we should go."suggestion ko sa kanila dahil mas maaga mas maganda. Kesa kung kailan ayan na tsaka pa kami nag mamadali.

"Sa Saturday na lang Monday pa lang naman ngayon. Gustong-gusto kong mag-pahinga at ako ay pagod na pagod pa sa biyahe."si RAD na umaaktong hinihimas-himas pa ang kanyang baywang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweetness and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon