KATATAPOS pa lamang ng magandang seremonya para sa double wedding nina Charito at Ade, Roge at Carol. Ayaw pumayag ni Ade na magtagal pa ang kanilang pagpapakasal kaya naman nag-double wedding na lang sila. Okay lang iyon kay Charito. Mas natutuwa pa nga siyang sabay ang anibersaryo nila ni Ade sa kanyang kapatid at pinakamatalik na kaibigan.
Bahagyang inginuso niya sa asawa sina Karen at Romeo na kanina pa niya napapansing hindi na naghihiwalay.
"Tsismosa ka talaga, Charito," natatawang komento ni Ade.
Iningusan lamang niya ito. Natawa naman ito.
Mapi-feature pa sa isang segment sa evening news ang kasal nila. Panay mga bigatin ang mga bisita nila, mga artista at pulitiko. She was wearing a gown by Rajo Laurel. Hindi naman padadaig si Carol. Lamang na lamang ito sa kanya sapagkat ito ay nagdadalantao na.
"Magiging ninang ako nina Kuya. Okay lang ba 'yon?" tanong niya sa asawa. "Sino na ang kukunin natin sa magiging baby natin?"
"'Yan ba ang pinoproblema mo? Ako, ang iniisip ko kung paano gagawa ng baby sa lalong madaling-panahon." Kinindatan siya nito at hinagkan sa mga labi.
"Puslit na tayo?" atat na tanong niya.
"Mayamayang kaunti, sisimple tayo."
Parang mga tulisang handang tumakas sila sa mga sumunod na sandali. Nang makakita sila ng tamang tiyempo, lumabas na sila ng ballroom ng hotel kung saan ginanap ang reception. Nagulat sila sa kanilang nakita sa front desk. Nandoon ang kuya niya at si Carol.
"Hoy! Tumatakas kayo!" sita niya sa mga ito.
"Kayo rin," ngising-ngising sabi ng Kuya Roge niya.
"Mas may karapatan kami, pare. Wala pang laman." Bahagyang hinimas ni Ade ang tiyan niya. "Hahanapin tayo sa loob. Kayo muna ro'n. Sige na, please?"
"Naku, dead-ma!" singit ni Carol. "Tara na!" Sabay-sabay pa silang sumakay sa elevator. Paglabas nila ay patakbo na nilang tinungo ni Ade ang suite nila. Nang lingunin niya ang elevator ay nakita pa niyang naghahalikan doon ang kuya niya at si Carol.
Natawa siya. "They can't get enough of each other."
"And I can't get enough of you," ani Ade.
Pinangko na siya nito at ipinasok sa kanilang suite. Her happy ending was with him, after all.
VANESSA
•••WAKAS•••
BINABASA MO ANG
Ang Aking Happy Ending by Vanessa
Romance"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"