NAPAATRAS si Charito nang makita sa loob ng opisina sina Ade at Karen. Nakakandong sa binata ang babae at nakaangkla ang mga kamay sa balikat nito. Nagtuloy na lamang siya sa kusina.
Nakadama siya ng inis. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ginawa at sinabi ni Ade sa kanya nang nagdaang gabi. Sa opinyon niya ay masyadong mataas ang tingin nito sa sarili. Masyadong nagpapaka-noble. May superhero tendencies ito na wala na sa katwiran. She didn't need a savior or a lecturer—lalo na sa katauhan nito—upang ipamukha sa kanya ang kanyang ginagawa. Lalo na ang manduhan siya para itama iyon base sa paniniwala nito kung ano ang tama.
Ang totoo, ayaw na sana niyang magtungo pa sa restaurant. Ayaw na niyang makita ito. Pero siyempre, kailangang naroon siya sapagkat pinasok niya ang negosyong iyon, magkasosyo sila at ayaw niyang may masabi pa ito laban sa kanya.
Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang kasintahan. Pinapunta niya ito sa restaurant.
Habang nakikitulong sa mga cooks ay pumasok si Ade sa kusina. Saglit lamang niyang tiningnan ito at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
"Can I talk to you?" pormal na tanong nito.
"About what?"
"About stuff."
"What stuff?"
Hindi na agad maipinta ang mukha nito. tila ano mang saglit ay bubulyawan siya. She waited for it, her neck stiff, her chin held up, readying her verbal counterattack. Hindi dumating ang mga iyon. Nang magsalita ito sa mahinahong paraan.
"Let's just talk, can we? Please?"
"No. Kung hindi tungkol sa negosyo, wala akong panahon. May ginagawa ako at sa totoo lang, wala ako sa mood makinig sa 'yo."
"You're so stubborn!"
"I'm stubborn?" She couldn't believe her ears. Ang inaasahan ba nito ay susunod siya sa bawat sabihin nito? Naloloko na ito.
"Yes! And why are you being so unreasonable, huh?"
"And why are you being such an asshole, Ade?" Hindi na siya nakatiis.
He stormed out of the kitchen. Noon lamang niya napansin na nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa isang tinidor. Ibinaba na niya iyon. Nang mapatingin siya sa paligid ay saka lamang niya napunang tahimik ang lahat ng naroon, nakatingin sa kanya.
"Tapos na ang palabas, tapusin na ninyo 'yan," wika niya sa mga ito saka ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Nagngingitngit pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Happy Ending by Vanessa
Romansa"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"