"DAGDAGAN mo na 'yang luto mo at pupunta raw dito sina Ade," wika ng Kuya Roge ni Charito sa kanya. Nagluluto siya nang hapong iyon ng lasagna dahil inimbitahan niya sa kanila si Romeo. Nais niyang pormal na ipakilala ito sa kapatid bilang nobyo niya.
"B-bakit daw?" tanong niya rito.
"Ipapakilala yata sa akin ni Ade si Karen. Maganda ba?"
"O-oo."
Tumango lamang ito. Dinagdagan niya ang niluto. Pagkatapos ay isinalang na niya iyon sa oven. Habang hinihintay maluto ang pagkain, naligo na siya at nagbihis. Eksaktong pagbaba niya ay naroon na si Romeo. Pormal na ipinakilala niya ito sa kanyang kapatid. Mukha namang okay sa kuya niya ang lalaki. Nagkakilala na ang dalawa noon.
"Ako lang ang walang partner," nakangiting sabi ng kapatid niya bagaman makulimlim ang mukha.
"Pupunta raw dito sina Karen at Ade," imporma niya sa bagong kasintahan. Naisip niyang maganda na rin siguro iyon para masabi na rin niya kay Ade ang tungkol kay Romeo.
Nang dumating ang magkasintahan ay ang kapatid na niya ang nagboluntaryong magsabi sa mga ito.
"Couples' day yata ngayon. Kayong dalawa ni Karen, saka sila," anito.
"Oh, we should spend time together," mukhang excited namang wika ni Karen. "When is your anniversary?"
Napatingin siya kay Ade. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Binalingan niya si Romeo. Ngumiti ito sa kanya.
"Kahapon lang," sabi nito. "Kagabi. Am I not the luckiest man on earth?"
"Oh, congratulations! Akala ko kahapon noong nakita ko kayo, you're a couple already," ani Karen.
Muli siyang napatingin kay Ade. Madilim ang mukha nito. Halos nilaro lamang niya ang pagkain sa kanyang plato habang maganang nag-uusap sina Romeo at Karen. Si Ade ay tahimik din lamang. Ang kapatid niya ay halos wala ring masabi. Mukhang inililipad ang isip nito kung saan.
Sa tuwing mapapatingin siya kay Ade, nakikita niyang nakatingin ito sa kanya. Makailang beses na napailing-iling ito na tila ba hindi nasisiyahan sa nalamang balita. Mabuti na lamang at mukhang nagkakasundo sina Karen at Romeo at hindi napansin iyon.
Nakaramdam siya ng iritasyon. Bakit pailing-iling pa ito? Alam niyang parang hindi panatag ang loob nito kay Romeo ngunit hindi naman yata tama ang inaakto nito. Alangan namang ito ang masunod sa mga pagpapasya niya tungkol sa kanyang love life? Isa pa, matay man niyang isipin ay wala siyang makitang pagkukulang kay Romeo upang hindi magustuhan nito.
Romeo was different now. Habang tumatagal ay lalong humuhusay manamit ito. Hindi na ito mukhang naligaw ng henerasyon. Minsan ay naitanong niya rito ang tungkol doon. Ayon dito, kinantiyawan ito ng ilang kaibigan nito tungkol sa paraan ng pananamit nito. At noon lang daw ito naging aware na baduy manamit ito. Tinawanan pa nga nila ang bagay na iyon.
Nang gumabi na ay nagpa-deliver na lamang sila ng hapunan sa isang malapit na restaurant. Pagkatapos ay nagkape sila sa sala.
Napansin niyang mukhang hindi nababawasan ang enerhiya ni Karen. Panay pa rin ang kuwento nito hanggang sa magyaya nang umuwi si Ade. Marami pa raw itong pugpupuyatang trabaho.
"He really is a workaholic," napapailing na sabi ni Karen.
She silently wondered if Ade would be working that night or he would be working her. Well, it was a possibility. Matagal na hindi nagkita ang dalawa. Malamang na kapwa sabik na sabik ang mga ito sa isa't isa. And Karen was no doubt beautiful and sophisticated. Maganda rin ang hubog ng katawan nito.
Nang makaalis ang mga ito ay saglit pa silang nagkuwentuhan ni Romeo. Somehow, she felt glad that he was her boyfriend. Wala rin naman siyang maipipintas dito. Kung sana lang ay isang bagay na maaaring hawakan ang damdamin, agad niyang ililipat iyon mula kay Ade patungo kay Romeo.
Alas-diyes na nang magpaalam ito. Inihatid pa niya ito sa labas. Ang kapatid niya ay nasa sala lang, naninigarilyo.
"Kuya, hindi ka pa ba matutulog?"
"Mauna ka na."
"Okay ka lang ba?"
"I'm always okay." Ngumiti ito. "Sige na. And congratulations. Maybe Romeo is the one, huh?"
"Let's wait and see." Tumango ito at pumanhik na nga siya. Nagpalit siya ng damit at naglagay ng moisturizer sa kanyang mukha.
Hindi pa man niya nalalagyan ang buong mukha nang makarinig ng katok sa pinto. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya si Ade.
"A-ano'ng g-ginagawa mo rito? Si Kuya?"
"Nasa 'baba. Can we talk?"
"About what? Mukhang importante, ah, hindi mo na naipagpabukas."
Hindi ito umimik. Pumasok na lamang ito sa kanyang silid at ipininid ang pinto. Naupo ito sa kama ngunit agad ding tumayo at nagpalakad-lakad.
"I can't believe you!" bulalas nito.
"W-what?" Bahagya siyang nangamba sa reaksiyon nito. Para bang galit na galit ito samantalang wala naman siyang ginagawang masama.
"Kayo ni Romeo?"
"So?"
"So that's not right!"
"And what is?" Kumunot na ang kanyang noo. Napahalukipkip siya. Nag-init na rin ang ulo niya. Iyon ba ang ipinagpuputok ng butse nito? Ang gusto yata nitong mangyari ay ito lamang ang mayroong love life. Sumosobra naman yata ito. Kung ang mismong kapatid niya ay hindi siya pinagbabawalan, ito pa kaya?
"Break up with him! Call him up now and break up with him!" Iniabot pa nito sa kanya ang cellphone. Para bang nag-uutos ito sa isang tauhan.
Tuluyan na siyang sumabog. "Ano'ng karapatan mong utusan ako, ha? Ang kapal nito, ah! Sumosobra ka na yata, Ade?" angil niya bagaman mahina ang tinig sa pangambang marinig sila ng kapatid niya.
"I'm sorry. I didn't mean it that way. Ang ibig ko lang sabihin... Heck! Here's the phone. You can call him up and tell him nicely that it's over between you two." Bahagya pang ngumiti ito na tila nang-uuto ng bata.
"Ano ba'ng problema mo? Bakit ko gagawin 'yon?"
"Because... because... because h-he's not right for you. He's not good enough for you. You deserve s-someone better."
"I'll be the judge of that." Kumalma na ang kanyang kalooban. Somehow, she was moved by his action. Masyadong nag-aalala ito sa kanya kahit pa masyadong ridiculous ang mga naiisip nito. "It's already late. You better go home, Ade."
"Char..."
"Ade, you have to stop this. Hindi na ako bata na hindi alam ang ginagawa. Kahit si Kuya, gusto si Romeo. 'Wag kang mag-alala, I'll be all right."
Nagyuko ito ng ulo. "W-will you?"
"Don't be silly. Of course, I'll be fine."
"Are y-you i-in love with him?"
Siya naman ang hindi agad nakapagsalita. Hindi niya ugaling magsinungaling ngunit ayaw rin naman niyang maisip pa nito ang nadarama niya para dito. Sa huli, nagpasya siyang tumango na lang.
"No you're not."
"Yes, I am."
Inilang-hakbang lamang nito ang distansiya nila, saka siya kinabig sa baywang at inangkin ang kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Happy Ending by Vanessa
Romance"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"