Chapter 4

23.8K 411 16
                                    

PARANG nananadya ang tugtuging narinig ni Charito sa radyo. Awit iyon ni Annie Lennox. Paulit-ulit na, "I don't wanna wait in vain for your love." Nais na niyang magmaktol nang tuluyan. Sabado at gabi na pero ni anino ni Ade ay hindi pa niya nakikita.

Buong araw siyang hindi nagtungo sa kanyang shop dahil sa paghihintay rito. Ang tagal nga niyang inisip kung ie-encourage ang ganoong pakiramdam ngunit sa huli, nanaig ang pagka-miss niya rito. Pero ang hudas na iyon, mukhang busy talaga sa trabaho.

Daig pa niya ang isang nobyang hindi sinipot ng kasintahan. Ganoon na lamang ang lihim niyang pagsesentimyento. Hindi naman siya makapagreklamo kahit kanino sapagkat nahihiya naman siyang aminin ang kanyang nadarama, lalo na sa kapatid niya. Hindi rin naman siya makapiyok kay Carol, kilala rin nito si Ade at tiyak na mag-o-overreact ito.

Hanggang nang mga sandaling iyon ay kinagagalitan pa rin niya ang sarili sa pagbibigay ng ganoong reaksiyon. Pilit pa rin niyang pinipigilan ang kanyang sarili sa nadarama pero wala. Mas matindi ang sigaw ng damdamin niya kaysa sa isip. Lokong Ade iyon, bakit naman kasi mientras hindi niya nakikita ito ay lalo namang nagiging guwapo.

"Kanina ko pa inaabangan kung aalis ka. Bakit nakapanlakad ka?" wika ng kanyang kapatid sa kanya.

Napatingin tuloy siya sa kanyang damit. Ordinaryong blusa, jeans at sneakers lang ang suot niya. Panlakad na agad ang tingin doon ng Kuya Roge niya sapagkat kapag sa shop lang ang destinasyon niya, sapat na sa kanya ang T-shirt at shorts. Nakadama tuloy siya ng pagkaawa sa sarili. Iyon lang, big deal na sa kapatid niya dahil hindi siya palaayos. Kapatid pa niya iyon, paano pa kaya kung si Ade?

"Panlakad ba itong suot ko?" nakangusong sabi niya, tonong nangangastigo. "Ang simple-simple, panlakad daw." Noong nasa kolehiyo siya, hindi siya makalabas ng bahay nang hindi nakaayos. Nawala ang motivation niyang mag-ayos mula nang bahay-shop na lang ang naging destinasyon niya. Pakiramdam kasi niya, overacting kung sa shop lang siya pupunta ay maglalagay pa siya ng mga kolorete at poporma.

"Mainit yata ang ulo mo? Problema?" Tinabihan siya nito sa sofa.

"Wala akong problema. Naghahanap ako ng boyfriend!" sa inis ay nasabi niya.

Natawa naman ito.

"Masama ba 'yon? Twenty-six na ako, kailangan ko nang magka-boyfriend," aniya.

"At iniisip mong darating siya ngayon? Iyong prospective boyfriend mo at nag-ayos ka pa?"

"Malay mo?" Hindi naman nito alam na darating si Ade, hindi niya sinabi rito. Sporadic naman ang pagbisita sa kanila ng binata.

"Praning ka talaga."

"Ikaw rin. Kung hindi ka ba naman praning, nakipag-break ka kay Carol. Ang mga ganoong babae, hindi na pinakakawalan."

Tumawa lang ito.

Nagpatuloy naman siya. "Alam mo, Kuya, makikipag-date na rin nga si Carol, eh."

Noon nabura ang ngiti sa mga labi nito. "She wouldn't do that."

"At bakit hindi? Wala na kayo, 'di ba?"

"Still!" Tila inis na tumayo na ito. "Lalabas muna ako." Iyon lang at iniwan na siya nito. Kunot na kunot naman ang kanyang noo. Ano? Iniisip ba nitong hindi na magkakaroon ng ibang kasintahan ang best friend niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit patawa-tawa lang ito palagi? Men!

Nagsalang na lamang siya ng DVD sa player. Silang magkapatid lamang ang nasa bahay. Ang mga magulang nila ay magdadalawang buwan nang nasa Bicol. Nagbabakasyon ang mga ito sa lola nila sa mother side.

Hindi pa nila alam na magkapatid kung kailan babalik ang kanilang mga magulang. Kapwa kareretiro lang ng kanilang mga magulang sa trabaho kaya sabik sa bakasyon. Wala namang problema iyon sa kanilang magkapatid kaya naman hinayaan na lang nilang mag-enjoy ang mga ito.

Hindi pa nangangalahati ang pinanonood niyang pelikula ay pinatay na niya iyon. Ang totoo ay ilang ulit na niyang napanood iyon. Madami silang DVDs, karamihan ay bigay ni Ade. Naghalungkat siya ng iba pang mapapanood, until she stumbled upon a pirated porn flick, Armagetiton ang title. Parang kinuha sa Armageddon. Natawa pa siya nang maunawaan iyon, "Arma-Get-It-On."

Nagtatakang tiningnan niya iyon. Nasa ilalim ng salansan iyon. Malamang na sa kapatid niya iyon at nakaligtaan na roon.

"Hmm..." sambit niyang bahagya pang nahimas ang baba. Nakapanood na siya minsan ng ganoon, silang dalawa ni Carol. Hindi nga lang nila natapos ang unang eksena sapagkat kinatok na sila ng mga magulang nito sa silid at ipinuslit lamang naman nito ang VHS tape noon sa tiyuhin daw nito. That was less than a decade ago. Halos limot na niya iyon.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Magandang makapanood naman siya ng ganoong pelikula and see what she was living without. Excited na naupo siya sa sofa nang maisalang iyon. Hindi naman bastos ang unang eksena. May mga usapan pa nga ang mga bida, isang boss at isang sekretarya.

Mayamaya pa ay naghubad na ang sekretarya, gayundin ang boss. Napanganga na lamang siya sa mga sumunod na eksena. Hininaan niya ang volume sapagkat nangangamba siyang marinig ng mga kapitbahay ang halinghing ng sekretarya na nang mga sandaling iyon ay hindi na nakaabot sa mesa. Sa sahig na lang nag-"get it on" ang dalawa.

"These guys are humping like rabbits!" bulalas niya.

"What the hell are you doing?"

Napatili na lamang siya nang marinig ang pamilyar na tinig ni Ade.

Ang Aking Happy Ending  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon