NANG magmulat ng mga mata si Charito, ang nakangiting mukha ni Ade ang kanyang nagisnan. Wala yata silang gagawin buong araw kundi magngitian. Nakayakap ito sa kanya, si Snuffles ay nasa paanan nila.
Sinipat niya ang relong pambisig. Alas-onse na ng tanghali. "Aren't you going to work?" tanong niya kay Ade.
"Nope. Nag-leave ako, three days."
"Magkaibigan nga talaga kayo ni Kuya. Naka-leave din siya, eh."
"Nag-leave ako kasi hindi ko alam kung kailan ka babalik." Umismid ito.
"Sinabi ko naman sa 'yo kahapon na babalik ako, ah. Hindi na ako nakatawag kagabi na nakabalik na ako. I was so tired. Sorry, ha, Ade? Napasarap lang ako ro'n. Ang ganda-ganda sa Dumaguete at tahimik."
"It's all right. Ikaw pa, malakas ka sa akin."
Ilang minutong walang namagitang salita sa kanila. Nanatili lamang na nakayakap ito sa kanya at siya naman ay nakasiksik dito. Hanggang sa tumalon sa gitna nila si Snuffles, tila nagpapapansin.
"Ang cute niya ngayon, 'di ba?" aniya rito. "Halika na sa labas, malamig na 'yong almusal mo. Nagluto ako kanina."
"'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh." Tumayo na rin ito.
Ininit niya ang pagkain at dumulog na sila sa mesa. Sa tuwing mapapatingin siya rito, nakikita niyang nakatingin lamang ito sa kanya. Ngitian sila nang ngitian. Sa huli ay nagtatawanan na sila.
Pagkatapos mag-almusal, nag-shower si Ade. Siya naman ay nanood lamang ng TV sa sala. Nang magbalik ito roon ay mukhang ang presku-presko na nito. Mukhang wala itong balak umalis ng bahay dahil puting kamiseta at boxer shorts lamang ang suot nito. He looked so sexy wearing that. She wondered what he was like in bed. Sukat sa naisip ay nag-init ang mga pisngi niya.
Bakit ba iyon ang pumasok sa isip niya? Ano ba ang malay niya sa mga ganoong bagay? But looking at Ade made her head create obscene images. Obscene images only a lot subtler than what she saw in the porn flick months ago.
Tinabihan siya nito. "Ano ba ang pasalubong mo sa 'kin? 'Buti naalala mo pa ako?"
"Ang OA mo talaga. Hindi bagay sa 'yo ang mag-OA." Inilabas na niya ang mga pasalubong niya rito. Mga delicacies at ilang T-shirts at shorts na gawa sa Dumaguete.
"Thank you, Char. Uhm, how's R-Romeo boy?"
"He's good. Nag-text na nga."
"K-kayo na ba?"
"Nope. I don't think he knows how to ask me."
Nanlaki ang mga mata nito. "Hold on a second. Ibig mong sabihin, okay lang sa 'yo na maging boyfriend 'yon?"
"Why not? He's a great guy, fun to be with. You really should talk to him more. Makikita mo, matutuwa ka rin sa kanya."
Natahimik ito. Saglit na nagsalit-salit ang ekspresyon sa mukha nito. One time he seemed angry, the next he seemed like a child who had lost a toy. Nagdilim ang mukha nito mayamaya, saka tumayo. Nagpalakad-lakad ito sa harap niya na para bang wala siya roon.
"What the hell are you doing?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi puwedeng maging kayo," deklara nito mayamaya.
"What?"
"He's not good enough for you."
"Right," sambit niyang inabot na ang kanyang bag. Mukhang hindi na naman mauuwi sa maganda ang kanilang usapan kaya naisip niyang mas mabuti pang umalis na lang siya. sa totoo lang, hindi niya ito maunawaan. Ito ang nagpakilala sa kanya kay Romeo at ngayon ay ito rin ang umaayaw sa lalaki. Ang nais ba nito ay isa sa mga palpak na ipina-date nito sa kanya siya mauwi?
Kung hindi lamang niya alam ang katotohanan, baka maisip pa niyang nagseselos ito. Pero dahil alam niyang wala namang mamamagitan sa kanilang romantiko maski kailan, nauwi siya sa isang konklusyon: na lumalabas lamang ang pagiging overprotective nito sa kanya. O baka na-threaten ito kay Romeo na alisin siya sa buhay nito. Hindi ba at ganoon na lang ang pagtutol nitong sumama siya sa Dumaguete dahil sa negosyo?
"Saan ka pupunta?" salubong ang mga kilay na tanong nito.
"Mukhang magkakasagutan tayo, partner. Mauna na ako." Ngumiti siya rito. "May mga pasalubong din ako sa staff."
"Please don't leave. Let's hang out here."
"No."
"Please?"
Napabuntong-hininga siya. Sasagot pa sana siya ngunit sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Isang babaeng kaedad marahil nito ang pumasok. Mahaba ang buhok nito, matangkad, mestiza, maganda. Naka-sleeveless blouse ito, maong na pantalon at puting sandalyas. Tipikal na porma ng mga coño girls sa malls.
"Surprise!" sabi nitong itinaas pa sa ere ang dalawang kamay. Ignoring her presence, tumakbo ito papunta kay Ade at tila sabik na sabik na hinagkan nito ang binata sa mga labi.
Napatalikod siya. Parang nahuhulaan na niyang ito ang kasintahan ni Ade. It still hurt. The woman was everything she thought she would be.
"Ahm, Karen, this is my business partner, Charito. Char, this is K-Karen, my girlfriend."
"Oh, so you're Charito. I've heard so many things about you!" Bineso-beso siya ng babae.
Nakakatawa ngunit wala siyang madamang pagkainis dito. Mukha kasing napakabait nito. Isa pa ay maaliwalas ang bukas ng mukha nito. hindi ito mukhang supladita.
"H-hello. Sa wakas nakilala na rin kita," aniya rito, nakangiti.
"Sorry I wasn't there at the opening. I have something for you, but I left it in the car."
"Really? Thank you." Mukhang mabait talaga ito. Hindi pa man sila magkakilala nang lubos ay naalala na siya nito. Marahil ay dahil sa pagkukuwento ni Ade dito. May pasalubong pa ito sa kanya.
The woman was everything she thought she would be... and more. Kaya pala hindi siya magugustuhan ni Ade kahit kailan.
Ouch!
BINABASA MO ANG
Ang Aking Happy Ending by Vanessa
Romance"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"