NANG magising si Ade ay magaan ang kanyang pakiramdam. Napatingin siya kay Charito na nakasiksik sa kanya sa couch. Napangiti siya nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Nakatulog na siya sa couch. Nang bahagyang nagising ay namulatan niya si Charito. He asked her to lie beside him on the couch.
Para nang isang tunay na kapatid ang turing niya rito. Nakita niya kung paano ito lumaki. Magkababata sila, maging ng best friend niya na kuya nito. She was a good girl. Protective din naman siya rito sapagkat alam niya kung gaano ito kamahal ng best friend niya.
Masarap palang matulog na katabi ito. Para itong kuting na nasasarapan sa pagsiksik sa kanya. His girlfriend would not mind even if she found out that he slept with Charito by his side.
Dalawang taon na niyang nobya si Karen Bermudez, anak ng isa sa mga executives ng TV station na pinagtatrabahuhan niya. Nang huli silang nagkita nang personal ay mahigit isang taon na rin ang nakalilipas.
Nasa Estados Unidos ito ngayon, nag-aaral ng Film. Bihira lamang din silang nakakapag-usap nitong huli sapagat malapit na ang finals nito at siya naman ay abala sa trabaho.
Hindi pa ito nakikilala nina Charito at Roge. Hindi na niya maalala kung bakit. Parati naman kasi siyang busy noon. Well, hanggang ngayon actually. Nagmana yata siya sa workaholic na ama niya.
Si Karen ang tipo ng babaeng moderno. Kaya nitong humarap kahit sa kaninong tao. And he liked her because of that. She came from a family of overachievers and when they met, they just clicked.
Marahil sa pag-uwi nito ay ipakikilala na niya rito si Charito. Tiyak na magkakasundo ang dalawa. Charito had so much potential. At masaya siyang ito ang nakuha niyang partner. No other person could be more efficient. Minsan nga ay naaawa na siya rito sapagkat parati itong pagod sa restaurant. Malamang na regaluhan niya ito ng bakasyon sa kaarawan nito.
Bahagyang umungol ito at itinaas ang isang braso sa kanyang balikat. Maluwag ang suot nitong pajama top at nabuksan na ang unang dalawang butones. Napalunok siya nang hindi sinasadyang masilip ang dibdib nito.
Oh, God... His groin stirred like crazy. No, this is just piss. I have to take a leak.
Marahang bumangon siya upang hindi magising ang dalaga at agad na nagtuloy sa banyo.
He never thought he would feel that relieved looking at his limp penis. Agad na nawala ang kaba niya. Bumalik na siya sa sala. Tulog pa rin si Charito. She looked so peaceful. Mukhang anghel ito, itim na itim ang buhok at unat na unat.
Nagpasya siyang kumutan ito. At muli, nasilip niya ang hindi dapat masilip. He couldn't believe the strength of his arousal. Daig pa niya ang nakakita ng multo. Parang may isang libong sumo wrestlers ang sabay-sabay na tumalon sa kanyang dibdib sa kabog niyon. Isa lamang ang salitang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya: incest!
Nagmamadali na siyang naligo pagkatapos ay ni hindi ito tinapunan ng pansin nang likumin ang papeles sa coffee table. Halos takbuhin niya ang pinto, tila hinahabol ng mga sugo ng dilim.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Happy Ending by Vanessa
Roman d'amour"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"