Chapter 16

18.9K 329 1
                                    

NAKAMASID lamang si Ade kay Charito habang kausap nito ang isang lalaki. Kasama rin nito si Carol at ang bagong nobyo nito. Matagal na niyang kilala si Carol, palibhasa ay dahil matagal itong naging kasintahan ni Roge. Mukhang nag-double date ang magkaibigan.

Dapat ay masaya siya para kay Charito at para din sa kanyang sarili. Ang kaso ay hindi. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi siya panatag sa ka-date nito. Parang may hindi siya gusto sa lalaki. Tama, iyon ang dahilan kung bakit hindi siya mapanatag.

He was flattered with what Charito told him. Sino ba namang lalaki ang hindi makakaramdam ng ganoon, lalo na at hindi basta-bastang babae ito? Ang kaso lang, wala siyang magagawa. Sadyang hindi niya masusuklian ang nadarama nito.

Hindi siya pervert, ayaw niya ng incest. Parang ganoon na rin ang mangyayari sapagkat si Charito ay isa lamang nakababatang kapatid para sa kanya. Isa pa, committed na siya kay Karen. Masyadong maraming komplikasyon kung magiging silang dalawa.

Aaminin niyang nami-miss niya ang dating samahan nila ng dalaga. Minsan ay hinahanap din niya ito sa kanyang unit. Naisip niyang marahil ay dahil nasanay na siya sa presensiya nito. At wala rin namang magiging problema sa kanya sakaling doon pa rin parati si Charito sa bahay niya. Iyon nga lamang, ito na rin ang umiiwas.

Damang-dama niya ang pag-iwas nito sa kanya. Bihirang-bihira na lamang sila kung mag-usap kahit na madalas naman silang magkita. Mula nang magkailangan sila, parating hindi niya matiis na hindi dumaan sa restaurant basta may oras siya. Halos araw-araw siyang naroon ngayon.

Minsan, kapag nagtutungo siya roon, pauwi na si Charito. Hindi na rin ito nagpapahatid sa kanya, kadalasan ay naroon na agad si Carol upang sunduin ito. Sa tuwing mag-uusap sila, tungkol sa restaurant ang nagiging paksa nila.

Minsan ay parang nais niyang mainis dito. Sinabi naman niyang walang magbabago sa pagitan nila ngunit ito naman ang gumawa ng pader na iyon. In-assure naman niya itong hindi mag-iiba ang pagtingin niya rito ngunit siguro ay sadyang nahihiya ito sa kanya.

Napailing siya. Kung bakit naman kasi kailangan pang maging ganoon kakomplikado ang lahat?

Pumuwesto siya sa tabi ng cashier para hindi siya mahalata ng grupo na nagmamasid siya. Ang hula niya ay ni hindi pa alam ni Charito na naroon siya dahil sa back door siya dumaan.

"Kanina pa ba sila rito?" tanong niya sa cashier. Mataas ang counter at nakaupo siya sa upuan doon, hindi siya pansinin.

"Sina Ma'am Charito po? Opo. Mga seven pa po sila rito. Ang cute po n'ong ka-date ni Ma'am, 'no?"

Napaismid siya. May hitsura ang lalaki. Ngunit bakit ganoon na lamang kung makaakto ito? Para bang nobya na nito si Charito. Ang interiors ng restaurant ay iyong tipong sa Mediterranean talaga at mababa ang mga mesa at nagkalat ang malalaking unan na nagsisilbing upuan. Ang laki-laki ng espasyo sa paligid ngunit ang lalaki ay ang lapit-lapit kay Charito. Halos magkadikit na ang mga unan na upuan ng dalawa. At si Carol, sa halip na balaan ang kaibigan ay mukhang tuwang-tuwa pa. Hindi iyon maaari. Nais na niyang tawagan si Roge ngunit pinigil niya ang sarili.

Marahil ay pagsasabihan na lamang niya si Charito mamaya. Kung patuloy na makikihalubilo ito sa mga nakaka-date sa ganoong paraan, ano na lamang ang iisipin ng mga lalaki? Partikular ang lalaking ito na mukha namang manyakis. Hindi ganoon ang tamang pag-akto sa unang date.

Alam niya, masyado pang inosente si Charito pagdating sa departamento ng dating at romance. At ang lalaki namang ito ay masyadong mapagsamantala. Natigilan lamang siya sa pagmamasid nang mapansin niyang magkadikit na pala ang mga ngipin niya sa inis.

Ipinilig niya ang ulo. Beinte-sais anyos na si Charito. Dapat ay alam na nito ang ginagawa. Wala na siya dapat pang pakialam dito ngunit hindi rin niya masisi ang kanyang sarili. It was like seeing his younger sister flirting with a man. Lumalabas lamang ang protective instinct niya. Yes, that was it.

Naiinis siya sa pagmamasid doon. kasabay naman niyon ay hindi siya makaalis sa kinauupuan. Pakiramdam niya, ano mang sandali ay gagawa ng kagaspangan ang lalaking kasama ni Charito. At kapag nagkamali ito, huwag na itong magpapakita pa sa kanya at bubugbugin talaga niya ito.

Alas-dos na ng madaling-araw tumayo ang mga ito, nagtatawanan pa rin. Bakas naman sa mukha ni Charito ang labis na pagkaaliw sa nangyayari. Ngiting-ngiti ito.

Pasimple siyang nagtungo sa opisina. Hindi pa nag-iinit ang puwit niya sa silya ay pumasok na roon si Charito. Halatang nabigla ito nang makita siya.

"Nandito ka pala. Hindi ka pa ba uuwi? Pauwi na ako. Sige." Dinampot nito ang bag at isinukbit iyon sa balikat.

"Ako na ang maghahatid sa 'yo," pagboboluntaryo niya.

"No need."

"Anong no need? Sino'ng maghahatid sa 'yo?"

"A friend, si Dennis." Ngumiti ito.

"Sino 'yon?" tanong niya kahit nahuhulaan na niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Kaibigan ni Carol, ipinakilala niya sa akin. He's nice."

"No, he's not. Nakita ko siya, Charito, and he looks like a freak to me."

Kumunot ang noo nito, halatang nabigla sa sinabi niya. Tiningnan siya nito. Hindi naman siya makatingin dito. Hindi niya alam kung bakit. Namulsa siya at ginalaw-galaw ng mga daliri ang keyboard ng computer.

"He's not a freak. I'll see you around." Iyon lamang at tumalikod na ito.

Mabilis na nalapitan niya ito at naagapan sa braso. "I know you're already twenty-six and that I shouldn't care whoever you date. But I feel like I have some responsibility to you."

"No, you don't have any responsib—"

"For the sake of argument, let's say I have. And I wanna make up for everything." He sighed. "Everything that didn't go exactly like we planned."

"Ang labo mong kausap, Ade, sa totoo lang."

"I know, I know. What I'm trying to say to you is, let me find you someone. You know? Someone better than that Dennis. I'm sorry to say, but I really don't trust that guy."

"All right, find me a date, whatever. I have to go now." Nagmamadali nang lumabas ito at wala na siyang nagawa kundi pagmasdan ang pintong nilabasan nito.

Tinawagan niya si Roge at sinabing bantayan kung uuwi nga ang kapatid nito sa tantiya niyang kalahating oras na biyahe. Hindi naman ito nagtanong kung bakit, malamang na naisip na concerned lang siya. Nag-text ito sa kanya mayamaya at sinabing naroon na si Charito.

Saka lamang siya tila nabunutan ng tinik.

Ang Aking Happy Ending  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon