Cutting

58 2 0
                                    

Ang mapanglaw na kalangitan ay ilang araw ng lumuluha. Ito'y naging palaisipan ng mga mamamayang namumuhay sa Veneillora sapagkat matapos ang ilang libong taon ay ngayon lang din muli umulan sa lugar. Ang pagpatak ay 'di pangkaraniwan dahil ni isang minuto o oras ay hindi ito tumila. Mag-lilimang araw na ng magsimula ito sa lugar.

Ayon sa mga residente na orihinal na namumuhay sa Veneillora ay kanilang masasabi na ang mga butil ng ulan na galing sa kalangitan ay huli nilang nakita noong naghahari pa ang Don Matias, ang ama ng kasalukuyang namamahala sa lupain ng mga bampira na si Francsco. 

Ang ulan ang nagsisimbolo na may malagim na mangyayari sa sanlibutan. Maaari din na ito'y sumisimbolo sa paghuhukom na nangyayari sa pagitan ng mundo ng mga mortal at immortal. Ang paghuhukom ay 'sang 'di katiyak-tiyak na pangyayari dahil ito'y dinadaluhan lamang ng mga makakapangyarihan. Ang punong inaasahan ng Siyang Nakatataas at ang siyang Hari ng Mundong ilalim. 

Sa mga pagtitipan na kagaya nito ay 'di malalaman ng ibang mga nilalang sapagkat ito'y lubos na sinesekreto ng mga nasa mataas na awtoridad para sa katiwasayan ng kilusan. Sa una ay maliwanag na na isinaad ng Siyang Nakatataas  na ang pagtitipon ng dalawang panig ay dapat na gawin sa lugar kung saan 'di mabubuo ang pagkakasalungat. Kaya kanila itong napagpasyahan na ang paghuhukom ay gawin sa mundo ng mga tao.

Sa mundo na na ang presensya ng mabuti at masama ay 'yong maaaninag.



Sharlene


Palabas na ako ng silid namin ng marinig ko ang pagtawag niNash saakin. NIlingon ko siya't eksakto din na siya palapit na sa kinatatayuan ko. Nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking balikat at sumabay na saakin sa pagbaba ng hagdan.

"Sabi ko naman sa'yo na huwag mong suwayin si Tita. Paano kung napahamak ka? Mabuti nalang pala at naisipan kong pumunta sainyo 'no." Rinig kong pagsite saakin ng aking kaibigan. Kaya minsan gusto kong mapag-isa dahil kung wala si mama nandyan siya para pangaralan ako. 

"Oo na, oo na. Ako na mali, okay? Tsaka hindi ka na nasanay sakin. Alam mo naman na ayaw ko sa bahay na 'yon." Sinipat ko siya tsaka umiba ng daan. Patungo na kami ngayon sa foodcourt para bumili ng makakain. Ngunit dahil may iba akong agenda sa tanghali na 'to ay tatakas muna ako sa kaibigan ko. 

Maigi akong pumila kahit na wala naman akong bibilhin. Nasa likuran ko si Nash at kung nakabili na siya ay aalis na ako. 

Masikip na ang foodcourt ng kami'y dumating. Hindi makalabas ang mga estudyante dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ilang araw narin at ayon sa PAG-ASA ay matagal-tagal pa daw para tumigil ang pag-ulan. 

Nang makausadna kami at makarating sa counter ay kunwari na wala akong mapili na ulam kaya nag-suggest ako kay Nash na sa labas nalang ako ng school bibili. Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses ni Aga.

"Pasensya ka na, Aga. 'D-di ko talaga napansin na nasa harap pala kita. Pase-" Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin ng agad siyang kinuwelyuhan ng mapang-abuso na lalaki. Isa pa 'to sa kinaiinisan ko sa lugar na 'to e. 

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong foodcourt ng inihulog ni Aga ang dalang tray ng lalaki. Ang lahat ay nakatingin lang sa eskandalo na pinagbibidahan niya. Kung saan talaga ilagay ang lalaking ;to may gulong mangyayari. Palibhasa nasa mataas na antaas ng pamumuhay ang pamilya nila. Putek!

Hindi pa natapos ang galit ni Aga at kinuha niya ang bowl na may lamang sopas sa katabi nito na mesa. Hinayaan nalang ito ng ibang mga estudyante at nakayuko na nagpatuloy sa pagkain. Napasinghap ako sa king mga nakikita. Mga duwag! 

Nilapitan ko si Aga matapos kong kunin ang mainit na sinigang ni Nash na nasa kanyang dalang tray at walang lamang na itinapon ito sa paanan niya. Ayaw ko din naman na itapon ang mainit na sabaw sa pgmumukha niya't baka mapatalsik na naman ako sa eskwelahan na 'to. Tinatamad na din kasi ako na lumipat. 

Halata ang pagkagulat ng lahat sa aking ginawa. Napatalon ang siga na si Aga at galit na galit na tumingin saakin. Dahil naiinis ako sa reaksyon niya ay sinipa ko ang nakataob na mangkok at tumama ito sa kanya. Mas lalong nagalit siya sa aking ginawa at tsaka mabilis na  lumapit. Pero bago pa niya ako masakal ay sinuntok ko siya sa tiyan dahilan para siya'y matumba sa sakit.

"Gago!" Sigaw ko habang nakahigang namimilipit sa sakit si Aga tsaka ako tumalikod at umalis. Pinagtinginan ako ng iba kong mga kapwa mag-aaral. Alam kong pagchichismisan na naman ako ng mga 'to. 

Nang nasa harap na akong building ay malakas parin ang buhos ng ulan kaya naisipan kong isuot ang aking hoodie at bumaba ng hagdan. Mabilis akong tumakbo patungo sa park at sumilong bago tuluyan na tumakbo palabas ng eskwelahan.

"Asan na ba si Lara?" Pagkakuha ko sa aking cellphone na nasa aking bulsa ay tsaka dumating ang hinihintay ko. Pinarada niya ang kanyang sasakyan at binuksan ang pinto.

Nang maksakay na ako ay pinagpagan ko ang aking damit tsaka humarap sakasama ko. 

"Saan ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Abala ito sa pagmamaneho kaya sa tuwing nagsasalita ay 'di lumiingon sakin. Tumungo muna kami sa bahay nila at kinuha ang kanyang mga hiniram na libro sa city library pati na ang kanyang mga gamit at damit. 

"Tara," Sabi komatapos namin pumarada ng tatlong metro mula sa aming bahay. Hindi pwede na makita ni mama ang kotse ni Lara at baka maghinala siya. Isinuot namin ang dala naming raincoat at naglakad hanngang sa makaabot na kami sa likod ng bahay. 

Tinulungan ako ni Lara na akyatin ang bakod at ng ako'y makapasok na sa aming bakuran ay dinala ko ang hagdan sa tapat ng aking kwarto. Hindi ko ito ni-lock ng ako'y umalis kanina para mabilis kong makuha ang mga damit ko.

Nang nasa tapat na ako ng bintana at akmang bubuksan ko na ito ng biglang bumukas ang pinto at dali-dali akong bumaba para 'di makita. Napalingon ako sa labas ng aming bakuran kung saan naghihintay si Lara. Kaya ng kanya akong makita na nagtatago ay kunot-noo siyang nakatingin lang saakin.

"Sharlene, dali!" Sigaw saakin ni Lara ng makuha mula sakin ang bag na may lamang mga gamit. Nakita ako ni Mama ng palabas ako ng bintana kaya todo ang pagsisigaw niya. Inihagis ni Lara ang bag ko sa loob at dali-dali kaming pumasok ng sasakyan. Dahil umuulan ng malakas ay 'di makatakbo ng mabilis si mama palapit sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan. Kaya ng magsimula ng umandar ito ay agad kaming lumayo sa bahay. Nakita kong inis na inis si mama na nakatayong tinatawag ang pangalan ko. 

Minsan naaawa ako sa kaniya kaso naiinis din ako 'pag pumasok na sa isipan ko ang ginawa niya sa amin noon.




between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon