Hide Me

53 2 0
                                    

Janella

"Halika, 'wag na 'wag kang lumayo sa akin kung gusto mo pang bumalik sa mundo n'yo." pagbabanta ko kay Marlo. Paano ba naman kasi kung saan-saan nalang napapadpad. Baka mahuli siya ng mga taga-dito at hindi na makakabalik, ano, ako na naman ang sisisihin nila kapag nalaman nila na nagsundo ako ng hindi pa naman pala patay.

"Eto ang tandaan mo ah, hindi 'to katulad sa mundo niyo na malaya kang nakakagala. Dito, kaonti lang ang namamahay kaya kapag nakita ka nila magsususpetsya ang mga 'yon." dagdag ko. Nauna na akong lumakad patungo sa bahay namin. Doon ko nalang muna itatago si Marlo habang abala pa ang lahat. Mamaya magiging tahimik din ang lugar at makakaya ko na siyang ibalik sa lugar kung saan ko siya sinundo.

Paliko na kami ng tumambad sa aking harapan si Edward kasama si Maymay at katulad din namin ay napahinto sila ng nakita kami. Halos 'di ko na mapigilan ang lakas ng kabog ng aking dibdib ng makita sila, ni hindi ko rin maibuka ang aking bibig upang magpaliwanag.

Alas otso, sa lumang bahay kami dinala ni Maymay at Edward. Kanina habang naglalakad ay wala kaming imikan. Gusto ko na nga lang tumakbo para mabilis kaming makaabot at matapos na ang lahay pero hindi maaari.

Ngayon ay nagkakatinginan lang kaming apat sa gilid ng lamesa hahang nakaupo sa silya. Hindi ko alam kung anong sasabihin marahil ay alam na nila kung sino ang kasama ko. Sigurado ako na may ideya na ako kung sino at saan galing si Marlo.

"Pasensya ka na kung wala akong maibibigay na makakain mo sa ngayon," rinig kong panimula ni Maymay. "Baka malason ka't matuluyan kapag naghain pa ako ng pagkain na hindi naaayon sa isang tulad mo."

"A-ayos lang, hindi pa naman ako nagugutom." sinipat ko ng tingin ang katabi ko at ininalik ulit ang tingin sa dalawang taong nasa aming harapan.

"Ah..let's just talk. I mean, I know you have your reasons." saad ni Edward na tila ba naghihintay siya kung sino ang mauuna sa amin ni Marlo na magsalita. "Are you guys..dating?"

Sa lahat ng mga posibleng bagay at dahilan kung bakit kami magkasama ay 'yon pa taalga ang sinabi niya. I almost choke.

"No!" sabay namin na sigaw ni Marlo tsaka kami nagkatinginan habang naka-ekis ang dalawang kilay.

"Oh! I see."

"Gusto kitang makausap, Janella." tumango ako kay Maymay ng marinig ko ang sinabi niya. "Tayong dalawa lang."

Tumayo ako kaagad at lumapit kay Maymay. Kanya akong dinala sa kusina at doon kami nagkausap. Ang akala ko ay kanya akong papapagalitan ngunit hindi. Wala akong narinig na mabibigat na bagay mula sa kanya kaya dahan-dahan din na nawala ang kaninang nararamdaman ko na kaba.

"Tutulungan kita basta ipangako mo lang sa akin na makakabalik siya sa mundo niya sa tamang panahon."

Vivoree

Ang kaba ko ay walang paglagyan ng aking marinig ang mga yapak na sa akin ay siyang nakasisindak. Dali-dali kong itinago ang aking mga gamit sa mga sulok.

Mahirap na kapag nalaman ni Inang ang mga pinagagawa ko. Hindi naman sa pinagtataguan ko siya pero parang ganun na nga, may ginawa akong labag sa pinagbilin niya. Hindi ako sumunod kaya ngayon ako'y kinakabahan na natataranta dahil nandito na siya.

Malakas na bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa akin ang walang emosying mukha ni Inang. Tumayo ako at binati siya pero ang nakuha kong kapalit ay sampal.

"I-inang..." nakakuyom ang kanyang kamay na tila ba pinipigilan ang sarili na gumawa pa ng ibang kilos na makakasakit pa ng tuliyan sa akin. Si Inang ang pinakamatanda sa aming angkan, ang nag-iisa at makapangyarihan. Siya ay ang lola ng aking Ina at ang aking guro.

"Simpleng bagay hindi mo man lang masunod?" napayuko ako ng marinig ang kanyang sinabi. "Kung ano ang aking sinaad ay yun lang ang 'yong gagawin. Lumabag ka sa akin, kaya ngayon ay hindi na kita papahintulutan na gamitin ang iyong mga natutunan."

Kunot-noo akong napatingin kay Inang na sinipat lamang ako at naglakad palapit sa pinto. Hindi ako makapagsalita simula ng marinig ko ang kanyang sinabi. Ibig ba sabihin nito ay hindi na ako maaaring gamitin ang mga aking kakayanan pati na ang aking natutunan noong araw na 'yon?

Pero, pero nais ko lang naman na subukan kung kaya ko ba na gawin iyon. At sigurado naman ako na wala akong nagambala na mga elemento dahil nagawa ko 'yon ng maayos. Hindi ba alam ni Inang ang bagay na iyon? Hindi niya ba alam na kaya ko ng tawagin at tipunin ang iba't-ibang elemento ng mundong ibabaw?

Sinilip ko ang labas ng aking bintana at nakita si Inang na kausap ang isa sa aming mga kasamahan. Hindi ko man ipahiwatig ng klaro ngunit may kung ano akong nararamdaman sa loob ko. Naiinis ako at nagtatampo. Hindi ba dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kaya na pagkatiwalaan sa mga bagay na ganito? Sa mga bagay na gusto at kaya ko?

Nagagawa niyang ngumiti sa ibang mga tao ngunit sa akin ay pinapakitaan niya ako ng mukhang 'di matimpla. Nananadya ba siya dahil anak ako ng isang ordinaryong tao?

"Bwisit." bulong ko at nasipa ang kahoy na dingding ng aking silid.

Dahil sa inis ay ipinikit ko ang aking mga mata. Sabay sa kumpas ng hangin at mga humihingang nilalang. Sinubukan ko na iderekta ang aking atensyon sa bagay na gusto kong tawagin. Katulad ng aking ginawa noon ay mas lalo akong ginanahan sapagkat ang aking nararamdaman ay nababahiran ng matinding emosyon.

Hindi ako papayag na mababa ang tingin sa aking ng mga tao lalo na kay Inang.

between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon