I, Princess Hannah

205 3 0
                                    

Hannah


Mataba, mapayat, bata, matanda lahat sila ay pare-parehas. Pantay-pantay ika nga sabi ng mga tao na nakatira sa Republika ng Pilipinas. Lahat sila ay may pantay na karapatan sa lipunan na siyang tinitirhan. Pero bakit sa tuwing ako'y napapadaan hindi na nila maalala ang kanilang sinabi tungkol sa paksang may kinalaman karapatan?

"Hannah," napausog ako bago pa matamaan ang aking hita sa kapal ng libro na inihagis ni Camille. "Kailangan ko ang reaction paper n'yan bukas , 9:30 a.m. Gusto ko ng maayos at malinis na reaction paper ah. Ayaw ni Mrs. Valdez ng parang crumpled paper ang ginamit. Tara na, girls."

Tsaka lang ako tumingin sa gawi niya at ng kanyang tatlong alagad ng marinig ko ang yapak ng kanilang pag-alis. Hindi ko na-imagine na magiging ganito pala ang buhay ko dito. I am a person with a royal blood pero kung utusan ako ni Camille at laitin ng kanyang mga alipores ay parang katulad lang nila ako.

Camille and her gang belongs to the lower class or working class. Sa proletariat, commonalty o hoi polloi. Nakakairita! I can't believe that I have been a katulong for days because of those pretentious brats. Sipsipin ko dugo nila e. Who you talaga sila saakin!

As I looked at the book nagulat ako ng bonggang-bongga. Not because of it's thickness and the words used in the book, the genre has nothing to do with my expression but the book itself. It is so well-known that even kids from grade school alam na ang storya.

Twilight

Freaking Camille! 'Di alam ang storya neto? Pati siguro magtataho alam na alam at kilalang-kilala si Edward at Bella. My Gracious! Oh, Poor Camille, maybe it is really better na tulungan ko siya. Mom and Dad said na 'pag may nangangailangan ay dapat kami'y tumulong. Grr, kainis! I don't want to help humans like her. But since I'm mabait and masunurin sa mga magulang, I'll do it.

Kinuha ko ang libro at tumayo na sa kinauupuan ko.  I better bring this back to the library. Ayaw ko ng magdala ng mga libro na ganito pabalik sa bahay. Hindi naman sa tinatamad ako pero kasi bringing something from school isn't my thing but if it is food then it's okay.

After class ay hinintay ko na muna ang kapatid ko and when we arrived from school agad kong sinabi sa katulong namin na nagugutom ako and I want my food fresh. Ayaw kong kumain ng naka-stuck na sa refrigerator for days.

Pagpasok ko ng kwarto ay binaba ko kaagad ang aking bag and while walking in my room's smooth dark red floor mat ay iniisa-isa kong tinangal ang aking uniporme. I deserve a relaxing shower after a stressfull day naman, diba?

The door opened and my food came. Mas ginanahan ako kasi fresh na fresh talaga ang inihanda saakin ng katuling namin. I sipped on my lemo— no, this isn't actually lemonade. It's blood.

As I sipped on my glass full of fresh blood ay mas nabuhayan ako. It's been so long since uminom kami ng dugo ng tao. Noong nandito kasi sina Mommy and Daddy, palagi nalang kaming naga-animal flesh. Nakakaumay! Dahil kasi sabi nila na baka may makapansin saamin na mga tao, since ibang-iba daw ang itsura namin among the people here in our place. Baka daw mapahamak kami 'pag sunod-sunod ng nalalagas kagaya ng buhok, ang mga tao dito. Like, whatever. They're mortals din naman at alam ng lahat na dadating din ang kamatayan sa buhay nila. Mamatay naman talaga sila kaya dapat hindi na sila ma-shock, no.

"Ate, I like this. I can really tell na it's fresh." Sabi ko sa katulong namin na nasa gilid ko lang nagbabantay. "It's super crispy din. Ano bang tawag sa food na 'to?"

between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon