Who Are You?

111 2 0
                                    

Benj

Mula sa aking kwarto ay napasilip ako sa aking bintana ng marinig ko ang tunog ng karwahe. Isinara ng mga kawal ang gate ng Mansyon at habang papalapit ang sinasakyan ni Pablo ay napangiti na lamang ako. Nandito na ang aking mga kapatid at paniguradong mag-iingay lang ang dalawa dito.

Minsan ay magkasundo sila pero madalas din ang pag-aaway. Hindi ko maintindihan ang kanilang kilos minsan siguro ay dahil sila'y nahahaluan na ng ugaling tao. Minsan maawain, magpakawang-gawa o matulungin sa iba na hindi naman namin kakilala.

"Benj!" Rinig kong sigaw ni ate Hannah at bago pa siya'y makapasok sa aking silid na nai-lock ko na ito. Ayaw ko na yumakap siya saakin na hindi pa nakakaligo. Masyadong madumi at mausok sa labas ng Mansyon at sensitive ako sa mga ganyan.

"Maligo ka na muna ate. Ang dumi mo!" Kahit na hindi ko kita ang itsura niya'y sigurado akong nakasimangot ito na naglalakad palayo sa aking kwarto.

Inayos ko na muna ang aking silid at niligpit ang mga libro na kakatapos ko lang basahin. Then a dark colored envelope with a strong paint of violet is lying above my desk.

Oo nga pala. Ito ang liham na galing sa manghuhulang si Uma. Ano kaya ang laman nito at si Dad ang kanyang pinadalhan at hindi si Lolo?

Bago ko pa man ito buksan ay nagdadalwang-isip na ako sa aking gagawin. Hindi para sa akin ang sulat at kung malalaman ni Daddy na nasa akin 'to at nabuksan ko na baka pagalitan niya ako.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang liham at inisip ng mabuti ang aking gagawin. Tiningnan ko ito sa harap at likod at npabuntong-hininga bago tuluyan na binuksan ito. Kukunin ko na ang papel sa loob ng makarinig ako ng katok kaya dali-dali ko itong tinago sa ilalim ng aking unan.

Pagbukas ko ng aking pinto ay tumambad saakin si Frank at sinabihan ako na lumabas na para mag-hapunan.

Janella

"Hello, this is Janella from Dilltria. How may I help you?" Sabi ko sa kabilang linya ng masagot ko ang telepono.

"Okay po. Salamat." Nang maibaba ko ang tawag ay tumayo ako kaagad at naglakad patungo sa pwesto ng kapatid ko. Kinalabit ko siya sa gitna ng kanyang pagme-makeup at ng siya'y nainis sa pangungulit ko ay hinarao din niya ako.

"Ano?" Taas tono niyang tanong saakin.

"May bagong dadating." Sabi ko bumalik na sa aking pwesto. Narinig ko ang inis niyang bulong at pagdadabog.

"May patay na naman? Ano ba 'yan? Segu-segundo may dadating. Naku!" I rolled my eye listening to my sister. Hindi na siya nasanay simula pa noon ito na ang trabaho ng pamilya namin. Kailan pa ba siya masasanay? Wala naman sigurong babago sa takbo ng buhay namin kasi dito na kami pinanganak at ito na talaga ang magiging hanap-buhay namin forever. Like, duh, ano pa ba ang ibang trabaho ng isang katulad namin? Kundi ang mangolekta ng patay. Kaluluwa ng patay rather.

Sa lahi namin ay kaunti lang kami hindi katulad ng iba na halos isang probinsya ang dami ng kanilang mga sakop. Nasa mga hindi lalampas ng sampu lang ang miyembro namin.

Kami ng kapatid ko ay naka-assign dito sa Dilltria kung saan namin wine-welcome ang mga bagong patay! Oo, kung may bagong kasal. May bagong patay din na term.

Dito sila nagse-stay bago pa sila pumunta sa kanilang huling hantungan, pinaka-huling hantungan. Is it in heaven or hell? Base nalang 'yon sa mga nagawa nilang deeds.

Iba't-ibang klase ng patay ang dumadayo dito kasi hindi naman lahat human talaga, kaya always kami busy and full-packed ang hotel na 'to.

Kung magtatanong kayo tungkol sa sahod namin sa trabahong 'to. Naku! Wala akong maisasagot d'yan kasi pati ako hindi ko rin alam ang tungkol sa sweldo kuno namin. Tek, may sweldo ba talaga kami dito?

Habang nagsusulat ay tumunog yung bell at pumasok si kuya Robi through the hospitality doors dala ang customer niya. Inihagis naman ni ate Julia ang keys para sa room ng bagong customer namin.

Ang boring na talaga ng trabahong 'to. Nakakainis na! Gusto ko ng umalis dito, swear! Grrr. Sa sobrang bored ay irap lang ako ng irap dahil sa sunod-sunod na pagpasok ng mga patay– ng mgq kaluluwa. Tss.

"Oo nga pala Janella, ikaw na muna pumalit saakin. Tinatamad na ako. Dali!" Sabi ni kuya Robi ng maihatid niya ang last customer niya sa room nito.

"Teka, tingin mo ba na hindi ako napapagod? Pagod na pagod na ako, no." Pinaalis ko siya sa upuan ko ng kanya akong pinausog kanina. Ito na nga lang ang ginagawa ko boung buhay ko tapos sasabihin niya na hindi ako napapagod?

"Sige na, last customer na 'to." Pamimilit niya saakin at pilit din na inilalagay ang listahan ng mga mamatay ngayong araw. Pagtingin ko ay may isa nalang na susunduin n'ya sa mundo. Isa nalang pala tsaka pa siya tinamad na bumalik! Kainis naman 'to!

Sumakay ako sa bangka at nag-paddle lang ng nag-paddle patungo sa Silangan. Nang makita ko na ang mundo ng mga tao ay mas binilisan ko pa ang pagkilos para naman masundo ko na ang patay. Jusko! Kainis! Pa-special! Patay nalang din naman sila e, bakit hindi nalang sila mag-exlore hanggang sa mapunta o mapadpad sila sa Dilltria. They should spend their last days wisely.

Habang naglalakad ay nakita ko na ang kotse na kkabangga lang. Eto na siguro ang taong susunduin ko. Napatakip ako sa aking ilong ng lumaki na ng lumaki ang usok ng kotse. Gosh! Ang baho naman! Sakit sa ilong teh!

I looked inside the car and saw six humans. Chineck ko na muna kung may sino sa tingin ko ang sobrang nagkasugat at damage sa katawan. And driver nila na at ang katabi nito ang sobrang nasugatan. Nabali ang leeg at may sugat sa kanang bahagi ng noo nito ang katabi niya ay nakayuko lang.

Tinapik ko si Kuya para magising siya at madala ko na siya sa Dilltria pero parang nagtulog-tulugan lang e, ang hirap gisingin.

"Mr. Lopez, gising na po. Sumama na po kayo saakin para makauwi na po ako." Hindi ko tinigilan sa paggising si Mr. Lopez hanggang sa marinig kong may nagsalita sa aking likuran.

"Sino ka?" Nagtaka ako ng aking lingunin siya dahil hindi si Mr. Lopez ang aking nakikita.

"I'm Janella and I'm here to fetch your friend, Mr. Lopez. Patay na kasi siya and he needs to come with me."

Parang tanga akong nagsalita sa harap ng lalaki dahil tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. I never felt so humiliated and offended all my life. Hindi niya ako sinagot, he didn't say anything man lang. How rude!

By the look on his face, I can say that his judging me. Baklang to!

between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon