Suffer

54 2 0
                                    

Sa paglipas ng ilang oras ay magkasama pa rin sina Sharlene, Lara at Donny sa lumang bahay. Hinihintay ang pagdating ng inaasahang sasama sa kanila patungo sa lugar kung saan hindi alam nila Shalrne at Lara. Kahit na ilang ulit na nilang tinanong si Donny kung saan sila pupunta ay 'di sila pinapansin ng binata.


Pagkagat ng dilim ay hindi na nakatiis pa si Lara at dali-daling lumabas ng bahay. Sumunod naman sa kanya ang kaibigan na kanina pa nababagabag sa masamang kutob na nararamdaman nito. Habang pababa ng hagdan si Sharlene ay hindi siya tumitig na bigkasin ang pangalan ni Lara. 


"Lara, hintay! Tulungan na kita sa paglalakad," pag-aalalang sabi ni Sharlene. Nang maabutan ang paika-ikang si Lara ay nilagay agad nito ang kamay ng kaibiagn sa kanyang balikat at hinawakan ang bewang. 


"Aray! Dalian natin Shar baka maabutan tayo ng lalaking 'yon." kinakabahang saad ng dalaga. 


Malinaw at tahimik na ang boung paligid. Madilim na rin at kung wala lang ang mga poste ng ilaw ay siguradong wala silang makikita sa kanilang dinadaanan. Hindi na nila inisip ang nasira nilang sasakyan at nagpatuloy sa paglalakad. Nagbabakasakaling makatagpo ng tulong. 


Sa kabilang bahagi ng kalsada ay makikita ang napakalawak na lupa na taniman ng mga palay. Dito nagkakagulo na ag mga mamamayan na naninirahan sa maliit na barrio. Ang mga kalalakihan ay alertong kinuha ang kani-kanilang mga itak at sunog na sulo. maririnig sa lugar ang sigawan at iyakan ng mga kababaihan habang nagmamakaawa na sila ay huwag ng saktan. 


"Hayop kayo! Pare-oareho lang kayong lahat!" sigaw ni Vivoree sa isang babae habang yakap-yakap ang isang sanggol. Bakas sa mukha ng babae ang takot, bigla at lungkot ng mamataan nito ang asawang nakahandusay sa kanilang lapag habang gutay-gutay na ang boung katawan. 


"Maawa ka! Maaawa ka sa amin..." sabi ng babae sa kabila nitong tuluyang paghikbi. 


"Awa? Ano 'yon? Bakit ako maawa sa inyo? Ginawa niyong miserable ang buahy ko. Sinaktan n'yo ako!" itinaas  ni Vivoree ang hawak na patalim at akmang sasaksakin ang babae na nasa harapan ng dumating ang ibang mga mamamayan dala ang mga matutulis at matalim na mga armas na ang iba ay gamit sa pagsasaka at pangangaso. 


"Hoy! Itigil mo na 'yan!" sigaw ng matandang lalaki na nasa unahan.


"Sino ka at anong ginagawa mo dito?"


"Hulihin siya!" namilog ang mga mata ni Vivoree at mabilis na tumakbo palabas ng bahay para tumakas. Hindi rin nag-aksaya ng oras ang mga kapit-bahay ng babae at tuluyan na hinabol ang nahihibang at nababaliw na si Vivoree. 


Sabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagsayaw ng mga dahon ng mga puno na kanilang nadadaanan. palalim ng palalim ang gabi at ang mga boses ng mga naghahabol sa dalaga ay maririnig sa kalagitnaan ng gubat kung nasaan sila. Kung ang mga naghahanap ng hustisya ay abala sa pagdakip sa saralin ng pagkamatay ng ilan nilang tauhan ay abala rin ang dalaga na paglaruan sila. 


Sa lakas at kapangyarihan ni Vivoree ay napapaikot at nalilinlang niya ang mga taong gustong dumakip sakanya. Dahil hawak na niya ang elemento ng lupa, hangin, tubig at apoy kaya na niyang gawin ang mga bagay na magpapahirap sa lahat. Ngunit ang kapangyarihan na nasa kanyang kamay ay 'di spat para maging reyna ng boung daigdig. Kailangan niyang harapin ang mga ibang imortal at talunin ang mga ito para wala ng makasagabal sa kanyang mga plano. 


BENJ


"Hindi pa ba nakakauwi sina Marco at Hannah? Baka ano na ang nangyari sa kanila sa Dilltria." pag-aalalang sabi ni ate Ella sa akin kaya hinarap ko siya at sinigurado na wlang mangyayaring masama sa kapatid at pinsan namin. 


"Walang mangyayari ate. Magtiwala nalang tayo sa kanila. Hindi naman pababyaan ni Marco si Ella e." sabi ko sakanya.


"Si Donny, Nasaan si Donny? Benj, pakiramdam ko may mali. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari na hindi natin napaghandaan ang mga bagay na dpat nating napaghandaan." nakita ko ang pag-aalala ng aking kapatid kaya wala akong magawa kundi ang tumahimik nalang at sundan siya ng tingin. Pabalk-balik ang lakad nito na para bang hindi mapakali. "Punthan natin si Uma."


Napatingin ako sa kanya ng hinarap niya ako bigla. Naalala ko ang liham na nasa akin noong una. Kung hindi ko iyon itinago at ipinagsantabi muna ang sariling kuryusidad ay hindi malabong napaghandaan na namin ang nangyari at ang mga mangyayari.


Nalaman na namin kung sino ang may hawak sa mga elemento ng Lahaya. Si Hannah ay ang may dala sa kapangyarihan ng Haring Amihan at si Marco naman ang nakatanggap ng kay Datu Silab. Sabay-sabay ang paglabas ng mga kapangyarihan na ito at kailangan namin na mahanap ang ibang elemento para 'di ito mapunta sa ibang mga kamay. Dahil kapag nangyari 'yon baka hindi lang ang Veneillora ang babagsak, kundi ang boung mundo. 


"Benj, Benj?" tawag sa akin ni ate Ella na naghihintay na sa aking sagot. "Ano? Puntahan na natin si Uma habang may oras pa tayo."


"Pero ate, kapag nagtanong ka tungkol sa hinaharap ay may kapalit ito. Hindi natin alam kung ano kapalit at mas lalo lang gugulo ang lahat." paliwanag ko sa aking kapatid na napaupo nalang sa sobrang lito at kaba sa posibleng mangyari."


LARA


Hindi ko na napigilan ang sakit athapdi na aking nararamdaman. Para ako nitong unti-unting pinapatay. Hindi ko malaman kung ano ang nagyayari sa akin. Hindi ito ang inasahan kong sakit. Baka kung ano na ang nagayayring masama sa katawan ko.


"Shar, arrrrrgh! Shit! Shit! Putek ang sakit! Tangina!" mangiyak-ngiyak na ako sa pinaghalong kabat at sakit. Wala na akong magagaw pa, hindi na ako makalakad sa aking sitwasyon. 


"Lara," hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Sharlene sa akin at basta ko nalang siyang nakita na tuayo at hinarap ang kanyang cellphone. 


Tangina, ang gumawa sa akin nito. Kung nakulam man ako o hindi magbabayad ang lahat ng tao na nagpapasakit at nagpapadusa sa akin ngayon. Lintek lang ang walang ganti. Wala ng libre at bait-baitan sa mundong puno ng sakit, pagdudusa, panloloko at mga puta. 


"Shit! Kapag namatay ako, mumultuhin ko talaga lahat ng tao! Putangina!" 


"Lara, Lara, makinig ka sa'kin papunta na rito si Nash. Tiisin mo ang sandali. Nakaalis na siya sa kanila." paninigurado sa akin ni Sharlene. Hindi ko na alam kung ano ang iisipinko. Parang gusto ko nalang mamatay sa aking sitwasyon. Pakiramdam ko'y hindi na kaya ng aking katawan ang sakit. Pakiramdam ko konti nalang at bibigay na ang mga ugat ko sa katawan at tuluyan ng bawian ng buhay. Lintek talaga! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon