Bully

67 0 1
                                    

Ella


Matapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa La Grounds kung saan ko ite-train ang aking mga kapatid at pinsan. Kinuha ko ang mga gamit na dala ni Frank ng makarating ako sa entrance.

Nang makapasok ako ay napangiti na lamang ako ng mag-iba ang ihip ng hangin. Mas lalo itong lumakas at lumamig kagaya ng kung may paparating na bagyo. Kaya dahil dito ay napalinhon saakin ang mga kanina pang naghihintay. Nahulat ata sila dahil hindi ko naman sa kanila sinabi na ako ang makakasama nila sa pag-eensayo.

"Ate Ella?" Nakanganga na sigaw ni Benj. Kaya ng magsink-in na sa kanila ay patalon-talon sila na lumapit saakin.

"Na-miss kita ate." Rinig kong sabi ni Donny at niyakap ako.

"Ate Ella.." Yakap-yakap ko si Hannah ng kamustahin ko din ang aking pinsan.

"Ate, kamusta?" Sabi nito at ginulo ko ang buhok ni Marco.

"Ate, mag-eensayo ka din ba? Kaya ka ba umuwi dito?" Napangiti ako sa tanong ni Benj.

"Ayos lang ako. Sa totoo lang, nandito ako para maging trainor n'yo." Inasahan ko na ang reaksyon nila kaya ng makita ito ng aking mga mata ay natawa nalang ako.

Hanggang ngayon ay takot parin sila saakin. Ibinaba ko ang ibang mga gamit at agad na binato ang tennis ball sa apat habang sila'y papalayo saakin para pumunta sa kanilang pwesto. Nakailag si Hannah ng isang pulgada nalang ang bola sa kanya kaya mabilis ko din itong sinalo sa kabila. Nabigla sila ng nasa harapan na nila ako at hawak ang bola. Tiningnan ko sila isa-isa na bakas ang walang emosyon na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Pumwesto ako at binato naman ito kay Marco pero kagaya ni Hannah ay nakailag siya kaya tumakbo ako para saluin naman ito.

Iniisa-isa ko sila hanggang sa natamaan si Hannah. Sinusubukan ko ngayon ang kanilang bilis pero nakakadismaya ang kanilang pinapakita.

Matapos ang isang oras ay natamaan ko silang lahat. Masasabi ko na matagal-tagal na rin ng hindi sila nakapag-ensayo. Alam ko na naging abala sila sa pag-aaral at pag-aasikaso sa kanilang mga trabaho kaya 'di ko rin sila masisisi pero sana hindi sila tumigil at nagpatulo parin para lumabas ng tuluyan ang kanilang kakayahan.

"Ate, masyado ka ng mabilis. Wala kaming laban sa'yo." Saad ni Donny na nakakunot ang noo. Kaya kinuha ko ang ibang mga bola at binato ito sa kanila.

Napangiti ako ng unti-unti na silang naging seryoso. Hindi lang ang limang bola ang binato ko sa kanila kundi ang mga baseball bat din.

"Aray! Putek! Ang sakit non ah." Sigaw ni Benj at kunot-noo na sumugod saakin. Umiwas ako sa kanya at ang bola na binato saakin ni Marco ay tinamaan ko gamit ang baseball bat patungo sa gawi ni Donny.

Tinamaan niya ito ng malakas at dahil mabilis na papalapit saakin si Hannah ay hinintay ko siya bago ako umalis sa kinatatayuan ko. Ng nasa harap ko na ang bola ay sumipat ako sa aking gilid at tsaka umalis dahilan para si Hannah ang matamaan nito.

Dahil apat sila laban saakin ay 'di ko namalayan na may dalawang bola pa pala na mabilis na papalapit sa direksyon ko dahil wala na akong oras pa para tamaan ito sa dala kong bat ay yumuko nalang ako. Payuko akong tumakbo at sinalubong na tinamaan ang dala kong bola.

Hindi ako tumigil, bato't iwas lang ang gibawa ko hanngang sa makita ko na kung paano na ka-determinado at galit ang kanilang itsura.

"Kaya pa?" Tanong ko habang nakalagay ang kaliwang kamay ko sa aking bewang at iniikot-ikot ang baseball bat sa kanan kong kamay.

"Aaargh!" Nasa kaliwang dulo nakatayo si Marco kaya ng marinig ko siya ay napalingon ako sakanya. Nakasara ang dalawang kamao ng tumakbo siya patungo sa akin kaya napangisi ako.

Ito ang hinihintay ko sa kanila.

Palapit na siya ng palapit kaya hinanda ko ang aking sarili para sa aking pag-iwas ng makita ko na unti-unting nagliliyab ang aking pinsan. Napakunot-noo ako. Ito ba ang sinasabi saakin ni Lolo?

"Whooooh! Pinsan ko 'yan! Whooo!" Patalon-talon na sabi ni Benj na halatang nasisiyahan sa nakikita kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Aaaaarrgh!" Sigaw ni Marco ng nasa harapan ko na siya at akmang susuntukin ng kamao niyang naglliyab kaya umiwas ako. Hinawakan ko siya sa kanyang braso tsaka hinila at tinamaan sa tiyan gamit ang aking tuhod. Napayuko siya sa sakit ngunit masyado atang galit ang batang 'to kaya napatayo soya agad na para bang hindi siya nasaktan sa tama ko.

Parang kami nalang ni Marco ang naglalaban ngayon ng makita ko ang tatlo na nanunuod lang saamin na nakatayo sa gilid. Si Donny at Hannah ay nakanganga pa na pinapanuod ang mga nangyayari habang si Benj naman ay todo sigaw at makikitaan mo sakanya ang suporta niya sa kanyang pinsan. Natawa nalang ako kaya mas lalong pinahirapan si Marco.

Bukod sa aking bilis ay may natutuyunan din naman ako sa pagiging Martial Artist sa mundo ng mga tao. Kaya masasabi ko na puro galit at apoy lang ang pinapakita saakin ngayon ng aking pinsan. Hindi pa niya ako natatamaan. Bukod sa bilis ay kagaya ng iba kulang din ang kanyang lakas.

"Ano ba Marco? 'Yan lang ba ang kaya mo?" Pagsubok ko sakanya.

Huminto siya matapos kong lumayo sa kanya at tsaka yumuko siya habang humihinga ng malalim. Natahimik ang boung La Grounds na tila ba nagsi-alisan ang mga tao at nagsiliparan ang mga ibon na kanina lang ay nagpapahinga.

Hindi mo aakalain na may mga tao pa pala sa sobrang tahimik. Kumalma ako at pinagpagan ang sarili.

Pumwesto ako sa gitna at nakapamewang na tiningnan silang apat. Tapos na ang pag-eensayo ngayong araw.

"Sa mga nakita ko, malayo pa kayo." Tumalikod na ako sa kanila para sana umalis ng may maisip pa ako na sabihin.

"Hindi man lang ako napagod." Saad ko at nilingon sila habang ang katawan ko'y nakatalikod parin. "Masyado kayong mahina para mapabilang sa pamilyang 'to."

Matapos kong sabihin 'yon ay naglakad na ako sa kanila papalayo. Sa aking paghakbang ay napansin ko ang tila pag-iba n ihip ng hangin, mas lumamig ito pero 'di ko nalang ito inisip.

Hanggang sa tinawag nila ang pangalan ko.

Masyadong mabilis ang pangyayari na sa paglingon ko ay nasipat ng aking mata ang mabilis na pagtakbo ni Donny at binato sa itaas ang bola kaya napatingala ako. Kunot-noo akong napatingin sa bagay at nag-iisip kong bakit sa itaas niya binato. Nang pababa na ito ay napatakip ako ng mukha ng biglang pinaliyab ito ni Marco. Akala ko ay masusunog ang boung paligi sa sobrang laki ng apoy. Gulat ako ng makita ang umaapoy na bola at akala ko na hanggang doon lang 'yon pero nagkamali ako. Hinipan 'to ng malakas ni Hannah dahilan para mapalapit ang nagliliyab na bola ng apoy. Sa matinding pagkagulat ay akala ko na matatamaan ako sa sobrang bilis ng pangyayari.

Napahinto't napatingin nalang kami ng sumabog ito sa bleachers. Hindi ko lubusang maisip ang mga naganap. Hindi ko sila nakitaan ng kakayahan nung una ngunit nakabuo sila ng pagsabog. Hindi ito ang aking inasahan na mangyari.

Kaya na nila ang bagay na 'yon?

Mapanganib ngunit nakakamangha. 

Vivoree

Minulat ko ang aking mga mata na nasisinagan ng matinding sikat ng araw. Umaga na pala, kailangan ko ng bumangon at mag-igib ng tubig sa balon.

Nagpaalam ako kay mama at umalis na din. Hindi rin madali ang aking paglalakbay dahil sa dinadaanan kong masukal na gubat. Oo, wala pa kasi talaga kaming klaro na daanan 'pag kami'y may pupuntahan na lugar.

Pasikot-sikot lamang kami hanggang makarating sa patutunguhan. Nang mamataan ko na ang balon ay napahinto na lamang alo sa aking paglalakad at i ilipat-lipat ang tingin sa paligid ng lumakas ang hangin. Dahilan ito ng paglipad ng aking sumbrero. Pero hindi lamang iyon ang aking napansin. May narinig din ako na parang pagsabog. Lumakas ng tuluyan ang pagtibok ng aking puso.

Ngayon ko lamang narinig ang ingay na iyon. Hinay-hinay akong naglakad papalapit sa balon at mabilis na ibinaba ang balde na may tali na naroon para makakuha ng tubig. Hindi ako mapakali at palingon-lingon pa rin sa aking paligid.

"Magandang umaga." Matinding gulat ang naramdaman ko dahilan para mabitawan ko ang aking timba at nahulog sa balon.

Sa sobrang inis ay galit akong napatingin sa taong nasa aking harapan.

between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon