Rooftop Buddies

60 2 0
                                    

Donny


Pinagmasdan ko ang mga larawan na nakapaskil sa mga dingding ng Mansyon habang ako ay naglalakad patungo sa silid ng aking Ama. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa ilang araw na namin na pagliban sa klase dahil sa aming pag-eensayo.

Nang ako ay paakyat na ng hagdan ay napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Benj. Sa ayos nito ay parang hindi naman ito lalabas ng bahay ngunit ang kanyang kilos ay parang nagmamadali.

"Benj," Tawag ko sakanya ng makalapit siya sa aking kinatatayuan. "May problema ba? Nagmamadali ka yata?"

Hindi ito sumagot ng ilang segundo kaya tiningnan ko ang bagay na sa kanyang kamay. Aking iniabot ito pero itinago niya sa kanyang likuran ang isang papel.

"A-ah, wala po 'tong laman. M-magsusulat pa lang po ako." Sabi niya kaya tumango nalang ako at hinayaan siyang umalis. Pero napatigil din ako ng sa kanyang pagmamadali ay nahulog ang isang piraso ng papel kaya baba ako para kunin 'to.

Pagkapulot ko'y napag-alaman ko na isa itong sobre. Tumingin ako sa dinaanan ni Benj at napaisip. Ang ganitong kulay na sobre ay huli kong nakita sa tahanan ni Uma. Bakit siya may ganito?

"Senyorito, nais n'yo po bang makausap si Senyor?" Tumango ako sa tanong ni Frank at sumunod sakanya. Ang envelope na may kulay violet ay akin munang nilagay sa bulsa ng aking jacket.

Kumatok mu a si Frank sa pinto ng silid bago niya ito tuluyang binuksan at ako ay pinapasok. Agad akong tumungo sa upuan ng aking lolo at ng kanya akong makita ay ngumiti siya sa'kin at ako'y pinaupo.

"Anong kailangan mo, Donny?" Tanong niya habang patuloy parin sa kanyang ginagawa.

"Lo, ilang araw na po kaming absent sa school. May plano pa po ba kayong pabalikin kami? Baka po kasi i-drop kami ng mga teachers namin lalo na't hindi po kami nagbigay ng excuse letter." Napatigil si Lolo sa kanyang ginagawa at inalis niya ang kanyang suot na salamin tsaka tumingin sa'kin.

"Oo nga pala," Sabi niya. "Pero hayaan mo na. Matanda ka na naman 'di mo na kailangan pang pumasok sa paaralan. At matagal ka ng nakapagtapos ng highschool, Donny. Ilang ulit ka na bang nag-aaral?"

Ngumiti siya at tumawa ng maalalang mahigit isang libong gulang na pala ako.

"Pero Lo, malapit na po kasi ang midterm namin. Kailangan ko pong bumalik doon." Napakunot-noo si Lolo at tiningnan ako ng maigi.

"Ano? Sasagutan mo na naman yung test papers n'yo, e, matagal mo ng alam ang mga sagot nun." Hindi makapaniwala na saad niya at tila ba hindi soya makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.

"Lo, sige na. Pagkatapos po ng midterm ay babalik ako dito. Sige na po," Pagpipilit ko sakanya.

Hindi ako pwedeng hindi bumalik dahil may gagawin pa ako.

"O siya, siya. Siga na. Umalis ka na." Nagulat ako dahil sa mabilis na pagpayag ni Lolo. Ano kayang nakain nito at pumayag agad sa hiningi ko? Makaalis na nga lang.
"Teka, magpaalam ka muna sa ate Ella mo." Paalala saakin ni Lolo bago ako hinayaan na umalis.

Sharlene

Naglalakad ako sa hallway ng mapansin ko ang pagiging tahimik ng ilang mga classrooms. First day pala ng midterm kaya ganito nalang ang itsura ng lugar. Parang nag-mimistulang ghost town.

Dahil pa namang oras ay naisipan ko na pumunta ng rooftop mas sariwa kasi ang hangin doon. Malamig at nakakagaan ng loob. Doon kami palaging tumatambay ni Lara 'pag gusto namin na mag-yosi.

Habang paakyat na ako ng hagdan at napatingin sa pinto ay tumama naman ang aking mga mata sa nakapaskil na kalendaryo.

August 23. Monday.

Napayuko ako ng saglit at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng aking itim na jacket. Hinanap ko ang number ni Lara at inatasan siya na sundan ako sa rooftop. Bago pa man ako nagpatuloy sa pag-akyat ay tiningnan ko ng maigi ang kalendaryo.

Hindi dapat ako naaapektuhan. Matatapos din ang lahat ng 'to kapag nawala ako.

Nang makalabas ako au agad na tumama sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Pumwesto ako sa isang side kung saan kita ang mga taong nagsisidatingan. Mga taong makikita mo na may mga pake sa buhay. Sila ang mga nilalang na may kanya-kanyang mga pangarap at hangarin na nais na makamtan.

Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng pangarap?

Sa ilang taon na pamumuhay ko sa mundong 'to. Wala akong maalalang pagkakataon na naranasan 'kong mamuhay ng kagaya nila. Ang mga ngiti nila'y sumisimbolo na masaya sila kahit na nakaranas sila ng kalungkutan ay nababawi naman habang maigi nilang ginugugol ang mga oras ng kanilang buhay. 
Ang anak na masayang nagpapaalam sa kanyang ama dahil siya'y papasok na at lilipas pa ang mahigit walong oras bago sila'y magkasamang muli. At ang ama na araw-araw hinahatid ang kanyang anak sa eskwelahan bago ito tuluyan na pumasok sa trabaho.

Ang kanilang masayahing anak ay masaya din kaya sa oras na pumasok ng siya sa paaralan? Masaya din kaya ang mga empleyado na harapin ang kanilang trabaho at gugulin ang halos lahat ng oras dito na sa halip ay para sa kanilang mga mahal sa buhay?

Ang ibang mga taong nakasakay sa kanilang kotse o sa mga jeep at LRT ay siguradong nagmamadali din para 'di mahuli sa pinapasukang trabaho at baka mabawasan ang kanilang sweldo o mapagalitan ng boss. Ang mga guard sa paaralan, mall, kompanya o sa kahit saan na establisimiento ay pinag-iigihan din ang halos buong araw na pagtayo at pagbabantay sa lugar na pinagta-trabahuan.

Masaya kaya sila sa kanilang mga buhay? Ano ang pakiramdam ng walang iniinda sa bawat araw?

Paano ba ang sumaya sa mundong 'to sa kabila ng pagkakaiba ng mga tao sa isa't-isa?

"Hoy!" Muntikan na akong mahulog ng bigla nalang akong ginulat ni Lara at hinawakan ang aking braso. Tumawa pa ito habang nagso-sorry. "Ano na naman ba ang iniisip mo't pinapapunta mo 'ko dito."

"May yosi ka?" Tanong ko kaya agad niyang inabot ang kanyang bulsa at ibigay saakin ang isang box ng sigarilyo. At ng makakuha na ako ay sinindihan niya ang hawak niyang lighter.

Tahimik lang kaming dalawa na nakatingin sa baba ng building habang inuubos ang aming sigarilyo. Kita din ang buong paligid kalakip ang iba't-ibang mga gusali ng siyudad.

"Shar," Tawag saakin ni Lara. "Bibisitahin mo ba ako sa presinto 'pag nakulong ako?"

Napakunot-noo ako sa tanong niya saakin.

"Kung sakaling may mangyaring masama sa'kin at kung sakaling.. hahanapin ako ng mga pulis. Ituturing mo pa ba akong kaibigan?"

"Ang galing ng Diyos habang sinusulat niya ang kwento ng buhay natin 'no? Hindi mo talaga maiisip ang mga susunod na mangyayari. 'Di mo masasabing cliche."

"Kung...sakaling mawala ako may iiyak kaya? May malulungkot kaya?"

"Shar," Tawag niya ulit sa'kin pero ngayon ay ramdam ko ang bahid ng pagkalungkot sa kanyang boses. "Malulungkot ka ba 'pag namatay ako?"

Binaba ko ang sigarilyo at tumingin kay Lara na namumula ang mga mata na nakatingin sa kawalan. Humarap ako sakanya at tinapik sa balikat.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko pero ngumiti lang siya ng hindi lumilingon sa'kin.

"Oo." Sabi niya bago itapon ang hindi pa nauubos na sigarilyo at humarap saakin. "Tara na. Magsisimula na ang exam." 

between mortals and immortals • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon