(Zaira's POV)
" Dreiven.. Ano pa ba gusto mo? Gusto mo ba ng juice o softdrinks? Hmm. Snacks kaya o may rice ang kakainin mo? Gusto m--" saad ko habang bitbit ang sandamakmak na pagkain sa kamay ko.
"Pwede ba Z? Tigilan mo nako sabi. Wag mo nga akong kulitin. Ayaw kong kumain. At lalong higit. AYAW.KO.SAYO." sambit ni Drei habang may nakalingkis sa kanyang dalawang malalanding babae.
Napabuntong hininga na lang ako. 5 taon nakong naghahabol. Pero kahit kailan di ako pinansin. Ako nga pala si Zaira Jamie Cruz. 18 years old. Si Drei. Ang taong mianamahal ko ng sobra. Kelan ba ko mapapansin ng taong to?
Ano ba ang dapat kong gawin? Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sakin.
"Ha? T-teka naman. Wag ka namang ganyan. Gusto ko lang naman na wag mong kalimutan na kumain." kagat labi kong sabi. Hindi ako makatingin sa kaniya. Ayaw ko ng nakikita kong nakaakbay siya sa dalawang babaeng katabi niya.
Napakunot ang mga kilay nito. Grabe! Bakit kahit ganun at masungit ito, napakagwapo parin nito. Tsk tsk! Inlove na inlove ako.
" Ano ka? Girlfriend ko? Tumigil ka nga Zaira. Hindi mo ba kitang busy ako? Lumayas ka na nga sa harap ko." saad nito sabay hawak sa bewang ng babaeng katabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako. Lagi namang ganto ang nangyayari sakin. Sanay na ko. Tumalikod na lang ako. Kasabay ng paglakad ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
"Hahaha. Loser girl." rinig ko pang sabi ng mga babaeng kasama ni Drei bago ako umalis.
"Oh best? Parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa sa itsura mo ngayon ah.?" si Ailah Marie. Isa sa mga bestfriend ko.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school eh. Iniisip ko parin ang mga sinabi sakin kanina ni Drei.
"Ala teh~ Mukhang nakashabu ata iyan eh. Tingnan mo. Haggardo Versoza na eh." sabi naman ng aking friend na bekalu na si Cedric.
"Ano? Paulit nga Cedric? Gusto mong pagpractican kita ng Judo? May competition pa naman ako bukas." sabay smirk ko sa kanya. Haha. Buti na lang may mga kaibigan ako. Atleast,may magpapangiti sakin pag nalulungkot ako.
"Ay best. Wag ganun best. Sayang naman ang kadyosahan ko. Ikaw din. Maeextinct tayong magaganda. Haha."
"Ewan ko sa inyo. Tara na nga sa room." natatawang sabi ko.
Drei. Hindi ako madaling sumuko. Fighter ako eh. Kakayanin ko to. Hanggang sa mapaibig kita.
*************
Waaaah~ 3 votes naman po at kahit 2 comments for the next chappy. Thanks. :*
BINABASA MO ANG
My Love Battle
RomanceMatalim na tinitigan ng dalaga ang binata. Makikita ang sakit,lungkot,at ang pagmamahal sa magaganda nitong mga mata. "SUKO NA KO. Ayaw ko na. Napapagod na ko Dreiven. Tama na ang paglaban kong ito. Pagod na ko sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko na kay...