Chapter 18

33 2 0
                                    

Thursday naaa~ So meaning Update na ulit si Otorrr Byuntss~xD Hoho.

Multimedia at the right side ay sina Ace at  Zaira. ^_^

Votes and Comment? ♡♥♡

-MommyByuntae-

******

(ZAIRA'S POV)

" Drei. I love you." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Mataman naman niya akong tiningnan, puno ng pagmamahal ang makikita mo sa mga magagandang mata nito.

"I love you too Jamie." Puno ng sinseridad na sagot niya sakin.

Unti unting naglalapit ang aming mga mukha. Isang dangkal na lamang upang magdikit ang aming labi ng nag-alarm ang orasan ko.

T-teka? ORASAN? Takte! Panaginip lang yun? Haysss. Bad timing naman tong alarm clock na ito eh. Pabida ba. Magkikiss na kami ULIT eh. Haha. Landee ko.

Pagkatapos ako ihatid kagabi ni Drei. Umalis na rin naman agad siya. Ang sabi niya lang na susunduin niya daw ako dito ngayong umaga, kaya eto, nag-alarm ang pabida kong alarm clock para gisingin ako ng maaga.

Aba! First time to. Yes! After 5 years, kaya nga gumising ako ng maaga para dito. Kailangan naman presentable ako sa kanya mamaya.

Naligo ako agad tapos tinuyo ang buhok ko gamit ang blower. Nilagyan ko naman ng konting kulot sa dulo ang buhok ko. Naglagay rin ako ng light make up at lipgloss. Dyarannn~ Tapos na. Simple lang. Ayoko talaga ng makakapal na make-ups eh. Ayos na ko sa ganto.

Narinig ko si Yaya na tinatawag ako sa baba. May tao na daw sa labas eh.

Ngiting ngiti ako nung binuksan ko ang pinto, knowing na si Drei ang bubulaga sa akin pero hindi. Si Ace. Nandito at nasa harap ng bahay ko.

Napakunot naman ang noo ko. At nawala na ang ngiti ko sa mukha. Siya naman ang ngiting ngiti ngayon. Ay! Hindi, kasi nakangisi siya. Ngising aso talaga.

"Anong ginagawa mo dito ha?" Maangas kong tanong sa kanya.

"Sus! Namiss mo ko no? I know it Zaira. Tagal kong nawala eh." payabang niyang sagot.

"Kapal mo." Napatingin naman ako sa orasan ko. Baka dumating na si Drei, at makita niya dito si Ace. Magagalit yun. " Ahm, Ace. Alis ka na please? B-baka kasi makita ka ni Drei dito." Nag-aalangang sabi ko sa kanya.

Napangiwi naman siya sa tinuran ko.

" I dont care." Pacool niyang sagot.

"But I care. Magagalit ang boyfriend ko sakin." nakita ko kung paano dumilim ang aura niya ng narinig niya sakin ang pangungusap na iyon. Nakakatakot tuloy siya tingnan ngayon.

"He is your boyfriend? Is this a joke?" May mababang tonong sabi niya.

Tumango naman ako bilang sagot. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at inilapit ako sa kaniya.

"DO YOU KNOW WHAT DANGER YOU ARE PUTTING YOURSELF INTO? DAMN!" galit na galit na sabi niya. Nasasaktan ako sa mahigpit niyang hawak sakin.

"Alisin mo ang kamay mo sakin Ace. Nasasaktan ako!" Pumipilit akong pumiglas pero malakas talaga siya.

"ANO BA ACE! Naiinis na ako sayo!"

"Break up with him. Kung ayaw mong masaktan lang, hiwalayan mo na siya." Nagbabantang sabi niya.

"A-Ace."

Nakarinig ako bigla ng pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

" Better get off your hands to my wife or else Ill goddamn kill you!"

Shiz. Sabi ko na nga ba. Lagot na.

My Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon