Chapter 4

85 10 2
                                    

Wohohoho. Eto na. Here na itechiwalalurbabels ang next chappy.^^  VOTE -COMMENT= LOVE.

Hahahaha. Love you all! :*

-MommyByuntae-

*******

(Zaira's POV)

"Oh? Talaga? Kamukha ba talaga nung kababata mo?" tanong ni Krein.

"Oo eh. Lalo na ang mata niya. Kaso iba pala eh. Tsk." sabi ko.

FLASHBACK

"Ahhh~ O sige. Tara. Alam ko kung saan ang room na iyan." sagot ko sa kaniya.

Isa lang ang kailangan kong gawin, ang itanong ang pangalan niya.

"Ahhmm.. Ano nga pala ang pangalan mo?" Oo. Desidido akong malaman kung siya si Vince. Sana naman siya nga. Dahil miss ko na ang kauna-unahang lalaking nagpangiti sa akin.

"Bakit? May gusto ka ba sakin kaya mo gusto itanong kung sino ako? Well, kung ganon, ako nga pala si Ace." Natanggal bigla ang ngiti ko. Hindi. Hindi siya yan. Hindi ganyan ang ugali ni Vince. Mayabang ang isang to. Nakataas ang gilid ng isang labi nito habang sinasabi ang mga pangungusap.

Aba! Nakakainis itong lalaking ito. Saksakan ang bilib nito sa sarili porket may kagwapuhan nito.

"Hindi, Wala akong GUSTO sayo. Wag kang mayabang. Hindi ka ganun kagwapo. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Wag na lang sana tayo ulit magkita." sabay talikod ko sa kaniya. Nakikita ko kasi din si Drei na nakatingin. Tama naman din kasi na nagpakilala ang binata ay nasa may tapat na sila ng pintuan ng classroom nito.

Humahakbang na ako palayo nang may sinabi si Ace.

"Mukhang imposible ata yung sinasabi mo Jamie. Sige. Sa muling pagkikita natin magandang binibini."

FLASHBACK ENDS

"Hmm.. Malamang naman nga kasi besh. Talagang magkikita kayo ulit nun. Nasa iisang school kayo eh." agad na sabi sakin ng bruhang katabi ko. Sabay tawa ng malakas.

"Aisshhh. Bahala ka nga. Tsaka mag gagabi na best. Baka mamaya hinahanap ka na nina Tita. Gora na. Haha." Paalala ko naman sa kanya. May curfew eh.

"Ay! Oo nga noh? Geh na besh. Babayuuu~ Kitakits na lang sa school! "  napangiti na lang ako. Ito talaga oh.

ACE pala pangalan niya ha? Tss. Mayabang. Ayaw ko sa kaniya.

Kamusta na kaya si Drei? 'May babae na naman sigurong kasama yun' Hayss. Ano pa nga bang bago? Nakakalungkot lang kaya mag-fafangirling muna ako. Manunuod muna ako ng video ng EXO. Haha. Luhan! I love you na talaga. Ang aking love pero pangalawa. Kasi nga first si Drei. Si Drei na kahit nandyan lang, hindi ako pinapansin. Haysst~

My Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon