Chapter 8

77 9 3
                                    

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

Kamsahamnida~~

-MommyByuntae-

******

(Zaira's POV)

Pagkatapos ng wirdong usapan ng dalawang yun, umalis na agad ako. Naku no! Baka may multo pa dun. Sinundan ko si Drei kasi gusto kong kamustahin siya eh. Tsaka syempre itatanong ko na rin kung ano yung ibig sabihin ng pinag-uusapan nila kanina.

Mabuti na lang, hindi pa siya gaano nakakalayo kaya nilapitan ko muna siya.

"Drei!" sigaw ko sa kanya habang papalapit ako.

Lumingon naman siya. Tumingin sakin ng masama. Eh? Kala ko ngingitian niya ako eh. Concerned siya sakin diba? May pag-asa na siguro ako sa kanya?

Tiningnan ko ang mukha niya. Ay! May pasa pala ang may kaliwang pisngi niya. Nang nakalapit na ako ay hahawakan ko sana yung may pasa niya para tingnan kung malaki o malala ba kaso mabilis siyang umiwas.

"ANO BA? Bakit ba susunod-sunod ka na naman sakin ha? Lumayo ka nga! Ang kulit kulit mo eh. Tsaka wag mo nga akong hawakan. Nakakairita ka." galit na sabi niya sabay talikod sakin.

Nagtinginan naman lahat samin na may nasa hallway. Lahat sila nagbubulungan at nagtsitsismisan.

"Ang landi talaga ng babaeng yan no? Eh mas maganda pa ako diyan eh."

"Grabe! Kelan kaya yan matututo? Para siyang tanga eh."

"Stupid stalker. Habol ng habol kay Papa Drei,eh hindi naman siya magugustuhan."

Napapikit ako. Shit! Kelangan ko nang umalis dito. Madami na ang nanghuhusga sakin dito.Kala mo magaganda, mga retokada naman. Tumakbo ako at agad pumunta sa may playground ng school sa Kids Section.

Pagdating ko, dun na ako umiyak ng umiyak. Nakakainis. Nagmamahal lang naman ako eh. Nagmamahal lang. May problema ba dun?

"Kelan ba kasi magsasawa ang puso kong mahalin ka Drei?" mahina at humihikbing sabi ko.

"KELAN BA KO MAPAPAGOD NA MAHALIN KA HA??!! PUTANG*NA NAMAN OH! KELAN BA?" wala na kong pakelam kahit mukha na kong baliw rito. Lagi namang ganto eh, iiyak ako. Pero, pagkatapos din naman nito, mahal ko parin si Drei. Siya at siya lang naman palagi. Paalis na sana ako nang may lumapit saking batang babae na may kinakaing ice cream.

"Ate, ito daw po." sabay abot sakin ng panyo.

"Wag na daw po kayo umiyak. Mahal na mahal ka po niya ate." sabay takbo ng bata paalis..

HUH??? Mahal ako nino? Ano bang sinasabi ng batang yun? Tiningnan ko ang panyo. Plain na puti lang ito. Pero may nakasulat sa ibabang parte na "Jamie".

Wow! Babae siguro nagbigay nito? Kapangalan ko pa eh. Sino naman kaya yun? At bakit sabi ng bata, mahal ako? Ano yun? Tomboy?

******

Sabog ako. haha. High eh.xD Follow niyo ko sa Instagram @Kyla_lulubaby.

Geh. Solomot sa magfofollow.

Labyuuu~ <3

My Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon