Hello po sa lahat ng nagbabasa nito! Sana po magcomment kayo or magvote. Gusto ko malaman saloobin niyo sa story. Sheez. Lalim eh. Hoho. :D ALABYUUU~~ ♥♡♥
-MommyByuntae-
****
"Didnt I tell you that you just have one month to do your mission, Vince? ?" Tanong ng isang lalaking maotoridad ang boses. Nakaupo ito at nakatalikod sa kinakausap sa malaki at magara niyang upuan sa loob ng opisina.
"But S-sir.. Just give me more tim--"
"NO." Humarap ang lalaki sa kausap. "Why Vince? Nagdadalawang isip ka na ba?" Inilabas nito ang isang baril at ikinasa at tumitig sa kausap. "Just say it Vince. You love her, dont you? Well, kung hindi mo siya kayang patayin, ako mismo ang papatay sa kaniya." Saad ng lalaki sa mapagbantang tono nito.
Nahintakutan ang lalaking kausap nito. Patayin na lamang siya, wag lamang ang babaeng mahal niya. Nahihirapan siya sa kalagayan niya ngayon. Paano niya maatim na siya mismo ang papatay sa dalaga? Isa itong parusa at pahirap sa kaniya. Pero pag hinayaan niya na ang pinuno nila ang gumawa nito, alam niya na maaring hindi lang pagpatay ang gawin nila sa dalaga. Isang bagay na sobrang kinatatakutan niyang mangyari. Wala na siyang magawa. Wala nang ibang paraan.
"I-I'll do it Sir. Before this month end, Zaira will b-be dead." parang pinipiga ang puso ng binata nang bitawan niya ang pangungusap na iyon.
****
"Huy friend. Tulala ka na naman eh. Ano ga na naman yan? Pinagbawalan na kita magdrog--"
"Aray ko naman friend!" Reklamo niya ng hinampas ko siya ng malakas.
"Gaga ka talaga. Marinig ka naman ng iba diyan Vane. Baka nga maniwala na nagdo-droga ako noh! Baka ikaw pa." Sabay irap ko sa kanya.
"Best naman kasi. Bat kelangan pa manghampas no? Eh lahat ng martial arts alam mo. Anshukeetz kaya ya' know?" May pahaplos haplos pa sa hinampas ka. Para namang napakalakas eh ang hina naman nun. Tsk.
Hindi nalang ako sumagot sa kaniya at sinandal na lang ang ulo ko. Buti na lang ang upuan ko ay malapit sa bintana. Madaling makapagisip-isip lalo na at hindi ko pa alam ang desisyon ko. In the first place, bakit nga ba ako nahihirapang magdesisyon? Eh ano nga naman kung lalayuan ko si Ace right? Dapat masaya ako kasi ito na ang chance ko para maging kami eh.
Wanna know why?
Kasi kahit alam kong hindi pa kami ganun kami ka-close ni Ace. I really feel comfortable with him kahit lagi ko siyang kinaiinisan. Just like my boy bestfriend noong bata ako, si Vince. May pagka-tahimik kasi ako noong bata ako and Vince made me change like this. Lagi niya akong kinakausap at hindi siya nagsawa na kulitin ako ng kulitin, hanggang sa naging close na kami.He has a large impact in my life. I just dont know why kung bakit bigla na lang siya nawala. Wala na kong naging connection sa kaniya.
Why am I bringing up things like these? Kasi, what I feel when Im with Ace is what I feel when Im with Vince. Just like my older brother,and a bestfriend to me. I just cant lose a friend right now, AGAIN.
*ting!*
I immediately look at my cellphone nang marinig kong tumunog ito.
Unkown Number..
Where are you?
S-sino naman to?
Sino ka?
Pagkareply ko ay itatago ko na sana ang cellphone ko kaso tumunog na naman.
School Garden. NOW.
Napahinga naman ako ng malalim doon. Kilala ko na siya. Pupunta ako. Napagdesisyonan ko na ang isasagot ko.
"Vane. Aalis na ako ha. Mauuna na kayo nina Ailah at Zeuz. May pupuntahan lang ako."
"O sige. Ingat ka. Baka madapa ka. Babangon ha. Wag t*nga. Hahaha." Inirapan ko na lang ang bruha. Haha. Grabe talaga kaming magkakaibigan.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas sa room. Wala na masyadong tao kasi uwian na kanina pa.
Pagkarating ko sa school garden, nakita ko si Drei. Nakaupo siya sa isa sa mga bench habang pina-iikot ikot niya ang susi ng motor niya. Mukhang bored siya kasi halata naman sa itsura niya ngayon.
Tumikhim ako para malaman niyang nandoon na ako. Shizz. Tinititigan niya ako. At. A-at. Grabe naman! Naaw-awkward ako eh.
"D-drei." Pagtawag ko sa kaniya.Nanlaki naman ang mata ko ng lumapit siya sakin at hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya.
"D-drei." Naiilang na sabi ko.
"Damn. The way you utter my name sounds so hot for me." Sabi niya sa may pagkapagas na boses. Husky voice nga ba yun?
"Drei. Ano ba ang nangyayari say-"
Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi na nakalapat sa labi ko. Hindi ako makapaniwala. Hinalikan ako ni Drei! H-hinalikan niya ako.
Nananaginip na naman ba ako? Isa na naman bang ilusyon to? Kasi kung oo, please. Wag niyo muna akong gisingin. Let me treasure this moment with him,please.
Namalayan ko na lang na nagalaw na ang labi ni Drei. Hindi ko alam ang gagawin ko. Shems. First time ko to. First kiss ko siya. Hinayaan ko na lang ang sarili ko at tumugon na lang. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Ang init ng pakiramdam ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagbitiw din ang mga labi namin. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Hinawakan niya ang pisngi ko at inilapat ang noo ko sa noo niya. Tinititigan na naman niya ako.
"Youre my girlfriend from now on. And you have no other choice but to be with me. Only me."
BINABASA MO ANG
My Love Battle
RomanceMatalim na tinitigan ng dalaga ang binata. Makikita ang sakit,lungkot,at ang pagmamahal sa magaganda nitong mga mata. "SUKO NA KO. Ayaw ko na. Napapagod na ko Dreiven. Tama na ang paglaban kong ito. Pagod na ko sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko na kay...