Chapter 20

36 3 0
                                    

WAHHHHHH!! ^3^ Antagal ko nang di nag-update. Huhubells. Sobrang busy eh pipol. Bawi na lang ako! :D

--------> Bebe Zai at MM wearing her cute uniform! GONDO~

-MommyByuntae-

*****

(ZAIRA'S POV)

Napatigalgal ako sa narinig ko sa kanya. Unti unting namuo ang mga paparating na luha sa mata ko. Anong sinabi niya? Ako? BITCH?

Never in my whole life may nagsabi sakin ng ganun! At hindi ko alam na sa taong mahal ko pa maririnig ang masakit na salitang yun.

Parang natauhan naman siya sa sinabi niya at hahawakan sana ang kamay ko pero agad akong pumiglas. Hindi ko alam pero galit ako sa kanya ngayon.

Siopao naman talaga oh! Kakasimula palang ng relasyon namin, ganto agad? Paano pa kaya ang susunod? Kakayanin ko kaya?

"Jamie." Tawag niya sakin.

"Alis na ko." Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan sa gilid ko. Pero hinawakan niya na naman ang kamay ko para pigilan.

"Sorry." Napatingin ako sa kanya, tinitigan ko ang mga mata niya at kita ko namang sincere siya sa sinabi niya.

"Im just really angry that time. Hindi ko sinasadyang sabihin yun Jamie. Sorry."

Sa konting sabi niya lang nun, parang nawala na ang lahat ng galit ko. Nakakainis naman ang sarili ko, kanina galit na galit ako, pero ngayon kinikilig naman ako. Abnormal na ata ako eh.

"Let me show that Im sincere to you, Jamie.Lets have a date today."

Tatanggi pa ba ako? Haha. Isang babaeng abnormal lang naman ako na inlab na inlab kay Drei. Syempre oo na agad. Di na uso pakipot mga dre uy. Pero siyempre kunwari galit ako sa kanya, kaya tahimik na bumalik ako sa passenger seat.

Tiningnan niya ako na parang may hinihintay siyang sasabihin ako. Pero dahil nakadaan na ang minuto nang hindi ko siya iniimikan. Napagdesisyonan niya na lang na mag-drive na. Kala ko aalis na kami kaso nagulat ako nang lumapit ang mukha niya sakin. Automatiko na nanlaki ang mata ko. May mga narinig akong kaluskos sa bandang tabi ko kaya napatingin ako dun.

Susko! Ikakabit niya lang naman pala ang seatbelt saken! Hinayaan ko na lang siya at tiningnan. Napatingin naman ako sa mapupulang labi niya. Ghad! Bakit parang gusto ko atang matikman yun?

Shet! Maniac na ata ako! Abnormal na talaga ako! Napakagat tuloy ako sa labi ko. Hormones talaga ng teenagers ngayon oh! Rumaragasa!

Nung natapos na siyang ilagay ang seatbelt, napatingin siya sa gawi ko. Actually, bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Grabe! Di ko na to keri. Dito na nga lang ako sa may bintana haharap.

Nang ililingon ko na ang ulo ko, naramdaman ko na lang ang kamay niya na hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako sa labi ko.

Malandi man sabihin to, pero ang sarap lang talaga ng feeling ng hinahalikan niya ko. Tumutugon na lang ako sa mga halik niya at feeling ko nalulunod ako. Lumalim ang halik niya at hindi ko mapigilan ang umungol. First time ko sa gantong uri ng kiss eh!

Natauhan naman ako ng maalala kong nasa kotse kami at baka may makakita samin, kaya marahan ko siyang itinulak. Parehas kaming naghahabol ng hininga.

Waah! Feeling ko pulang pula ang mukha ko. Itinuloy ko na ang pagharap sa bintana ng kotse. Ayaw ko nga na makita niya ako! Nakita ko namang nag-drive na siya sa papunta sa lugar na hindi ko alam. Saan nga kaya?

My Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon