Chapter 3

90 9 3
                                    

Heto na po ulit ang update. Hoho. Bangagerz mode ako. Hope you like it. ^___^

Vote and Comments are very much appreciated. :*

-MommyByuntae-

********

(Zaira's POV)

" Ano na besh? Tulala ka na naman. Nga-nga na naman ang drama mo ha? Kay Drei na naman ba yan?" sunod sunod na tanong sakin ng bestfriend kong si Vannesa.

Nandito kami ngayon sa condo ko. Oo,may condo ako.Binili sakin ng mga magulang ko. Nasan ang parents ko? Nasa ibang bansa. Iniwan ako dito para sa pag aaral ko. At hindi naman ako nagagalit sa kanila. Sanay na rin naman akong mag-isa lang sa bahay eh.

Kumagat muna ako sa inihanda kong mga snacks kanina para sa kaibigan ko bago ako nagsalita.

"Vanne, hindi ako tulala ng dahil kay Drei no? Malulungkot lang ako pag naiisip ko yung sinabi niya sakin kanina. May iniisip akong iba. Yung lalaking nabangga ko kanina nung naglalakad ako." sabi ko.

May mapanuring titig naman siyang tumingin sakin.

"Tigil tigilan mo nga ako sa mga titig mong yan Vanne ha." agad kong sinabi sa kanya.

"Oh? Nakatingin lang naman ako ah. Nakakagulat lang kasi. May iniisip ka na palang IBANG lalaki ngayon. At ang nakakagulat din dun ay hindi si DREI yun." may panguuyam niyang sabi sakin habang may diin pa ang pagkakasabi sa ilang salita.

"Masyado ba kong inlove at loyal kay Drei kaya nagugulat ka na may iniisip akong iba?" tanong ko.

"Besh,kulang pa ang laki ng buong mundo sa pagmamahal at pagkatanga mo diyan kay Drei. Nahiya na nga sayo ang kalawakan besh eh. 5 taon? Gaano ka katagal naghihintay, nangungulit at umaasa na mamahalin ka din niya? Ang tagal na best. Sa dami ng nakikita mong kasama laging babae niyan araw araw, talagang sa tagal mo na nag iintay ay namanhid ka na.Maganda ka naman pero masyado kang tanga. Dami mo manliligaw eh. Bat di ka mag entertain kahit isa?"

" I dont like them. Alam mo naman yun. At alam ko naman kaya. 1st honor ako sa kamartiran. Yaan mo na. Darating din naman siguro ang panahon na mapapagod na ko sa pagmamahal sa kanya.Tsaka tama na nga yan. Change topic na lang best." hindi maiwasan ang lungkot ng boses ko sa mga sinabi ko. Oo. Alam ko.

Ang katulad ni Drei, ang matagal ko nang mahal, ay di kayang magmahal ng tulad ko. Bakit nga ba? Dahil hindi ako kasing maporma ng mga babaeng kasama niya?

"Teka, sino ba kasi yung sinasabi mong lalaki ha? Gwapo ba?" aba! talaga naman itong babaeng ito oh. May boyfriend na, tapos kinikilig kilig pa sa iba.

"Haha. Magtino ka nga. Sumbong kita kay Marven eh. Tsaka kala ko ba si Suho lang mahal mo? Hahahahaha.  Yung lalaking yun, akala ko kasi..."

napatigil ako sa pagsasalita at inaalala ang nangyaring pag uusap kanina.

"Akala mo kasi ano?" nagtatakang tanong sakin ni Vannesa.

"Akala ko siya yung kababata kong si Vince. Hindi pala. Hindi pala siya yun."

******

3 votes and 2 comments for next chappy. May Flashback dun ng paguusap nila.Mwaahhhps~ xD

My Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon