Add me on FB:
KYLA ROCELL FORTUNADO
Follow me on IG:
Kyla_Lulubaby
Picture at the right side---> Si Ace yan.xD Isipin niyo na lang na hinahanap ni Ace diyan si Zaira.
-MOMMYBYUNTAE-
(Zaira Jamie's POV)
"Niloloko mo ba ako Drei? Pinagkakatuwaan mo ba ako ha!?"
naguguluhang tanong ko.
"Just choose Jamie." Ha? J-jamie? First time tinawag niya ako nang Jamie. Pero bakit may piliang nangyayari? Para namang ang labas nito, parang kanta ni KZ, Mahal ko o Mahal ako ang peg?
Pero this is not the time for jokes. I think this is a serious matter.
"Drei. Wala akong dapat piliin. Yes. I like you. No. Scratch that." Tinitigan ko siya." I love you Drei. But I think wala kang karapatan na palayuin ako sa mga kaibigan ko. You were the one who was pushing me away. But why suddenly naging ganyan ka? Yeah. I need to go. Bye." Agad na akong umalis doon. Shock reaction was written on his face.. Nagulat dahil nag-confess ako after 5 years? O dahil ngayon lang ako sumagot at nangatwiran sa kanya?
WOW. Saan ko kaya nahugot ang confidence at lakas ng loob ko para gawin yun? Thats just unbelievable.
Nakita ko si Ace na parang hinahanap ako. Haha. Kasamaan ng ugali ko, nagtago ako. Doon ako dumaan sa kabilang dulo. Kaya hindi niya na ako makikita. Pero ako kita ko likuran niya. Dahan-dahan akong naglakad para hindi niya ako mapansin. Patungo-tungo pa yan. Nang tatapikin ko na sana siya para gulatin, ako ata ang nagulat ng lumingon siya at nakita kong may hawak siyang malaking teddy bear. HUMAN SIZE?!! Saan galing yan?
"Hoy lalake! Sabi ko ikuha mo ko ng teddy bear sa machine na ito! Hindi ko sinabing ibili mo ako. Tss." Grabe lang sa tamad ang lalaking to.
"What? Who told you that? I didnt buy these, galing ito sa mga ticket na nalabas sa machine. I bought a lot of tokens just to get you a small bear inside this damn machine. But why would I make it difficult for myself? Dont you like this big bear?"
sabi niya.
"Pero walang effort. Wow nice." Sabi ko na may pagkasarcastic.
"What? Didnt I make effort to get those tickets from that machine? If you dont want this, itatapon ko na lang ito." Naiinis na sabi niya.
"NO! Wag. Haha. Just joking." Sabay kuha ko sa teddy bear. "Akin na to noh! Ang ganda kaya!" Niyakap yakap ko pa ng mahigpit ang teddy bear.
"Youre crazy. Come on. Lets go. Ihahatid na kita sainyo." Sabay hawak niya sa kamay ko. Napaisip ako bigla, kung kaya pumayag ako kanina sa deal ni Drei, ano kayang mangyayari? Did I waste a opportunity? Hayssstt. Naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
My Love Battle
RomanceMatalim na tinitigan ng dalaga ang binata. Makikita ang sakit,lungkot,at ang pagmamahal sa magaganda nitong mga mata. "SUKO NA KO. Ayaw ko na. Napapagod na ko Dreiven. Tama na ang paglaban kong ito. Pagod na ko sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko na kay...