Halooow po~ ^^ Happy 50+ na reads. Grabe! Saya ko. Pero VOTE and COMMENT para syempre inspired ako. xD
Solomot senyo~~ ^^
-MommyByuntae-
******
(Zaira's POV)
Bakit ba ang sama magtinginan ng dalawang to? Ano to? Yung napapanuod ko sa TV na may mga kuryente pag nagtitinginan? Magkakilala na nga yata itong mga asungot na ito eh.
Nabigla naman ako ng hinigit ni Drei ang kaliwang kamay ko at itinabi ako sa kaniya habang masama parin ang tingin kay Ace. Shet. Kinikilig ako. Gosh. Hindi ito ang time para sa kalandian mo Zaira.
"I told you. Wag mo sabi siyang idadamay. She is out of this war." may mga diin sa bawat salita habang sinasabi ito ni Drei.
Teka? Naguguluhan na ako. Ano ba talaga ang nangyayari? WAR? Paano ako naging involve sa isang awayan?
"W-wait." tiningnan ko silang dalawa. " Ano bang mga problema niyo? Tsaka ano bang pinagsasasabi mo Drei?" naguguluhang tanong ko.
Ningitian lang ako ni Ace pero ibang ngiti ito. Isang malamig na ngiti. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Nakakatakot ang ngiti niyang yun.
"Nothing." agad namang nagiba ulit ang emosyon nito. Bumalik na ito sa dati. "Goodbye Jamie. See you again!" sabay talikod niya at naglakad na palabas ng garden.
Napalingon naman ako kay Drei na kasalukuyang kinukuha ang bag niya na nakalagay sa may damuhan. Dun niya siguro ipinatong ito kanina.
Sayang naman! Tinanggal niya na ang pagkakahawak sakin.
Hehe. Di ko man lang napiktyuran. Remembrance sana. Baka di na maulit eh. :D
Pagkatapos niyang kunin ang nag niya ay lumapit siya sakin at itinapat ang bibig niya sa tenga ko. Napaatras naman ako ng konti.
"Zaira. Stay away from that guy. He's dangerous." bulong niya sakin. Ano ba yan? Nakakakiliti naman. Taena. Landi ko ata.
Tsaka concerned siya sakin. Ayiee~ Magdiwang tayong lahat! Hohoho. Ang saya naman ng araw na ito. May isusulat na ako sa Diary ko.
Itatanong ko pa lang sana kung bakit kaso nakalayo na siya ng paglalakad. Grabe~ Ang bilis naman niya.
Ano bang problema ng dalawang yun? Yung totoo? Pagkatapos ng scene nilang dalawa, iniwan nila akong mag isa rito sa Garden?
Tss. T-teka? Mag-isa? Hala! Baka may magmulto na naman sakin dito. Binabasa ko pa naman sa Wattpad ngayon ang mga Horror Stories. Haha. Pampatulog ko sa gabi, pero parang hindi nga ako makatulog pag nagbabasa ako nun eh. Baliw ata ako eh. Makaalis na nga dito.
********
2 votes and comments for the next chapter~thanks. :*
BINABASA MO ANG
My Love Battle
RomanceMatalim na tinitigan ng dalaga ang binata. Makikita ang sakit,lungkot,at ang pagmamahal sa magaganda nitong mga mata. "SUKO NA KO. Ayaw ko na. Napapagod na ko Dreiven. Tama na ang paglaban kong ito. Pagod na ko sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko na kay...