Chapter 10

70 8 2
                                    

Happy Birthday sa aking bestiee na si Gayliee~ Add niyo siya sa FB, CRYSTAL GAYLE ARELLANO.

Geh geh. Solomot senyo. Keep reading my story. :*

-MommyByuntae-

(Zaira's POV)

*Kriiinggg kriinggg*

Aish~ Sino ba ang walang utak na tatawag sakin ngayon? Pupungay pungay ang mata kong tiningnan ang oras sa cellphone ko.

3:45 am.

Ay pakshett~ Gago to ah. Unknown number calling. Sinagot ko ang tawag.

" Tang-*na mo kung sino ka man. Ginising mo ako ng 3:45,eh hindi kita kilala. PAKAMATAY KA NA GAGO!" full force na pagmumura ko. Aish. Sabi nga nila,biruin mo na ang lasing,wag lang ang bagong gising.

"Haha.Pfft." rinig ko sa kabilang linya. Aba!? At tinatawanan pa ako huh?

"PESTE K---"

"Awat. Grabe ka pala magmura noh? Haha. You amused me." WTH?

"Ace?"

"Yeah. Ang gwapong gwapong si Ace nga ito. The one and only." Bakit ganon? Kahit hindi ko to nakikita eh feeling ko nakangisi ito sa akin.

"Ano? IKAW? Lagi mo na lang akong ginugulo! Ibaba ko na to kaya babayu!"

"Wait." Aisshh. Nakakairita na talaga. Antok na antok pa ako eh.

"ANO?!!!"

"You will be my partner in Prom." So? Prom? Eh mataga---

TEKA? Sa isang linggo na nga pala yun ah? Bakit nakalimutan ko?

At tsaka bakit siya ang kapartner ko? Hinihintay ko pa kayang yayain ako ni Drei. Di naman masamang umasa diba?

"And who told you so? Bakit naman magiging ikaw? Dream on asshole. Ayaw ko nga sayo." may pang-aasar na tonong sabi ko.

"Me. Because I said so." cool niyang sagot. Talaga namang ginagalit ako ng lalaking ito.

"No. Ayoko." matigas na sabi ko.

"Youll say yes, o gusto mong sabihin ko sa mga parents mo na nabuntis kita at papakasalan kita?" WHAT??? O_O

"Anong sabi mo?" di makapaniwalang saad ko.

"I already informed your parents na ako ang magiging partner mo. I have my connections anyway. So ano? Choose." Im blackmailed. Knowing my parents, bihira lang silang mapa-oo. What did this guy do para magawa yun?

Napabuntong-hininga na lang siya. Seems like no choice.

"Come on. Drei already has a partner so if youll waiting na yayayain ka niya,stop now. Drei's partner is Jannett."

Jannett. The famous girl ng campus. Matalino, Maganda at Sexy. Oo na. Bakit nga ba ako umasang yayayain ako ni Drei?

Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

"Ok. Im now your partner.Bye" saka ko pinatay na ang phone. Nawala bigla lahat ng antok ko. Oo na. Hindi naman ako talaga maporma. Simple lang ako. Kaya siguro ayaw sakin ni Drei. May magmamahal pa kaya sakin na tanggap ako bilang ako talaga?

I hope its Drei.

My Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon