♥ Two ♥

65 2 0
                                    

"Kenderella"

 

 KELLAN.

  All day akong nasa location ng shooting. Prenup photoshoot. Kada click ko ng camera naiisip ko kung ano kayang pakiramdam ng lalaking malapit ng mawala ang kalayaan. Tinanong ko ang kaibigan kong maagang natali kung anong pakiramdam, sabi niya masaya sabay habol ng 'sa una'. Hindi naman sa ayaw kong ikasal, syempre gusto ko din naman. Kaya lang wala pa akong nakikita na perpektong babaeng papangakuan ko sa harap ng altar. One year pa lang daw sila at sa first anniversary nila ang wedding day nila. Hindi naman sila excited no? Ang nakakatawa pa dito eh 'yung concept nilang mala Cinderella. Tipong nasa palasyo at may glass shoes. Alam na alam ko no? tanong niyo sa kapatid kong adik dun kung bakit. *wink*

  Bata pa lang ako hilig ko na talaga ang pagkuha ng mga litrato. Naalala ko pa noon, de film pa ang camera. Magaantay ka pa ng ilang oras bago mo makita ang mga kinalabasan ng kuha mo. May collection nga ako ng mga lumang camera. Mga vintage na kanunu-nunuan ko pa ang gumamit. Katulad na lang ng paborito kong Pentax K1000 at 'yung mga tatak konica at kodak. Sa panahon kasi natin ngayon, instant na ang lahat. One click, kita mo na agad kung pangit o hindi. Madilim na ng matapos kami dahil inantay pa namin 'yung pagbaba ng araw para sa isang scene para sa video nila. Past 7 na ng gabi na kami natapos magpack-up ng grupo. Kasama ko sina Jude at Luc. Si Luc ang kababata ko habang si Jude naman classmate ko ng high school hanggang college. 

  Malayo na din ang narating naming tatlo, dati sa iba pa kami nagpapaprint at nagpapaayos ng video para sa mga client namin, ngayon may sarili na kaming studio at mga gamit para doon. Oh, baka may kakilala kayong naghahanap ng photographer para sa kahit anong occasion or event, just contact me ok? or tandaan mo na lang JKL Studio. *wink* Hinatid ko sa studio si Luc (kasi napalayas ng misis niya kaya dun muna siya. Ha ha. Kaya pala hinabol niya yung mga salitang 'sa una') tapos kami ni Jude diretso condo kasi dun muna siya natuloy. May tinataguan kasi. Tsk.

  Kakapasok pa lang namin ng pinto saktong text ni Kendra na imeet ko siya sa bar na palagi naming pinupuntahan. Kakagraduate niya lang sa kursong interior design kaya ngayon panay gala ginagawa habang wala pa daw siyang license. Si Kendra ang kapatid kong adik sa Cinderella. Tsk. Pati tuloy ako nababaklaan sa sarili ko dahil sa kanya. Naalala ko pa kasi noong maliit pa siya, pag hindi siya nakanood nun magwawala siya at iiyak ng iiyak at gusto pa niya samahan ko siya. Kabisado ko na nga linya ni Prince Charming eh. Tsk! 'Pag nalaman to ng tropa, makakantsawan na naman ako neto. Dyahe. 

Nagreply naman ako kay Kendra ng on the way na, pero ang totoo nakahiga ako. He he. Bahala siyang magantay dun. Malamang may bagong boyfriend na naman siyang ipapakilala sakin. Kailan ba 'yung huli? nako! hindi ko na alam. Kung sino man 'yon, kakatayin ko siya mamaya. Goodluck sa kanya. Bigla naman pasok ni Jude sa kwarto ko. Bagong ligo na ito at nakaporma na. "Saan punta natin tol?" tanong ko dito. Tumayo na din ako para maligo dahil nakalimutan ko na matindi nga pala magpasabog ng cellphone si Kendra. 

"May susunduin lang ako tapos diretso Amber. Sige tol, kita kits na lang don." May napansin naman ako kakaiba kay Jude, buong araw siyang hindi naimik at hindi palasalita.. pero agad ko naman itong binalewala. Pero teka, paano niya nalaman na doon ako pupunta? Tsk! parang hindi maganda pakiramdam ko dun ah.

***

  Past eleven na ako nakarating ng bar. As usual, jam-packed. Karamihan babae. Nice! Nagtext uli si Kendra na sa dating pwesto uli kami sa Scarlet, (name ng VIP section ng bar). Kung last time si Mr. Dugyot ang boyfriend niya, ngayon naman kaya sinong susunod na ililinya niya sa collection niya? Kung ako vintage na camera collection, si Kendra lalake. Tsk! Minsan sarap na nga iuntog sa pader kapatid ko eh pero wag, hayaan ko na lang siya magenjoy basta make sure hindi siya masasaktan sa pinag-gagagawa niya sa buhay niya. 'Yun gusto niya eh, kahit sabihan hindi nakikinig. Di din kasi uso sa kanya seryosohang relasyon. Basta payo ko na lang sa kanya palagi magingat.. if you know what i mean.

Bago ko mapuntahan si Kendra, naharangan pa ako ng mga kakilala ko at mga.. alam niyo na. Witwew. Hirap maging magandang lalaki. May nakatingin pa saking chix ngayon. Black lipstick? nice.. Lapitan ko kaya? tutal sineseduce naman niya ako ng tingin niya ngayon. Alive na alive ang kaibigan ko sa baba. Lalapitan ko na ng bigla naman akong hilahin ni Kendra. Anak ng! wrong timing naman 'to!

"No no, brother. May sawang alaga 'yon." Nung una hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihin niya dun pero ng makuha ko na, oh crap. Parang namutla kami ng kaibigan kong sawa. Damn. Hot sana kaya lang may hotdog. Natawa na lang si Kendra sa reaction ko. Pasalamat na lang ako hinila niya ako kasi kung dadating kami sa punto na nasa condo na siya.. tae, ayoko isipin. "Kuya, uminom ka nga baka mahimatay ka, first time mo? ha ha ha." tawa ito ng tawa.

"So.. mukhang may makikilala na naman ako mamaya ah no?" kinutusan ko ito pero inalis niya agad kamay ko baka daw kasi masira hairdo niya. Hairdo? Wirdo. Napansin ko naman na parang kabado siya.. parang ako din.. parang kilala ko na kung sino. Tae, wag naman sana. Sa lahat, wag 'yun. May tumapik sa balikat ko at diretso upo sa tabi ni Kendra.

P*ta!

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon