♥ Eight ♥

45 2 3
                                    

Flashback..

Anak ng! ako na nga lang nagmalasakit ako pa nasaktan! Sa susunod, pag nangyari uli ito iiwan ko na lang magisa 'to sa daan o kaya ihahagis ko sa malapit na ilog dito samin. Tss. Hirap sa mga kababaihan ngayon, iinom ng sobra hindi naman pala kaya. Gawin ni Kendra 'yun, ikakadena ko siya sa bahay ng may kasama naman si daddy.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong niya. Kumakain na siya ng breakfast na niluto ni Kendra at nakapagpalit na din siya ng damit niya.. galing din kay Kendra. Bagay.. Sa totoo lang, hindi ko lubos akalain na siya 'yung nakita ko sa dancefloor kagabi. Tsk! Ano ba 'tong iniisip ko. Dapat ang isaksak ko sa kukote ko na siya 'yung may kasalanan kung bakit may bukol ako ngayon sa ulo hindi 'yung kung paano siya gumalaw kagabi. At kung paano siya natulog sa kama ko.. kama ko.. 

"Wala ka talagang natatandaan ate Mia?" ate? nakikiate pa 'tong si Kendra. Umiling naman 'yung babae. "Oh well. ganito kasi nangyari.." blah blah blah. Tss. Ganito kasi nangyari..

[Flashback]

"Sir.. puntahan niyo na lang po. May naiwan po kayo sa sasakyan nyo."

"Teka.. prank ba 'to? Inaantok na ako, kung ok lang sasakyan ko.. edi ok tsaka wala akong naiwan na gamit sa sasakyan ko."

"Eh sir.. hindi naman po gamit naiwan niyo sa sasakyan niyo?"

"Huh?"

"Tara po sir. Para makapagpahinga na din po kayong lahat." Ano ba 'tong taong to.. May pathrill pang nalalaman. Pag ako pinagtitripan lang ng mga 'to.. papatanggal ko sila sa trabaho nila. Pero, sa tagal ng itinigil ko dito, wala pa akong nababalitaang ganitong nangyari dito. Hay, mapuntahan na nga lang. Nagpalit ako ng damit at kinuha ang susi. 

***

"Sir.. eto po oh. Naiwan niyo siya."

"Anong siya?" nagmadali akong makarating sa pinagparkingan ko. Pagdating ko, hindi sila sa loob ng sasakyan ko nakatingin kundi sa likod. Kung saan open ito. Pick up truck kasi style ng sasakyan ko, 'yung nga lang hindi basta basta 'pick-up' truck. Pagtingin ko nga sa likod, nagtaka na lang ako. Bakit may babae sa sasakyan ko? "Buhay pa ba yan? Hoy, wala akong ginagawang kasalanan ahh. Hindi ko kilala yan."

"Sir.. kalma po, hindi po patay yan.. Ang lakas nga po humilik eh. Sigurado po ba kayong hindi niyo po siya kilala?" tanong ng guard sakin. Nilapitan ko naman 'yung babae at pagtingin ko.. siya.

"Hala! Paano napunta sa sasakyan ko yan?" napatawa na lang 'yung mga guard.

"Sir. Ano po, sigurado po ba kayong hindi niyo kilala yung babae? Pwede po nating ireport sa mga kinauukulan yan." Habang nagsasalita si kuyang guard, napansin ko naman 'yung iba pinagpyepyestahan na ng mga mata nila 'yung legs ng babae. May mga usisero na din na nakikifiesta sa legs ng babae. Ano bang klaseng babae to? At bakit sasakyan ko pa naisipan niyang gawing kama? Tss. 

"Kilala ko siya." Bigla ko na lang nasabi. Patay! Hindi ko na mababawi kung anong sinabi ko. Sa bagay, naisip ko din kung si Kendra 'yung maging ganito.. gulpi sakin 'yun. Hindi, biro lang. Nakuha ko pa magbiro eh no? pero grabe, ilang tigre 'tong nakatingin sa kanya ngayon at handang handang lapain 'tong babae. Kung sa kapatid ko mangyari 'to.. haay, ayoko isipin pero teka! kasalanan niya kung bakit pinagpepyestahan siya ngayon dito. Bahala na, iwan ko na lang siya sa mga guard na 'to.. Biglang naman nagplay sa utak ko mga payo ni dad sakin tungkol sa mga dapat hindi gawin sa isang babae lalo na daw na may kapatid akong babae.. ano pa nga ba. Minsan talaga konsensya nagpapahamak sa tao eh.

"Sigurado po ba kayo sir?" tanong uli ng guard.

"Mukha bang hindi? kapatid yan ng barkada ko, nakapagtataka naman at napunta siya dyan. Kanina lang nasa bar yan eh."

"Sige po sir. Para iwas usapan na lang po kasi dumarami na po mga tao, paki uwi niyo na po siya o kaya po sa inyo po muna." Nagtinginan naman sakin ang mga tigre kaya ginawa ko ang hindi dapat.

"Sige, wait lang may tatawagan lang ako. Bestfriend niya kapatid ko eh." Ano pa nga ba, para iwas chismis din sa buong building.. tinawagan ko ang isang taong pwede akong matulungan ngayon.. No choice kesa naman maging usapan ako sa buong condo. "Papunta na daw." sabi ko sa mga guard. Naalala kong may baon pala ako laging kumot sa sasakyan ko kaya kinuha ko ito at ipinatong sa babae.

"Okay po sir. Sige po. Sa susunod po, paki check na lang po sasakyan natin bago umalis. Sige po sir, salamat po sa pakikipagcooperate." Sumaludo na ito sakin at nagsialisan na sila, maliban sa babaeng masama tingin sakin. Ano, sa tingin niya rapist ako? Sa gwapo kong 'to? Buti na lang din at dumating si Kendra.. syempre sino pa ba kasama? badtrip.

[End of flashback]

"So.. ate Mia.. 'yun ang nangyari sayo.. And don't worry, ako nagpalit ng damit mo. Actually.." bumulong ito sa babae at nakita ko namula ang mga pisngi nito. Ano kayang sinabi ni Kendra? 

"Ahhh.. Sorry.. nakakahiya naman pero thank you Kendra. Uhm.. at kailangan ko pala magpasalamat sa kuya mo.." Tumingin ito sakin at nagsalita habang namumula ang mga pisngi nito. "Thank you at tsaka... sorry.. dyan sa ulo mo." Napaisip naman tuloy ako sa binulong ni Kendra.. 

"Nakapagtataka lang dito, bakit ikaw!" turo sakin ni Kendra "Kuya.. bakit dun ka natulog sa kama mo, eh the last time na iniwan ka namin, sa sofa ka nakahiga." pfft. Naibuga ko tuloy iniinom kong kape. Taragis! maglilinis pa ko ng sahig ko ngayon. Nakatingin naman silang dalawa sakin at nagaantay ng isasagot ko.

Ang totoo.. bakit nga ba ako nakatulog? Tanda ko lang kasi, naiyak siya at nananaginip. Nung lumapit ako sa kanya para icheck kung mamamatay na ba siya pero hindi naman talaga, bigla na lang pumatong ang mga kamay ko sa malalambot niyang buhok at hinimas ito hanggang sa makatulog na siya.. tumigil na ang pagiyak at pagtawag niya sa daddy niya, yun nga lang, napasarap ata siya at hinila niya ako pahiga ng kama ko. Tindi nga niya kumapit eh. Akala mong linta. Akalain daw bang ako pa si.. Ano nga bang pangalan 'yun. Get? Got? Jett? ahh. Jeff.. ay hindi, Geoff ata? tss.

"Nagsleep walk na naman ako. Siguro." Pagkasabi ko, pumasok na ako sa kwarto ko. Tae, nakakahiya. Baka sabihin nila pervert ako. Natawa naman si Mia.. at bigla ko na lang naimagine na nagslow ang bawat galaw niya.. Pati pagsubo niya ng hotdog, slow motion din. Biglang nanuyo lalamunan ko. 

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon