♥ Nine ♥

42 1 0
                                    

 Nostalgia..

  Alas nueve na ako ng umaga nakauwi. Hinatid pa nga ako ni Kendra eh. Napakabait na bata at ang sweet sweet pa. Akalain kong saglit lang kami nagkasama sa hindi pa kagandahang sitwasyon, naging close agad kami. Habang nasa byahe kami, kinukwento niya ang nangyari sa kanila ng kuya niya. Sabi pa nga niya hulog daw ako ng langit dahil daw kasi sakin kinausap uli siya ng kuya niya. Naisip ko, iba siguro talaga pakiramdam ng kuya kapag bestfriend niya ang boyfriend ng kapatid niya. Samin kasi ni Ethan, wala akong naramdamang ganon. Si Ethan kasi ang boy-bestfriend ko. One and only. Nagkakilala kasi kami dahil classmate ko siya noong college.

  Naging close kami na akala nga ng lahat mag-on kami. Pero may girlfriend siya non. Kaya sa una pa lang alam kong hanggang magkaibigan na lang kami. Gwapo kasi ni Ethan eh, ang amo ng mukha. Kaya kahit sinong makakasalubong niya eh magkakagusto agad sa kanya, kamusta naman ako na araw araw kong nakakasama. Dami ko pa ngang nakaaway nun, kasi mga inggitera. Natawag pa akong mang-aagaw. Duh. As if naman inagaw ko no..

  'Pagtapos ng prelims namin, sinama niya ako first time sa gig nila at nakilala ko si Danforth, Aki, Paco at Dino. Ang member ng After The Apocalypse. Dating pangalan ng band nila, napaltan na lang later on kasi ayaw noong record label president. Masyado daw pang underground 'yung pangalan. Gusto nila pang mainstream, The Hot Pack. Natatawa pa din ako sa pangalan nila. Nagiba na din sila ng genre. Tsk! Hirap din pala hawakan ng isang music company, lahat binabago. Ultimo genre binago. Pasalamat na lang talaga sila at walang pangit sa banda. Di na sila magsasayang ng pera pang Dra. Belo.

  Naaalala ko pa 'yung kinanta niya, What It Is To Burn ng Finch. Ang ganda ng boses niya, feel na feel ko 'yung kanta kahit may pagka screamo ang genre nila dati. Simula nun, kada gig nila kasama na ako, manager nga tawag nila sakin. Isang araw, nagkagulo at nagaway si Ethan at Dino. Ayun, nawalan sila ng drummer pero hindi din nagtagal 'yun. Doon ko na nakilala si Geoff.

Si Geoff.. Noong una, mahiyain pa siya pero nung nagsimula na siya pumalo.. at nakadouble pedal pa. Sabi ko sa sarili ko siya na. Pero hindi ako nagpahalatang hibang ako sa kanya. Idinaan ko na nga lang sa pagiging fangirl. Medyo chubby pa siya noon at sobrang cute. Itim na itim buhok niya, manipis ang mga labi at may matangos na ilong. Napakaputi din niya kung ikukumpara sa akin. Kape't gatas. Buti nga ngayon maputi-puti na ako. Thanks to Dra. Belo. He he.

  Sa birthday niya nagsimula lahat. Second year, first semester. May gig pa nga sila nun at pagkatapos dumaretso kami sa bahay nila. Kumpleto ang banda at may ilan din siyang kaibigan na kasama namin sa gig nila. Kasama pa nga si Tina, na mala bokalista ng paramore kung pumorma at kumanta. Akala ko nga siya ang nililigawan ni Geoff, 'yun pala ako type ni Tina. :P

  Linggo na ng umaga, nararamdaman ko ng nagsisiuwian ang iba maliban samin ni Ethan. Masyado ata akong nainlove sa inidoro ni Geoff kaya hindi ko ito kayang hiwalayan habang hinihimas naman ni Ethan likod ko. Oo, nalunod ako sa alak na handa niya. At simula noong araw na 'yon nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ako iinom ng hard. Matapos kong makipag i love you'han sa toilet, tinulungan ako ni Ethan mag ayos. Pauwi na sana ako at ihahatid na ni Ethan pauwi ng biglang harangan ako ni Geoff sa pintuan ng kwarto niya at sinabi niya ang linyang kahit kailan hindi ko malilimutan. Hindi ka lalabas ng bahay ko hangga't di mo ko sinasagot Mia.

  Hayy.. bigla ko siyang namiss. Nangangati tuloy ang kamay kong itext siya ngayon. Ang totoo, gusto ko na siya makita. Mahal ko pa din siya. Pitong taon kami nagsama kaya hindi basta basta 'yun mawawala. Siya lahat ang first ko, kaya hirap akong mag move on. Kahit alam kong niloko niya ako, mahal ko pa din siya. Tanga ako, inaamin ko.

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon