Bro's broken code.
Hindi nga ako nagkamali. Sino pa nga ba. "Tol." Sabi niya. Tinignan ko lang siya at hindi ko nginitian. Alam kong hindi siya kumportable ngayon kasi hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Si Kendra naman hindi din makatingin sakin. Sa totoo lang, payag naman ako kung papalit-palit siya ng boyfriend pero sana hindi isa sa mga tropa ko. Lalo na 'tong si Jude. Dyahe, sabi na eh. Naramdaman ko na eh dapat hindi na ako tumuloy dito.
Highschool pa lang kami ni Jude, alam kong type niya na si Kendra at alam niyang gulo abot niya kapag niligawan niya kapatid ko. Sa bagay, sino ba naman hindi magkakagusto sa kapatid ko pero damn.. parang hindi ko ata kaya tagalan tignan o kausapin si Jude knowing na may nangyari na sa kanila. Alam ko meron na, si Kendra pa. Taena si Jude! Nakalimutan niya na ba bro's code namin nila Luc? na harutin na nila ex-girlfriend o kalandian ko basta wag lang kapatid ko.
Napa-dekwatro na lang tuloy ako at hinihimas ang baba ko kahit wala naman itong balbas at nagtanong kung seryoso ba silang dalawa. Nang magkatinginan silang dalawa bago sumagot ng oo alam ko na.. f*ck! tinamaan kapatid ko. Problema 'to. Malaking problema. Kilala ko si Jude. Kilalang kilala. Once natikman na iiwan na kaya nga sa condo ko nagtatago eh, ganon din naman si Kendra, siya pa nga nangiiwan pero ngayon parang matitikman niya na kung paano ang iwan. Kitang kita ko, may kakaiba sa mata ni Kendra kapag tumitingin siya kay Jude. Matagal ko na 'tong nakikita sa kanya sa twing kasama namin si Jude, ngayon ko lang naintindihan kung anong ibig sabihin.
"Kuya. Let me explain first bago mo hambalusin si Jude." hambalusin? wala pa 'yon sa gusto kong gawin kay Jude ngayon at Jude? Jude lang talaga? Hindi na kuya Jude? Anak ng! This time, nakapatong na ang magkabila kong siko sa mga hita ko at kilay ko naman pinagtitripan kong himasin. Kalma Kellan. May tumapik sa balikat ko at pagtingin ko si Luc. "Hi, kuya Luc." bati ni Kendra. Tignan niyo, may 'kuya' pag kay Luc. Kahit na ba tatlong taon lang agwat namin ni Kendra, iba pa din sa pakiramdam.
"Tara Kellan, hanap muna tayo chix." Aya ni Luc. Planado ba lahat to? Alam niya? Bakit hindi ko nahalatang kasabwat si Luc? at hindi niya ugali ang 'maghanap ng chix'. Alam niya, at andito siya para may magpakalma sakin in case na sumabog ako. Nice one Jude.
"Matagal mo ng alam to Luc?" hindi ito sumagot at alam ko na sagot. Wala akong masabi. Tinapik na lang ako nito sa balikat at hinila papuntang hagdan pero bago ako makalayo sa dalawa, nakaturo kay Jude hintuturo ko at alam niya na ibig sabihin nun: maguusap pa tayo. Bumaba na kami ni Luc at umorder ng tig-isang shot ng Chivas Regal. Hindi ko alam kung nakailang shot din ako matapos nung una pero hindi pa din ako tinatamaan. Sabing walang talo-talo eh. Ang sama ng loob ko kay Jude.
"Dre, sorry hindi ko nasabi agad." pasigaw niyang sabi at tumango lang ako dito. N agsalita pa uli ito kahit hindi kami masyadong magkaintindihan sa lakas ng music. "Tanda mo two weeks ago putok labi ni Jude?" tanda ko nga at bigla akong napatingin kay Luc. Ngingiti-ngiti ito at alam kong siya ang may gawa nun. Good, pero kulang pa 'yon. Naisip ko. "Badtrip 'yon, sinira bro's code natin.." Oo, tama ka dre. "..pero dre, tinamaan talaga siya sa utol mo, simula't sapul nung magkakilala sila." Hindi ko alam kung nandito ba siya para makalma ako at ilayo muna kay Jude o lalo akong ginagalit neto.
"Luc. Di ba sabi ko wag si Kendra, ang linaw ng usapan namin ni Jude." Nakatingin ako ngayon sa kamao ko at iniimagine kung paano nito patutumbahin si Jude. Isang uppercut lang siguro, pwede na. Tae, hindi lang ata isa. Di kakayanin ng kamao kong isa lang.
"Alam niya yon, pero tulad ng sabi ko tinamaan talaga siya kay Kendra. Hindi mo makokontrol yon dre, ni siya nga ilang taon niyang tiniis yon. Kaya nga naging chickboy si Jude eh, baka daw 'yun na lang paraan para makalimutan niya si Kendra." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kay Jude o talagang tatama kamao ko sa kanya mamaya. Magsasalita na sana ako ng biglang iniba niya ang usapan at may itinuro ito. "Dre, tignan mo 'yun oh. Pwede di ba? Kaya lang dre baka hipon yan!" napalingon naman ako sa tinuturo niya at nakita ko.. isang babae. Sumasayaw habang tumutugtog ang Latch by Disclosure. Nagsasalita pa din ata si Luc pero hindi ko na maintindihan kung ano. "Kellan, san ka pupunta?.... Hoy!... Kellan! Hipon yan bahala ka!"
Napatitig na ako sa babae, tipong may magnet siya sa katawan at ako ang bakal na didikit sa kanya, kakaiba siya sumayaw. Ang totoo, hindi nga ito nasayaw talaga. Hindi 'yung parang mga babaeng kulang na lang maghubad sa gitna ng dance floor. Slow lang siya at tipong ulo niya lang ang sumasabay sa kanta. Kahit masikip na ang dance floor, siya parang nasa malawak lang na epasyo at nasa sarili niyang mundo. Namumungod tangi siya sa dancefloor.
Kusa na lang naglakad ang mga paa ko papunta sa kanya. May konting distansya naman ako at nakatalikod siya sa akin. Naka off white na dress ito. Mahaba ang buhok nito at kinulayan ng pula. Redhead, Filipina version. Witwiw. Sumasayaw pa din ito ng biglang tumigil ang music. Nagsipuntahan naman sa isang sulok ng bar 'yung mga tao na para bang may nangyayaring hindi normal sa loob ng isang bar. Suntukan? Saksakan? pero base sa mga nakikita ko ngayon at naririnig parang kinikilig ang mga kababaihan.. artista? o baka may nakita silang gwapo.. ehem!
Sakto din naman ang harap ng babae sa akin. Wow. parang nakalimutan ko ng huminga. Nakalimutan ko bigla kung anong ipinuputok ng butchi ko kanina. (Testing, tanungin mo nga ako. Ha? Ewan ko sayo!) Ang ganda neto ahh.. sexy pa! Witwiw! naglakad na din ito papunta sa pinagkakaguluhan at hindi ko na nakita pa. Hahabulin ko na sana kaya lang nahila na ako ni Luc.
"Oh tol, ano maganda ba?" tumango ako.. "Eh nakuha mo ba number?" umiling ako.. "name?" umiling uli ako. "Wow. anyare dre?" nagkibit balikat na lang ako. Umentra ka kasi. Tsk! "Tanga.." bulong nito.
"Sinong tanga?" sabi ko dito.. bigla naman tong nagtakip ng ulo dahil alam niyang makukutusan ko siya. Tatawa-tawa itong sumagot.
"Hindi ikaw, 'yung lalaking nagpropose.. dun!" turo niya sa may pinagkakaguluhan ng mga tao. Ahhh.. kaya pala ganon na lang reaction ng mga babae.. akala ko naman dahil nakita nila ako. He he.
"Edi ibig sabihin, tanga ka din?" matapos kong sabihin 'to naglakad na lang ito uli paakyat ng VIP section habang may hawak na bote. Pero alam kong hindi siya napikon sa sinabi ko. Si Luc pa.
"Ano, tatayo ka na lang dyan? Tara! mukhang kalmado ka na." Napapalatak na lang ako at sumunod na lang sa taas. Naalala ko may problema nga pa lang nagaabang sa akin sa taas. Mukhang mapapalaki bill ko paglabas ko ng bar na 'to. Pagtapak ko sa VIP section, bumalik na din ang music.. this time mas masaya na. Ako na lang hindi. Parang hindi ko gusto magiging katapusan ng gabi ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Miracle on Table No. 7
RomansaHe and she, two different people with two separate lives. Then you put the two together and get a spectacular surprise. Because one can teach the other one what she doesn't know, while still the other fills a place inside he never knew had room to g...