Let It Go..
Friday.. eleven forty-three ng tanghali na ako nakarating ng resort. Pagkadating ko ng lobby, may lalaking nakangiting nag-aabang sakin. Naka Ac/dc black crew-neck t-shirt, blue jeans at white and black high top sneakers tapos naka ray ban din ito. Simpleng porma lang pero lakas ng dating. Madami na ngang nakatingin dito at ang ilan ay may hawak ng papel at ballpen. Autograph session ba niya 'to? dayum. Buti na lang wala si Cheri ngayon dito. May pagka possessive pa naman 'yun.
Alam kong busy si Cheri ngayon at buti na lang nandito si Ethan para samahan ako. Kahapon pa sila nandito. Naisipan naman ni Ethan na silipin namin 'yung kasalan pero kung ayaw ko naman daw ok lang. Pumayag ako, bakit? habang-buhay na lang ba ako masasaktan sa tuwing makakakita ako ng ikinakasal? tss. 'Di na no! pero bago kami pumunta dun sabi ko kakain muna ako dahil sobrang gutom na ako.
"Bumyahe ka lang?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Nope." tinaasan naman ako ng kilay nito. "Bakit?" tanong ko dito habang ngingiti-ngiti ako.
"Teka lang, wag mo sabihing--"
"Yup, nabili ko na dream car ko!!"
"Wow! congrats pards, nakakapag drive ka na. Ha ha ha." Akala ko naman congrats para sa bago kong kotse. 2014 Mini Cooper Convertible na yellow. Her name is MiniMe. Cool di ba? Ang totoo, narefund ko pa 'yung ibang nagastos ko sa wedding of the year sana. Kaya bumili na lang ako ng kotse, mas masaya pa ako ngayon. Ang totoo din, hindi ko akalaing magkakaroon ako ng sarili kong sasakyan. Nasanay kasi ako na pinagdadrive ni Geoff. Biglang naman kumulo tiyan ko sa naisip ko.
"Lul. Tara na nga, gutom na ko!"
***
"You may now kiss your bride.." sabi ng priest at nagkiss na nga sila na para bang walang tao na nanonood sa kanila. Ang tagal.. bigla naman akong nakaramdam ng inggit. Naisip ko, kung natuloy pa kami sa puntong 'to.. ganito din ba ang paghalik na gagawin sakin ni Geoff? teka teka.. bakit ba iniisip ko na naman siya? Move on.. move on.. move on.. err.
"Kunot na naman noo mo. Baka naman pagkamalan ka nilang lola ko." Pang-aasar ni Ethan.
"Gandang lola ko naman." bumelat na lang ako dito. Nakita ko naman bigla si Cheri, nakatayo sa gilid at nagpupunas ng luha. Tss. Kahit kailan talaga. "Oh, ayun 'yung drama queen mong mapapangasawa." tinuro ko kay Ethan, at tawa naman ng tawa ito.
"Paano na lang kapag mismong wedding niya na?" Titig na titig ito kay Cheri kahit malayo at nakikita kong masaya si Ethan. Masaya din ako para sa kanila.
"Excited ka na?" tanong ko sa kanya kahit alam kong obvious naman.
"Kulang ang salitang 'excited' sa nararamdaman ko ngayon, Mia." sagot niya habang titig pa din ito kay Cheri. Ilang minuto lang kami tumayo at nagpasya na lang kaming magswimming muna habang hinihintay namin si Cheri.
***
Saturday..
Pasikat pa lang ang araw ng lumabas ako ng suite at naisipang maglakad-lakad muna. Hindi na din kami nagkita ni Cheri kagabi kaya pagkatapos namin magdinner ni Ethan ay nagpahinga na lang ako. Ayoko din maging third wheel sa pre-honeymoon nila ngayon. Pre-honeymoon talaga? term kasi ni Ethan 'yun kagabi habang nag-uusap kami. Grabe, namiss ko si Ethan. Madalas ko na lang din kasi siya makasama ngayon dahil sa nangyari. Pero ngayon, naisip ko mali 'yung ginawa kong itulak silang lahat palayo sakin dahil lang sa nangyari. Maling mali. Isa lang ang nanakit sakin pero dinamay ko buong mundo. Maling mali talaga.
Paglabas ko ng hotel ay sumalubong na sakin ang malamig na hangin. Buti na lang naisipan kong magsuot ng cardigan. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang mapunta na ako sa tabing dagat. Puno ito ng mga nakalinyang puno ng buko at iba't ibang kulay na flag. Napakaganda ng tanawin bukod sa papangiting araw ay may mga sailboat din akong nakita. Ang sarap ng hangin.. kailangan ko 'to. Ang sarap sa pakiramdam..
Minsan, hindi masamang mapag-isa. Hindi din masama ang sobrang katahimikan. Hindi sa ayaw ko sa mundo o takot akong lumabas ng lungga ko, minsan kasi doon ko nahahanap ang sarili ko. Doon ko nabubuo ang mga pwedeng solusyon sa mga problema ko. Doon ako nakakapag desisyon ng tama. Hindi din naman dapat na palagi kang nakaasa sa tulong at payo ng iba, minsan kasi sarili mo din ang makakatulong sayo. Payo? ok lang pero ang magdesisyon? sarili mo lang makakatulong sayo.
Sabi nga nila may mga bagay daw na mahirap gawin pero hindi imposibleng mangyari. Oo, mahirap makalimot at mag move on pero kung hindi ko tutulungan sarili ko, hindi ko mahahanap ang kaligayahang pinapangarap ko. Kaya ito ako ngayon, sumisigaw ng kaya ko 'to!, Hindi na ako iiyak at magiging masaya na ako. Palalayain ko na ang utak ko at puso ko.. buong sarili ko, hindi na ako sisiksik sa lungga ko para lang alalahanin ang mga masasakit na nangyari at umiyak hanggang sa hindi ko na kaya. Naisip ko, bakit ba tayo binibigyan ng problema ng Diyos? kasi.. alam niyang kaya nating lagpasan ito. Gasgas na pero totoo. Thank you God, kasi alam kong may mas better na dadating para sakin.. hintayin ko na lang siyang dumating.
Matapos kong isigaw sa dagat ang lahat ng pait at sakit sa puso ko, napaupo na lang ako sa buhangin. Whew. Para na akong isang puno ng buko na sumasabay sa hampas ng hangin sa gaan ng pakiramdam ko ngayon. "Ang gaan na no kapag binitawan mo na kung anong nagpapabigat sa puso mo?" napatingin ako sa nagsalita. Si Cheri.. Umupo na din ito sa tabi ko at niyakap ako. Niyakap ko din ito at pinagmasdan ang napakagandang sikat ng araw. Senyales na ito na nga ang umpisa ng lahat. Isang araw, wala na ang lahat. Hindi sa nakalimutan mo ang lahat kundi wala ka na lang talagang mararamdamang sakit.
***
Pagkabalik namin sa hotel, kumain muna kami ni Cheri at pagkatapos ay dinala niya ako sa suite nila ni Ethan. Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang dress na binili ni Cheri sakin. Ang nag-iisang dress na laman ng closet ko. Wait, bakit-- "Bakit na sayo yan?" tanong ko sa kanya ng pabulong dahil tulog na tulog pa si Ethan.
"Dinekwat ko sa bahay mo."
"Bakit aber? At tsaka paano mo nahanap yan? eh tinago ko na yan sa kung saan part ng bahay ko." medyo malakas na boses ko kaya hinila niya ako sa terrace ng suite nila.
"Haha. Ako pa. Well, to tell you the truth.. at first, hindi ko alam kung bakit pilit kong hinanap 'tong dress but now I know why and i'm so freaking excited." base sa expression ng mukha niya.. may plano na naman 'to. Not good. Retreat! Retreat!
"Cheri.. ayoko nyang iniisip mo. The last time na sinuot ko yan may naexperience akong kakaiba.." which is good.. medyo? noong una pakiramdam ko ay may niloko akong tao pero naisip ko.. sino? eh the last time I checked, I'm single and I know it. :P
"Sis! sign na 'to kung bakit!! Malay mo, this is it na pala! Excited ka na?"
"Ano na naman ba yan? Kinakabahan ako sayo Cheri.." Nakita ko naman si Ethan na nakatingin samin.. "Ethan!! help, si Cheri may binabalak na naman sakin oh!" Bumalik naman uli ito sa paghiga at nagpanggap na parang walang narinig. Aha! alam niya.. kasabwat!! Argh! Tama ngang magsama kayo!
"Basta mamaya, aayusan kita ng bongga! Ah! Oo nga pala, nahanap ko din 'yung booties mo. 'Wag ka na umangal. Trust me, ito na 'yon. Ayeee! excited na ako talaga Miadel!!" Ako hindi! hu hu hu! hindi!! Mommy! Daddy!
BINABASA MO ANG
Miracle on Table No. 7
RomanceHe and she, two different people with two separate lives. Then you put the two together and get a spectacular surprise. Because one can teach the other one what she doesn't know, while still the other fills a place inside he never knew had room to g...