♥ Seven ♥

50 2 0
                                    

Drunk girl sleeping.. 

  Aargh. Sakit ng ulo ko. Nauntog ba ko? Nahataw sa ulo? Ahh. Sakit talaga! Nagunat muna ako ng katawan bago ko iminulat mata ko. My god, panay muta mata ko, ang hirap ibukas eh. Umiyak ba ako? Anong nangyari? Ipinunas ko muna sa mata ko kumot ko, laban ko na lang mamaya tutal ilang linggo na din akong hindi nakapagpalit ng kumot. Mmmm.. bango.

Nang medyo hindi na kakapalan morning glory ko sa magaganda kong mata, tumingin ako sa paligid. Ang liwanag naman. Tatayo na sana ako para isara mga bintana ko ng marealize kong hindi ko ito bintana. Hindi ganito bintana ko. Nasaan na 'yung kurtina kong floral na pink? Nagpalit ba ako ng kurtina? Pero parang walang naman akong ganitong klaseng kurtina. Ahh.. si Cheri siguro pinaltan.

Oh! Si Cheri! nang maisip ko na ikakasal na siya, tinamad na naman ako bumangon.. sana hindi siya sasaktan ni Ethan. Oh well, alam ko naman hindi 'yun magagawa ni Ethan. Malayong malayo siya kay..pfft. Teka, nasusuka ako.. 

"Mmmm.." napatalon ako sa gulat ng may biglang yumakap sakin. Oh my god! oh my god! Cheri?? pero bakit parang nakalunok ng bato 'to at naging garalgal ang boses at lumaki? Wait.. Ano bang nangyari kagabi? 

"Cheri? gising na!" sabi ko dito. Kailangan niya ng umalis sa bahay ko at magcelebrate dahil engaged na siya. Hindi ako bitter ah. Tsaka nasusuka ako.. wait.. 

"Mmmm.." ganon pa din boses niya. Ah, mamaya timpla ko siya ng orecalaney. Term namin ni Cheri at mommy sa pinaghalong oregano, calamansi at honey. Si mommy, naku.. ano kayang magiging reaction niya sa balita ni Cheri sa kanya.. pero teka, grabe naman makayakap 'to.. 

"Cheri, nasabi mo na ba kay mommy about sa inyo ni Ethan?"

"Mmm. Ingay mo! Sshh!" Oh my! tumayo na lahat ng pwedeng tumayo sa katawan ko ng marinig kong magsalita katabi ko. Dalawa lang ibig sabihin nito.. kung hindi sinapian ng masamang elemento si Cheri.. hindi si Cheri katabi--

"WAAAAAAAAA!!! Hayop ka! Sino ka!!!!" pinaghahampas ko ng unan kung sino man 'tong nakabalot sa kumot ko. Nawala 'yung paghilab ng tyan ko.. Teka teka teka! hindi ko kumot to! HINDI KO BAHAY TO!! Nasaan ako????! "WAAA! Rapist ka! Bakit mo ko dinala dito!!!" Nakakita naman ako ng orasan kaya hinampas ko ito kung saan man.

"Aray ko!!! sh*t! f*ck! Ang sakit!" sabi nito at tumayo na sa kama. Uuy.. gwapo. Argh! hindi, rapist to Mia, rapist hindi gwapo.. pero ang gwapo talaga. Sayang naging rapist slash kidnapper siya. Wait!!

"Kidnapper ka!!! Saan mo ko dinala ha? Lagot ka!! dating judge ang daddy ko at lahi ng mommy ko ang mga sundalo! Lagot ka! matetrace ka nila kung saan mo ko dinala!!" Ooops.. bakit ko sinabi? mamaya bigla niya akong dalin sa isang masukal na lugar kung saan tatanda ako at magmumukhang Jane ako ni Tarzan. Oh no!

"Miss! Miss! Ang aga! Can you shut your f*cking mouth for christ sake!" Aba! aba! f*cking mouth daw? at dinamay pa si Christ! Anong gagawin ko? Nakakatakot siya! Nakahawak siya sa ulo niya. Buti nga! tama lang yan, dapat tinodo ko na lakas ko para makatakas na ako dito. Wait, teka teka.. ba-ba--bakit iba na damit ko? hala!!! "Wag kang magalala, wala akong ginawa sayong masama.." sabi niya habang nakatingin ito na masama sakin. "pasalamat ka pa nga eh."

"Anong sabi mo???! Ako pasalamat pa sayo?? Gago ka pala eh, wala kang ginawa sakin??! eh ba-bakit ganito suot ko?? Nirape mo ko! Hayup ka!"

"Woah woah! lakas ng loob mong sabihin yan sa loob ng pamamahay ko, ikaw na nga 'tong tinulungan ko."

"Aba aba! Paano mo ko tinulungan? sa paghuhubad ng damit ko? Si-siguro pinagpyestahan mo na katawan ko. Nooo!" 

"Wow. Miss, alam ko maganda ka at sexy.. wala ding problema sa dibdib mo." napatakip naman ako ng dibdib ko. "pero.. sabi ko nga, walang nangyari satin. Hindi ako psycho na makikipagtalik sa babaeng akala mong kapre kung makahilik."

"Oy! insulto na yan ah."

"Bakit ako, hindi mo ba ako iniinsulto? kanina pa kaya miss."

"Mia."

"Huh?" ay tanga! bakit ko sinabi pangalan ko? bwisit na bibig 'to. "May sinasabi ka, Mia?"

"Nagtatanong pa, narinig naman pala." tinignan ko ito para tanda ko idedescribe ko sa mga pulis kapag tinanong nila ako.. Pero first, dapat makatakas ako dito. Tumingin ako sa pinto niya. Nice, bukas, pwede akong tumakbo palabas. Ibinalik ko tingin ko sa kanya baka kasi magets niya pinaplano ko. Napalunok ako sa nakikita ko.. tinignan ko siya mula ulo kung saan feeling ko may bukol hanggang.. uy.. monay. Anim..

"May sinasabi ka?"

"Huh? Wala ah." napalunok ako ng matindi sa nasa harap ko. Adonis. Oh my! ano bang klaseng utak ang meron ako.. Nasa bingit na ako ng kamatayan, napupuna ko pa abs ni kuya. 

"Monay pala ah.. Miss.. Mia.. whatever.. Walang nangyari, i promise pwera na lang kung papayag ka pwede." nag smirk ito, at tumayo na naman ang mga balahibo ko at nanlaki ulo ko. Natatakot na ako.. Mommy!! Daddy!! Ate!! huhuhuhu.

"Bastos!" bigla naman uminit pakiramdam ko.. Ang init ah!! May aircon naman. Tumatawa naman siya habang hawak ang ulo niya. Sana pala talaga, tinodo ko na hampas ko sa kanya. Bastos!

"Hoy Miss, ako na nga 'tong--"

"Halooooo! gising na ba siya? Ooops." sabi ng babaeng bigla bigla na lang pumapasok sa kwarto ni kuya. Gf? mukhang hindi.

"Buti na lang dumating ka na Kendra, ikaw nga magexplain sa babaeng 'to kung anong nangyari. Akala niya kasi.. tss!"

"Wait, bakit nandito ka sa kwarto mo? tsaka bakit wala kang t-shirt? My god kuya! Anong ginawa mo kay ate??" Kuya? aah.. kapatid. Ganda ah. 

"First of all, kwarto ko to.. Second, nakatulog ako dito."

"Sa tabi ko." habol ko.

"Pero WALANG nangyari. Sige na, ikaw na bahala sa kanya." 

"Ok.. so meaning, ok ka na samin kasi kung utus-utusan mo ko ngayon parang wala kang sinabing 'kalimutan'--?" tanong ng babae sa kuya niyang arogante.

"Hindi." madiin na sabi nito at lumabas na siya ng kwarto.. "Ay, oo nga pala.. bago ko makalimutan, padala mo sa kanya 'yung kumot ko, kasi panay muta niya na. Souvenir ko na lang sayo miss." Sabay kindat nito. Argh! aroganteng baluga! bwisit! Tatawa tawa naman lumapit sa akin si Kendra.

"Pag pasensyahan mo na kuya ko. Abno kasi 'yun eh."

"Narinig ko 'yon! Ayusin mo ah, baka hindi na talaga kita kausapin."

"Whatever kuya! I know hindi mo ako matitiis." sigaw niya. Tumingin naman siya sakin at nakita ko ang itsura niya sa malapitan.. ang ganda niya. Parang manika.. pwera lang sa hikaw niya sa ilong.

'Yung totoo.. heaven na ba 'to? mukhang mga anghel kasama ko. Ay! hindi, 'yung isa pala hindi anghel, haba na nga ng sungay eh. Tss. Si Kendra lang pala anghel. Naks! Nakiki'kendra' ako. Feeling close? pero buti na lang dumating siya kasi medyo nawala na takot ko. Asa naman gumagawa ng masama 'to eh mukhang may class naman siya. Model siguro.

Gawd. Ano bang 'tong pinasok ko. Paano ako nakarating dito? Sure ako wala ngang nangyari kasi hindi masakit 'yung ano ko.. yun basta.

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon