CHAPTER 1

8.7K 89 4
                                    

Akreisha POV

(Morning)

"Beshy!!!!". malakas na sigaw ng kaibigan ko mula sa labas ng pinto .

Walang gana akong tumayo mula sa pagkakahiga habang nakasalubong ang dalawa kung kilay at naglakad patungo sa pinto .

"Ano ba beshy ang aga aga sumisigaw ka ?".Tanong ko sa kanya habang nakapamewang.

"Bago ang lahat magandang morning sa maganda kung beshy!!!".Masigla at patalon na bati nito sakin.

Tinignan ko lang ito habang walang emosyon ang mukha pero mukhang di natitinag dahil naka ngiti parin ito na parang baliw.

"Walang maganda sa morning ".Walang gana kung sagot sa kanya at tinalikuran ito.

"Wait!lang bhesy pumunta ako rito para tanungin ka kung may balak ka bang mag apply".Tanong nito sakin habang nakatayo parin sa harap ng pinto ko.

"What do you mean ?".Naguguluhan kung tanong sa kanya habang nag iisip.

"Like duhh,nakalimutan mo na ngayon ang hiring for secretary companyang pangarap mong applyan".Sagot nito habang naglalakad patungo sakin.

"Ano!bakit di mo agad sinabi bhesy!".Sigaw ko habang nagmamadaling kumuha ng susuotin ko.

"Ehh paano bumati palang ako sayo sinungitan mo na ako !". Habang patampong tinalikuran ako.

Mabilis kung hinawakan ang kamay niya at niyakap itong mahigpit.

"Sorry na bhesy,di ko naman alam na pumunta ka rito para sabihin yan kala ko kasi kung anong chismis na naman yung sasabihin mo".Paliwanag ko habang niyayakap ito na walang kibo.

"Ewan ko sayo bhesy ,pasalamat ka lang talaga mahal kita ehh kundi di ako mag effort puntahan ka kahit na halos sakalin ko na ang driver kanina para maaga akong maka punta dito".Paliwanag nito habang nakasimangot at pinaikot ang mata .

"Talaga bhesy ayiieee ang sweet naman nitong bestfriend ko napaka swerte ko talaga sorry bhesy ha".Habang pinisil pisil ko ang kamay nito.

"Oo na bhesy sige na baka malate kapa dali !".Pagtutulak nito sakin habang tumatawa.

Nagmadali akong nagtungo sa banyo at mabilis na naligo at nagbihis ng simpleng damit off shoulder at fitted jeans ,sandal then light make up pagkatapos ay lumabas na ako .

Habang puma para ako ng taxi ay biglang tumunog ang cp ko kaagad ko itong binasa.

FROM:BESHY..

To my ehemm beautiful bhesy goodluck and i pray na sana matanggap ka ...I love you bhesy wish come true balitaan mo ako agad ...

Napangiti naman ako sa message ng bestfriend napaka supportive niya lagi sa mga pangarap ko siya nalang ang natitirang taong nandiyan sa buhay ko.Napabalik ako sa reyalidad ng biglang huminto ang taxi  at sumilip ako sa bintana nito at di ko naiwasang mapangiti .

Kaagad kung binayaran ang taxi at patakbong tinungo ang entrance ng companya.Lahat ng tao ay binati ako at pinuri at ng makarating ako halos malaglag ang panga ko sa rami ng nakapilang babaeng magaganda.

Habang naglalakad ako panay tingin ng mga babae sakin yung iba nakataas ang kilay habang tinitignan ako ulo hanggang paa hindi ko nalang ito pinansin.

Dahil sa tagal kung naghihintay naramdaman kung naiihi na talaga ako at dali dali akong pumunta ng C.R para umihi .Nang makapasok ako ay halos puno ang C.R ng babaeng nagpapaganda.

Habang umiihi ako panay tili ng mga babae tinakpan ko nlng ang tenga ko para hindi ako mabingi sa mga tili nila.Saktong pagkalabas ko ay tinawag ang pangalan ko lahat ng babaeng naka pila ay nagulat.

Mr.Hot CEO Got Me Pregnant 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon