[1] Year 2005

42 9 0
                                    

[1] Year 2005

Someone's POV

It's now 2 pm. Ang raming tao. Nakakahilo. Puro mga nakasuot ng dress yung mga kababaihan at yung mga kalalakihan naman ay puro naka-suit na para bang may magbe-birthday. Birthday ba yun o prom ba tawag dun? Ay ewan! I don't have any idea kung bakit sinama po ako dito ni Mom and Dad. Basta ang alam ko may party dito tungkol sa paglago ng bussines nila. Tama ba spelling? Ah basta ang bata ko pa di ko pa alam yan.

Ang lamig naman dito. Buti naka-sweater at may nakapulupot sa'king scarf kaya somehow medyo nagiging warm ang feeling ko. Bat naman kasi wala kami sa isang building man lang? Puro mga puno at nasa open area pa kami. Pede naman kasi dun nalang sa isang building na pagkataas-taas na nakikita ko dito sa gilid namin. Ano bang klaseng lugar 'to? Pati ba namang building di nila afford? Akala ko ba there business was a success? Hayst. Mali nanaman ata spelling ko.

There are so many people here na nakikipag-usap sa perents ko. Halos naikot na nga ata namin ang buong area ng event na ito, mabati lang nila Mom and Dad ang mga tao dito. Eh ako naman syempreng anak nila, dapat ngumiti.  Pagod na'ko kaya!

Kaya kinulbit ko na si Mom. " Mom. I'm tired, please. " sabi ko dala-dala ang nakabusangot kong mukha. Kaya nagkatinginan sila ni Dad at nagkangitian sa isa't - isa. Like whut? Ano nanaman kaya nasa isip nila?

Umupo si Mom sabay tingin sakin at pasandali siyang humalik sa aking pisngi at niyakap ako ng mahigpit.

" Sige na nga. My baby little boy, stay ka lang dun sa table na yun ah, okay? Laro ka muna sa tablet mo. "  sabi ni Mom habang tinatanggal nya ang muta ko sa gilid ng aking mga mata. Hay nako! Si Mom talaga kahit kailan. May mga taong tumitingin sakin dito nakakahiya. Ang pogi ko pa naman. Baka ma-turn off sila. Silang mga bisness partners nila dad.

" Yes, Mom. " I murmured. Kinuha ko sa maliit kong bag na nakasakbit sakin ang tablet at pinower-on ito.

" Son.."  sambit ni Dad na may pagtinging alam ko nang may sasabihing nakakasawa nanaman. Alam ko na'to.

" Son, you only have to do and remember one thi-- " paalala ni Dad na lagi nyang sinasabi kaya pinutol ko na.

" Pag may nakitang pretty girls, kindatan mo at tanungin ang name nila. Yes, Dad. I will.  "  sambit ko. Yes, I will. Kabisadong kabisado ka na'yan. Ang silver rule namin ni Dad. Kung meron lang ah. If only they knew na sa lahat ng girls na nakikita ko, lahat sila hindi ko tayp. How cheap of them.

" Dad, for pete's sake! 6 years old palang yan. Pati ba naman yang anak mo gagawin mo pang playboy! " bulong ni Mom pero damang dama mo ang pangse-sermon sa kanya ni Daddy kasi kinukurot nya pa ito pero tumatawa lang si Daddy. Hayst. Pati ba naman dito nagha-harutan pa sila.

" Hello? Mom? Dad? I want to sit. "  I mumbled. Kaya naman napatingin silang dalawa sakin at ngumiti.

" Sorry, my little boy. Ang kulit namin ni Dad. Sige na stay put kalang dyan ha? Hintayin mo lang yung pinsan mo para may kasama ka. " sabi ni Mom at tumango nalang ako sabay ngiti. She's the best mom ever.

Pumunta na ulit sina Mom and Dad kung san ulit maraming tao at nagsisipag-usap doon. Then me, nandito't nakaupo at kumukuha ng mga pagkain na nakahain dito sa table ko. I'm a picky eater kaya kumuha lang ako ng ka- kapiranggot na lasagna sa plate ko. Tinikman ko yung isang strand ng pasta nito pero pagkalasa ko palang...

" Awwwk..."

Niluwa ko yung pasta at uminom agad ng tubig na baon-baon ko sa mini bagpack ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

7 Steps Closer To YouWhere stories live. Discover now