Chapter 1: Friend Of Mine

1.1K 67 42
                                    

I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we'd ever be?
I've loved you ever since
You are a friend of mine
And babe is this all we ever could be?

Ang malamyos na tinig na iyon ang nangingibabaw sa loob ng school gymnasium ng eskwelahang pinapasukan ni Edward. It's Valentines Day at kasalukuyang ginaganap ang Valentine Program. Ang kumakanta sa stage ay walang iba kundi ang bestfriend niyang si Dale (Mary Dale Escalante), she's not just singing but also playing the guitar.

At halos lahat ng kalalakihan sa loob ng gym taken man o single ay talaga naman nabibighani sa babaeng hindi lang mala anghel ang tinig kundi pati narin ang mukha. Yes! His bestfriend is both talented, smart and pretty. At sa totoo lang gusto niyang pagsisipain ang mga lalaking ito na tila pinapantasya na ang kaibigan niya.

Oh please! Don't get me wrong. Hindi katulad ng mga lalaking iyon, wala akong pagnanasa sa kaibigan ko. BESTFRIEND nga diba? Kaya natural lang na maging protective ako sa kanya.

Katunayan I have a girlfriend at katabi ko siya ngayon sa table malapit sa stage kasama ang ilan pa naming kabarkada.

"Iba talaga ang talent nitong si Dale." narinig niyang sabi ng kaibigang si Marco. "Kung wala lang akong Kirsten, baka niligawan ko na iyan ey." dagdag nito na tila nabibighaning nakatitig sa kaibigan nila.

"Umayos ka Marco." seryosong sabi niya sa kaibigan na ikinabaling naman nito sa kanya bago natatawang napakamot sa batok.

"Hey! Relax bro. Alam mo namang si Kirsten lang laman ng puso ko." natatawamg depensa nito. Ang tinutuloy nitong Kirsten ay ang nobya nito at kaklase din nila. Ngunit hindi ito nakadalo dahil nagkasakit ito.

"OA naman ang pagiging protective mo sa bestfriend mo Edward. Kaya siguro hindi makalapit lapit si Conner kay Dale." si Niko iyon, isa din sa mga kabarkada nila. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Who?" tanong niya na nilingon ito dahil bahagya siyang nakatalikod dito dahil nakaharap siya sa stage.

"Conner Francisco. Ang Captain Ball ng Basketball team." sabi nito bago umabot ng chips at isinubo. "Nililigawan nun si Dale."

"Kailan pa?" siya na lalong lumalim ang guhit sa noo dahil sa pagkakakunot niyon. Ni hindi niya napansin na sumasama na ang hitsura ng nobya niyang si Heaven.

"My God Edward! Seriously, It's none of your business." si Ellyze bago siya inirapan at muling itinuon ang tingin sa kaibigang kumakanta sa stage.

You tell me things I've never known
I shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad

Natatawa namang inakbayan ni Macky ang nobya bago siya hinarap at humingi ng paumanhin.

"Pasenxa na bro dito sa girlfriend ko. May dalaw lang. Aray ko po..." bigla itong napasigaw ng kurutin ng nobya sa tagiliran. "Biro lang love, nananakit ka naman ey." natatawang sabi nito bago malambing na niyakap ang nobya.

Pero wala na sa mga ito ang pansin niya. Ibinaling niya ang tingin sa stage at nagulat pa siya ng magkasalubong ang mga mata nila ni Mary Dale habang patuloy ito sa madamdaming pag awit.

But then again I'm glad..

Iwan niya pero sumagi sa isip niyang para sa kanya ang kinakanta ng dalaga. But, what the heck! She's his bestfriend! Bata palang sila ay kaibigan na niya ito, and he protected her like a brother to his little sister. Kaya kinastigo niya ang sarili sa naisip.

I've known you all my life
You are a friend of mine
I know this is how it's gonna be
I've loved you then and I love you still

You're a friend of mine
Now, I know friends are all we ever could be

Patuloy ito sa malamyos na pagkanta habang nakatingin sa daku nila. Naramdaman niyang ikinapit ng nobyang si Heaven ang mga braso nito sa braso niya at naglalambing na hinalikan siya sa pisngi kaya naman napabaling ang tingin niya dito. At nabigla pa siya ng halikan siya nito sa mga labi, though ginagawa naman na nila ang maghalikan even in public places hindi niya maintindihan kung bakit ng mga sandaling iyo ay tina nailang siya.

Bahagya niyang inilayo ang sarili sa nobya bago tumingin sa daku ni Mary Dale na sa mga sandaling iyon ay wala na sa daku nila ang tingin.

You tell me things I've never known
I shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again
Then again
Then again I'm glad

Patuloy nito sa madamdaming pag awit. Napalingon pa sila kay Ellyze, Jinri, at Cora na nagiiyakan matapos ang kanta ni Mary Dale ngunit nabawing muli ang atensiyon nilang lahat ng magsigawan ang mga estudyante sa gym.

Kitang kita nilang magkakaibigan ang pagakyat sa stage ni Conner Francisco na may daladalang isang bouquet of red roses at pulang lobo na hugis puso. Nang matapat ito kay Mary Dale ay lumuhod ito, kinuha sa dalaga ang hawak na micropono sabay sabi,

"Happy Valentine's day to the most beautiful girl tonight with a voice of an angel." nakangiting sabi nito na nakatingala sa namumula ng si Mary Dale. Inabot nito ang daladalang bulaklak at lobo na tinanggap naman ni Mary Dale.

Ang sumunod na sinabi nito ay umani ng malakas na singhap mula sa mga babaeng kaibigan nila at sigawan sa mga estudyante. Their male friends and even Heaven clapped their hands. Siya at si Luis lang ang nanatiling tahimik at blangko ang ekspresyon.

"Miss Escalante, would you be my angel and make my wish come true tonight?" romantikong sabi ni Conner, "Will you be my girlfriend?"

Nagulat pa siya ng lumingon sa daku nila ang dalaga bago yumuko kay Conner at may binulong dito. Napaangat siya sa kinauupuan ng biglang tumayo si Conner mula sa pagkakaluhod at niyakap ang dalaga na ginantihan din nito ng yakap.

Umani iyon ng sigawan at tuksuhan sa mga estudyante at nakisali rin ang mga kaibigan nila maliban kay Luis na tahimik paring nakaupo

"Oh, you're bestfriend is a big girl now." maarteng sabi sa kanya ni Heaven na ikinatiim naman ng bagang niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit siya pero isa lang ang alam niya. Hindi niya gusto ang ideyang may ibang lalaking yumayakap sa bestfriend niya.
-----—-----------------------------------------------------------------
1st song: para sa mga friend zone diyan, sa mga one sided love at kuntento na sa friendship lang. Sa mga nagmamahal pero hindi masuklian o hindi sinuklian ang pagmamahal.!!

Mga beshie.. Hindi kayo nagiisa.. Marami tayo.. Hahaha.. Buti lang ako nakahanap ng forever ko kahit hindi xa ang first love ko

Kaya wait wait lang.. Darating din yan... 😂😂😂 Ika nga, patience is a virtue, true love waits, daig ng may pasenxa ang malanding bruha.. Kung meron mang kasabihan na gaya nyang nasa huli. 😂😂😂.. The whole point is, may tamang tao para sa ating lahat. We just have to patiently wait.

Hindi na iyon relate sa story.. Pero gusto ko lang sabihin.. 😜😜😜✌️

Please like, comment and share....




The Songs Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon