Matapos hindi makaya ang nakitang eksena nila Dale at Conner sa school grounds ng eskwelahan ay dalidaling umalis si Edward doon para maitago sa dalaga ang sakit na nararamdaman. Dumeretsiyo siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse. He needs some time to calm himself.
Nasa aktong bubuksan niya ang pinto ng may kumabig sa kanya pabalik.
It was his ex-girlfriend Heaven. Yes! Ex-girlfriend. They broke up noong Valentines day. She broke up with him dahil hindi niya ito pinapansin matapos mag walk out ng gabing iyon dahil sa nakitang proposal ni Conner kay Dale. He got so mad na nakalimutan niya ang presensiya ng nobya ng gabing iyon at ikinaiinis iyon ng babae that's why she bluffed him about the break up.
Kung noon ay nadadal siya nito sa bluff na ganoon, at agad na sinusuyo ito. Hindi niya alam kung ano nangyari sa kanya mg gabing iyon dahil imbes na suyuin ang nobya ay hinayaan niya ito. He even let her go home alone, at piniling bumalik sa loob ng gymnasium at kunin si May Dale.
"Baby, please lets talk?" narinig niyang sabi ng dating nobya na ikinatingin niya sa mukha nito.
Ngayon lang niya napansin na naiirita siya sa kapal ng make up ng babae at sa ikli ng suot nito. Dati rati ay iyon ang gusto niya sa babae and he finds it sexy pero ngayon ay disgust na lang ang nararamdaman niya.
"Heaven, we have nothing to talk about." seryosong sabi niya dito na pilit kinakalas ang kamay mula sa mahigpit na pagkakakapit nito.
"Baby, I'm sorry okay?" may pakiusap sa tinig na sabi nito na hindi binibitawan ang braso niya. "Nadala lang ako ng inis ng bigla mo akong iwan doon. Alam mo namang ayoko ng nababalewala." dagdag nito. "Please, come back to me.. Hindi naman ako seryoso sa pakikipaghiwalay sayo ey."
"Well, I am." walang emosyong sagot niya dito bago malakas na kinalas ang mga bisig nito sa kanya.
"W-what do you mean?" nanlalaki ang mga matang sabi nito habang di makapaniwalang naka tingin sa kanya.
"I'm breaking up with you. And I'm serious." sabi niya na tiningnan ito ng matiim.
"No! Oh baby, please don't do this to me!" mangiyak ngiyak ng sabi nito. "I love you!" sabi nito na hinawakan siya sa leeg at hinalikan sa mga labi.
Agad niyang binaklas ang mga kamay nitong nakakapit sa leeg niya at marahas itong inilayo sa sarili.
"Stop it Heaven, will you?!" galit na sigaw niya dito. "I don't like you anymore! And I really have no time for this right now, so will you leave already?!" galit na sabi niya bago binitawan ang kamay ng dating nobya at tinalikuran ito.
"You're lying. I know you love me Edward!" mapilit na sigaw ng babae na muli ay hinabol siya at niyakap mula sa likod.
Sa marahas na paraan ay inalis niya ang mga kamay nito na nakakapit sa bewang niya at muling hinarap ang babae.
"I've never been a liar Heaven, and you know that." matigas ang mukhang sabi ng binata. "I told you I like you, yes! But I never said that I love you. So, please? Have some self-respect and leave." he said sa pinipigil na galit.
Ayaw niyang dito maibuhos ang galit at panibughong nararamdam. Tumalikod siya sa babaeng hindi napigilang mapaiyak sa rejection mula sa kanya. Pero may galit sa mga mata nito na nakatitig sa binata.
" You're mine Edward! "tila baliw na sigaw nito na ikinalingon niya." You're mine, tandaan mo yan! "huling sinabi nito bago tumalikod at umalis.
Nakasalubong pa nito sina Marco, Macky at Niko na humihingal sa pagtakbo. Napasunod amg tingin ng tatlo kay Heaven bago binaling ang tingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Songs Of Us
FanficPinagsisisihan kong naging duwag ako, pinagsisisihan kong hindi ako nagtapat sayo, pinagsisisihan kong pinili kong lumayo. Pinagsisisihan kong sa iba ko inilaan amg puso ko, Pinagsisisihan kong huli na ako. Lahat ng awitin sa bawat araw na naririnig...