Chapter 7: Best Friend

428 52 21
                                    

Mga bakla..... Please do play the music pagbinasa nyo ito... Nakakatouch! It almost made me cry....

-------------------------------------------------------------------------

It took a while before he realized how much he loves her... How much she meant to him... And that she's the only one.

So, that day Edward decided to tell Mary Dale how he feels for her. It's weekend at dahil nakasanayan na niyang tumambay sa bahay ng dalaga every weekend ay nagdesisyon siyang magtapat na dito sa araw na iyon.

He was so excited and even ordered flowers para sa dalaga na hindi naman niya usual na ginagawa. Mas madalas na pagkain ang dinadala niya dito dahil alam niyang mahilig kumain ang dalaga kahit pa nga napaka slim ng katawan nito. Minsan naisip pa niya kung saan nito inilalagay ang kinakain nito.

He smiled of the thought. Gago lang talaga siya para isiping ang nararamdaman niya dito ay para sa isang kapatid.

Matapos maghanda ay lumabas na ang binata sa silid daladala ang inorder na bouquet of red roses. Nakasalubong pa niya ang Mama niya na nanunuksong nginitian siya bago,

"Nak, kailan pa tayo naging intsik?" nakatawang tanong nito na ikinakunot ng noo ng binata.

"What?" he asked confused naikinatawa ng Mama niya.

"What's so funny honey?" ang Papa niya na kalalabas lang ng silid ng mga ito.

"Hon, you didn't tell me nagpalit ka na pala ng Nationality, from English to Chinese." patuloy sa pagtawa ng Mama niya na ikinakunot din ng noo ng Papa niya.

"What are you talking about?" naguguluhang tanong ng Papa niya habang tiningnan din soya mg nagtatanong na mga mata.

"Don't look at me Dad, I'm confused as you are."

"Make yourself clear woman." ang Papa niya na muling ibinaling ang mga mata sa Mama niya na mas bumunghalit pa ng tawa.

"Pareho kayong mag-ama!" sabi nito na medyo tumigil na sa pagtawa. "Ang anak mo Kevin, ang aga aga aakyat ng ligaw, ano ka intsik?" sabi nito na nilinaw ang sinasabi, ang Papa niya ay napakamot sa batok at natatawang nilapitan ang Mama niya ay inakbayan. His mother can be very playful sometimes.

"Ma!" nahihiyang napakamot nalang din sa batok ang binata. "Stop teasing me please?"

"Oh.. So, aakyak ka nga ng ligaw?" hos mom stopped laughing at nakangiting tiningnan ang anak na tila hiyang hiya.

"I thought you have a girlfriend?" ang Papa niya na bahagyang nakakunot ang noo. "This girl must be very special, if you're still counting her even if she's already your girlfriend.." sabi nito.

"That Heaven girl?" ang mama niya na biglang hindi maipinta ang mukha. She met Heaven already ng magpakilala ang huli dito minsang magkasalubong ang dalawa sa mall.

Naging sanhi din iyon ng pagaaway nila ng dating nobya ng sabihin sa kanya ng mama niya na hindi nito gusto ang pagiging masyadong bulgar ng dating nobya. He confronted Heaven and she just said na masyadong old fashioned ang mama niya. Si Mary Dale din ang kumausap sa Mama niya that time para lang maging okay ito sa nobya niya.

"I really don't like her Edward, kung hindi lang ako kinausap ni Dale-"

"Break na kami ma." biglang sabi niya na ikinatigil ng mama niya.

"Really?" hindi naitago ang galak sa tinig nito. "So, sino ang liligawan mo ng ganito ka aga?" nagtatakang tanong nito.

"It's Dale Ma, Pa." sabi niya,

Nakita niya kung paano nagliwanag ang mukha ng mga magulang sa sinabi niya. Ang Mama niya ay napayakap pa sa kanya.

"Oh, you just made me so happy son! Alam mo bang araw araw akong nag nonovena para magkatuluyan kayo?" nakatawang sabi nito na ikinatawa nila ng Papa niya.

The Songs Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon