Dalawang araw pang nanatili sa ospital si Dale at sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi muling dumalaw si Edward. Ang sabi sa kanya ni Cora na halos araw araw na naroon sa ospital ay busy lang daw ang kaibigan. But she knew better, alam niyang galit san kanya si Edward at hindi niya ito masisisi. Cora and Conner had been her constant companion and finally ay naging opisyal na ang relasyon ng dalawa. She was the first one na nakaalam and she was very happy for her friends, alam niyang mapapaligaya ng mga ito ang isat-isa.
"You need to eat plenty Dale." si Cora habang pinagbabalat siya ng mansanas. "Remember what the doctors told you, bukas ay lalabas ka na. Tamang tama, nagyaya si Jinny na magbakasyon tayo sa beach resort nila sa Bulacan sa sabado, I'll ask for your doctors approval. Maganda iyong makasagap ka ng sariwang hangin." nakangiting sabi nito.
Conner just left para ihatid ang Mama at Papa niya. Ang mga itoang sumama sa kanya ng nagdaang gabi at ihahatid nga ngayong umaga ni Conner pauwi sa bahay nila para doon ang mga ito mag pahinga. Her parents had been Conner's parents narin. Itinuring na ng binata na mga magulang ang parents niya since he's been an orphan years ago. At siya naman ay nakababatang kapatid naman ang turing ng binata.
"Opo ate." natatawang biro niya sa kaibigan na ikinapula ng pisngi nito. Conner is older by one year sa kanya kaya Kuya ito sa kanya.
"I like that." maya maya pa ay sabi nito sa nahihiya ngunit natatawang tinig.
"Mama and Papa likes you much for Conner." malawak ang ngiting sabi niya.
"Salamat naman kung ganoon." halata ang biro sa tinig nito.
"At least they'll have another daughter kapag nawala na ako." she casually said.
"Don't say that!" galit na baling nito sa kanya n a ikinagulat niya. Napatitig siya bigla sa galit na mukha ng kaibigan. "Don't you ever say that word Mary Dale! Not ever!" may garalgal sa tinig na sabi nito.
Then she realized what was happening. She smiled at her, matamis at mapang unawa.
"Cora you know I'm-"
"You will live!" putol nito sa sasabihin niya with full of conviction. "Conner and I are doing our very best to find you a compatible donor. Lahat ng kaibigan natin ay naghahanap. Elle being a doctor that she is has been consulting your condition sa mga kakilala niyang Cardiologists." seryosong pagpapatuloy nito habang patuloy ang pagbabalat ng mansanas.
"Cora-"
"What you should do is be healthy habang naghihitay sa donor at sa operasyon mo." putol ulit nito sa sasabihin niya. She looked at her and smiled. Pinapagaan ang sitwasyon. "You'll like it there, sa beach nila Jinny. Na acquire nila iyon 5 years ago at halos every summer ay naroon kami. You'll love the place lalo na ang sunrise." magaan na ang ngiting ibinigay nito sa kanya.
Napapatango nalang siya. Alam niyang mahirap para sa kaibigan at kapamilya niya na tanggapin ang sitwasyon niya pero ayaw na niyang umasa. Napapagod na siyang umasa, 10 years din siyang umasa at lagi nalang nabibigo. Pagod na siya, she just accepted her faith.
"I'm sure the place is very lovely. Kilala kita, hindi mo babalik balikan ang isang lugar kung hindi umabot sa pamantayan mo ng salitang maganda." she choose to be happy in front of Cora. Ayaw niyang makita na naghihirap ang kalooban ng kaibigan.
"I know right?" nakatawang sabi ito bago inabot sa kanya ang isang platitong puno ng binalatag mansanas. "Ubusin mo yan."
She laughed. "Makakaya ko bang ubusin ito?" bahagyang pinanlakihan niya ito ng mata. Cora laughed. Natigil ang pagtatawanan nila ng makarinig ng mahinang katok sa pinto ng Private suite niya. They thought it was her doctor pero napalis ang matamis na ngiti sa mga labi niya at nangunot naman amg noo ni Cora ng bumukas ang pinto at pumasok ang hindi niya inaasahang bisita. It was Sussen.

BINABASA MO ANG
The Songs Of Us
FanfictionPinagsisisihan kong naging duwag ako, pinagsisisihan kong hindi ako nagtapat sayo, pinagsisisihan kong pinili kong lumayo. Pinagsisisihan kong sa iba ko inilaan amg puso ko, Pinagsisisihan kong huli na ako. Lahat ng awitin sa bawat araw na naririnig...