10 years later
Bumukas ang pinto ng pribadong opisina ni Edward at bumungad doon ang ulo ng secretary niya.
"Sir, Sir Niko is already here." imporma nito sa kanya.
"Okay, send him in." sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa dokumentong binabasa.
He is the CEO of his construction company. After graduation in college, instead of working for other company he decided to put up his own construction firm and in a span of 8 years it became one of the biggest construction firm in the country. Niko is his Vice President and also one of the major stock holders. They both graduated Civil Engineering kaya sila din ang nagteam up sa pagtatayo ng negosyo.
Nagtaka pa siya ng manatiling nakasungaw sa pinto ang secretary kaya napatingin siya dito.
"What is it?" kunot noong tanong niya sa nagaalangang secretarya.
"Ah ey, kasi sir. Sabi po ni Sir Niko kayo nalang daw po pumunta sa kanya sa Finance Department. Pinapasabi lang po niya na andito na siya sa company." nagaalangang sabi nito at nakaramdam ng takot ng makitang lalong nangunot ang noo ng binatang boss.
"Finance dep- Oh damn! Does he still want to work in this company?!" inis na napaayos ang binata sa kinauupuan. "You can leave now, let me handle that gigolo." he dismissed her bao inabot ang intercom na nakapatong sa office table niya, he dialed the number in the Finance Head office. Dalawang ring bago may sumagot.
"Finance dep-"
"Tell that asshole to come to my office in five minutes or your fired!" inis na bungad niya sa sumagot ng telepono.
It was Jinry. She's a CPA and the head of the finance department, unfortunately Niko has been doting on her at halos dalawang taon naring nililigawan ito pero bigong mapasagot parin ang kaibigan.
After 3 minutes ay bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok si Jinry hila hila sa kwelyo si Niko na natatawa.
"Mr. President. You need not fire me because of this stupid VP of yours. You can have him all to yourself. Not interested in him anyway." mataray na pahayag nito pago padarag na binitawan ang kwelyo ni Niko.
"Oh c'mon baby. Ano mapapala ko sa boss nating bato ang puso? Marry me and you need not to work for this slave driver anymore." malambing na biro ni Niko na hindi pinansin amg inis na nakabalatay sa mukha ni Edward.
"Marry yourself. I don't need a man to survive." mataray na irap nito sa lalaki bago sinulyapan ang naiiritang si Edward. "Boss, ikaw na bahala diyan. I have a lot of work to do at walang ginawa iyan kundi manggulo sa opisina ko. I want him banned in my Department from now on." Jinry said in a firm voice.
"Baby naman, alam mo namang ikaw ang kumukompleto sa araw ko. How will I survive kung hindi kita makikita sa bawat araw?" madramang pahayag naman ni Niko.
Even since he fell in love with Jinry, the cold and strict Niko that they know ay biglang naglalaho pag nasa harap ang dalaga. But he is still the old Niko sa harap ng ibang tao. Strict and very domineering.
" Oh shut up!" singhal dito ng dalaga.
"That won't be possible Ms. Tores. The VP is the one in-charge in Finance. Your department is under his direct supervision. How can I ban him from going there?" seryosong sabi niya na napasandal sa swivel chair nya.
"What?! You will actually side him in this matter?" may inis sa tinig na baling sa kanya ng dalagang kaibigan.
"I'm not siding anyone here Ms. Tores. I'm stating a fact." pigil ang ngising sabi ni Edward. Alam niyang naiinis na si Jinry.
"Oh how I love you bro!" tuwang tuwang baling naman sa kanya ni Niko at akma siyang susugurin ng yakap ngunit binigyan niya ng matalim na tingin kaya bigla naman itong natigil sa kinatatayuan at pinili nalang na balingan si Jinry na namumula na sa matinding inis sa kanilang dalawa ni Niko.
"Oh whatever! You can both go to hell!" inis na sabi nito bago tumalikod at tinungo ang pinto ng opisina niya.
"You do realise that you just cursed your employers, do you?" taas kilay na sita niya sa dalaga, though hindi niya seneseryoso ang sinabi nito. He just want to tease her para inisin din si Niko.
"Fire me then!" taas kilay na hamon naman ng dalaga
"Oh no Baby, you can curse me anytime you want. I won't mind." nakangising sagot naman ni Niko na sinuklian lang ni Jinry ng irap.
"But I do." patuloy niya.
"Pare hindi naman sinasadya ng Baby ko na mamura ka. Just let this pass okay?" baling sa kanya ni Niko.
"Okay, I will let it pass in one condition." sabi niya na nakangisi.
"Okay, anything you want. I'm willing to give anything for my love." nakangisi ring sagot ni Niko bago binalingan sa Jinry at binigyan ng isang kindat. She just rolled her eyes on Niko.
"Let me buy your company shares." nakangising sabi niya bago itinaas ang kilay.
Natawa naman si Niko bago binalingan si Jinry.
"Baby, you know I'll always choose you and your happiness." nakangiting sabi nito sa dalaga na napabilog ang mga mata. "Your future is always important to me," patuloy pa ni Niko sa madamdaming paraan, and Jinry's facial expression became soft. "That's why, please apologise to the boss now. I cannot sell my shares because its for our future." sabi nito na ikinahalakhak niya at ikinapula namang lalo ng mukha ni Jinry dahil sa matinding inis.
"Go to hell!" inis na sigaw nito bago padarang ng binuksan ang pinto at mabilis na lumabas at isinara rin ng malakas.
"Babe, wait!" akmang hahabol na tawag ni Niko sa dalaga
He couldn't stop laughing. Kahit siya ay muntik ng mapaniwala ng kaibigan.
"Stop laughing will you?" inis na sabi nito sa kanya bago pabagsak na umupo sa sofa na nasa gilid ng pribadong opisina niya.
"You just pissed her. Paano mo pa yan mapapasagot?" natatawa paring sabi niya.
"I'm just glad I can make you laugh kahit pa nga ang kapalit niyon ay sarili kong kaligayahan." may ngiti sa labing pahayag nito na ikinatigil naman niya.
Napatikhim siya bago umayos ng upo at biglang nagseryoso. "It's your fault. You know we need to discuss a business proposal today, yet inuna mo pang lumandi." seryosong sabi niya.
"You can't blame me. Sa na miss ko ang mahal ko ey." nakangising kibit balikat nito.
"Don't be cheesy. Hindi bagay sayo." sabi niya.
"By the way. Have you received the invitation for Marco's wedding?" pagiiba nito ng usapan.
"Yeah. Kabibigay lang ng sekretarya ko kanina." he answered.
"They will be migrating to Italy after the wedding. Marco is so lucky for having kirsten." natatawang sabi nito.
"Yeah, he is." he answered.
"Kirsten told me that Dale confirmed her attendance." nanunukat ang mga matang sabi nito na matatitig sa kanya.
For a while natigilan ang binata. Its been what? 10 years since she left. Ano ba ang dapat niyang maramdaman?
"Are you okay bro?" tanong ni Niko.
"So, she's back."its not a question but a statement.
Nakakuyom ang kamao ng binata. So what? She left just like that, he should not care anymore. She made it clear before she left na wala itong nararamdaman para sa kanya. The moment she left the country, kinalimutan na nito ang pagkakaibigan nila at ganun din ang ginawa niya, he even buried his feeling for her deep in his heart.
---------------------------------------------------------------------------I feel very emotional right now.. Kaya damay damay lang. Iyak kung iyak! 😭😭😭😭😭😭
Comment, vote and share....

BINABASA MO ANG
The Songs Of Us
FanfictionPinagsisisihan kong naging duwag ako, pinagsisisihan kong hindi ako nagtapat sayo, pinagsisisihan kong pinili kong lumayo. Pinagsisisihan kong sa iba ko inilaan amg puso ko, Pinagsisisihan kong huli na ako. Lahat ng awitin sa bawat araw na naririnig...