IVORY POV
Ayaw pumasok ng susi!
“Ah! Ano ba?!” sigaw ko sa susi.
“Malapit na siya,” bulong ni Aevan na lalo pang nagpa-tense sa’kin.
Out of nowhere. Bigla na lang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na nakasabunot ang kamay sa buhok. Nakasuot ng plain white shirt. He was so handsome, alright! *__*
“Diyan ka lang! Huwag kang lalapit!” narinig kong sigaw ni Aevan na nakapagpabalik ng katinuan ko.
“Pasok na, Ivy! Bilis!” sigaw niya ulit. Hindi pa ako nakakahakbang ng itulak na niya ako papasok. Nawalan tuloy ang balance ko kaya……………. Napasubsob ako sa sahig. Hindi man lang ako sinalo ng lalaking ito! Bastos!
“Aray!” singhal ko. Aba’t itong lalaking ito hindi man lang ako tinulungan. Sabi na nga ba’t guwapo lang ito eh.
Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto sa likod ko. Tinulungan akong makatayo ni Aevan pero ‘yung lalaking hinahangaan ko ‘kanina’ dahil guwapo, nakatingin lang sa akin at wala talagang planong tulungan ako.
Tss. Sabi na ngang huwag magpapalinlang sa mga guwapo eh.
“Hey,” sabi ni Aevan doon sa lalaki?! What the? Bakit niya kinakausap ang damuhong bastos na ito?
“Yeah,” the guy said with a smile on his face. Kapag si Aevan, nakangiti siya pero kapag sa akin na…….. NEVER MIND.
Naiinis talaga ako -__- unang kita ko pa lang sa kanya, mainit na agad ang dugo ko. Tss. Sana naman hindi niya kabarkada ‘yung sina Justin na iyon.
“Can we hide inside the bathroom?” hindi pa sumasagot ‘yung ‘bastos na guy’,hinila na niya agad ako kung nasaan man ang sinasabi niyang bathroom.
“Magtatago ka ba talaga?” tanong ko. Kanina pa yang bukas ng bukas ng room pero hindi naman niya makita ang hinahanap niya. Napapagod na rin akong sumunod ng sumunod sa kanya.
“Baliw ka ba? I need to pee,” sagot niya na hindi na maipinta ang pagmumukha.
“I found it!” sigaw niya at mabilis na pumasok sa banyong sinasabi niya.
Napansin kong medyo nakabukas ang kuwarto noong Justin. Siyempre alam kong kanya ito kasi sa kanya nanggaling ang susing ibinigay niya kay Aevan ~__~ Out of curiousity, napahakbang ako papasok. Napatingin ako sa bed side table niya. May picture frame doon. Picture ni Justin noong bata pa siya with a girl that looks like………..O__O?
“I’ll be back. Mag-bibihis lang ako,” nakarinig ako ng yabag papasok sa kuwarto na pinasukan ko. Oh my! Ano ang gagawin ko?
“Did I leave my room open?” narinig ko pang sabi niya.
GOSH!! LAGOT NA!
Mabilis ang ginawa kong pagpasok sa banyo kaya bago pa siya tuluyang makapasok ay nasa loob na ako ng CR niya. I flushed the toilet para lalo pang convincing ang act ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapasok ako sa kuwarto ng isang lalaki lalo pa’t wala namang pahintulot. Ni hindi ko nga alam kung anong connection ni Aevan sa may-ari ng unit na ito….
“Hay…” I sighed. Kinakabahan ako ng bonggang-bongga habang dahan-dahan kong binubuksan ang glass door ng CR niya. Muntik na akong matumba sa kinakatayuan ko ng makita ko siya.
“THE HELL! ANONG GINAGAWA MO RITO?!” he asked shouting.
Bakit ba siya nakahubad? At sa mga virgin na mata ko pa niya talaga ipinapakita! (/_\) *cover eyes*
BINABASA MO ANG
I'm In Love with My Best Friend's Best Friend (The Tragic Ladies) (Jadine Fanfic)
Teen Fictiona story for you to laugh, fall in love and be confused <3 xx JADINE IS LOVE xx