m08n: Behind the Smile

43 5 1
                                    

Hoseok's POV

"In Last... 3... 2... 1...PA... PA... PPANG..." Sabi ko at natapos rin ang pinapraktis naming sayaw..

"Waaahhh...." Sabi naming lahat at kani-kaniyang naghabol ng hininga

"That's a good one... Let's take a break and rest..." Sabi ko at uminom ng tubig

"Finally~~" sabi ni Yoongi hyung sabay higa sa couch..

"Hyung... Jinjja baegopayo..." Angil ni Jungkook

"Nado..." Sabi naman ni Taehyungie

"How about ordering something??" Suggest ni Jin Hyung

"That would be a great idea..." Sabi ni Namjoon

"Sige ako na ang tatawag..." Sabi ko at nung akmang tatawag na sana ako ay....

"Gusto kong kumain nung pagkaing binibili natin kay ajhumma doon sa ika-apat na kanto..." Jimin whined

"Oo nga... Yung samgyeopsal, samgyetang, tteokbokki, bibimbap, bulgogi, jokbal, jajjangmyeon -------------" patuloy na pagsasabi ko ng mga binebenta nung lagi naming kinakainan sa tuwing uuwi na kami sa dorm

"Alam na namin Hoseok-ah..." Pagpapatigil ni Yoongi Hyung sa pagdadada ko

"Ang kaso lang ay hindi sila nagdedeliver..." Sabi ni Jin Hyung

"Pwede naman ata sa iba na lang atleast hindi na tayo ang pupunta sa kanila..." Sabi ni Namjoon

"Eh sa doon ang gusto namin eh..." Sabi nung tatlong maknae na ikinagulat namin

"Aisshhh... Hindi nga nagdedeliver..." Sabi ni Jin hyung na para bang gustong ipaliwanag iyon ng maayos

"Eh~~ mas masarap yung niluluto doon ni ajhumma.." Sabi ni Jungkook

"Wala nga tayo... Panigurado namang ayaw niyo rin maglakad papunta doon kasi mga pagod kayo..." Sabi ni Namjoon

"Psshh... Edi isa sa atin ang bibili..." Sabi ni Taehyung

"Kaya nga...." Pagsesegunda ni Jimin

Aisshh... Parang mga bata kapag gutom... Hay buhay nga naman...

"Edi------" bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko ay ikinagulat namin ang biglang pagtayo ni Yoongi hyung mula sa pagkakahiga

"Aisshh... Yah Hoseok-ah kaja... Tayo na ang bibili at para matapos na toh..." Biglang sabi ni Yoongi Hyung

"Hala bakit kasama ako?!" Gulat na tanong ko

"Seryoso ka hyung/ Yoongi??" Tanong nilang lahat

"Waitt... Ako ang unang nagtanong eh..." Angal ko

"Oo seryoso ako... Kaya manahimik na kayo..." Sabi ni Yoongi Hyung at may kinuha na sa bag niya

"Teka... Bakit nga kasi ako kasama???" Pangungulit ko

"Kasi maingay ka..." Sagot niya kaya natulala ako

"A-ako?? M-maingay?? Hyung, I was just asking why..." I whined

"That's why..." Sagot niya sa akin..." Alis na kami..." Paalam niya sa lahat

"Ne... Bilisan niyo ah..." Sabi nila sa amin

"Teka.. Hindi pa ako pumapayag...." Sabi ko pero nagulat na lang ako nung biglang hilahin ni Hyung hood ng hoodie ko...

"Tara na... Wala ng satsat at gutom na rin ako..." Sabi ni hyung at wala na rin akong nagawa....

Hayy nako... Bakit ako????























































Hi HelloWhere stories live. Discover now