m07n: Goal

39 5 0
                                    

Jia's POV

"Yezz... Walang klase...." Kanta ni Mirae habang naglalakad kami sa field

Ngayong araw kasi na ito ay buong araw na wala ang teachers kasi may gagawin sila...

Oh diba... Dapat pala hindi na lang nila kami pinapasok...

"So saan tayo??" Tanong ko

"Ewan... " sabi ni Mirae

"Mwo?? Kanina pa tayo naglalakad tapos hindi man lang natin alam kung saan tayo pupunta...." Lagut... Galit na si Chaewon....

"Sino ba kasing nagsabing sundan niyo ako??" Pagbibiro ni Mirae sa mataray na tono

"Teka... Nakita niyo ba si Jungkook?? Hindi ko na siya nakita simula nung makarating ako sa classroom at sinabing walang klase..." Sabi ko

"Ahh .. Kasama niya ngayon sina Jin ... Mga advance makakuha ng balita eh kaya ayun nauna na agad sila..." Paliwanag ni Chaewon

Ahh... Kasama naman pala nila sina oppa... At talagang -------

Teka nga....

Ano daw?

Jin??

Pwede namang sabihin niya lang na kasama niya yung mga hyung niya o di kaya kasama niya yung boys...

Atsaka...

Teka...

Ano nga ulit??

Jin???

Jin lang talaga??

I smell something fishy...

I really smell something fishy...

"Oh... Ba't nanahimik ka?" Biglang tanong ni Chaewon sa akin

"P-pakiulit nga.." Pakiusap ko kasi nagulat ako

"Ang alin ?" Nalilitong tanong niya tuloy sa akin

"Yung sinabi mo..." Sabi ko

"Ang alin nga??" Halata na talaga ang pagkalito sa mukha niya

"Yung kung nasaan si Jungkook at kung sino yung kasama niya..." Pagpupumilit ko at talagang nalilito na siya

"Kasama niya sina Jin .... Mga---- teka nga ... Anong ibig sabihin niyang mga ngiti niyo???" Tanong niya bigla nung ngumiti kami ni Mirae

Matapos niyang sabihin iyon ay nagtinginan kami ni Mirae... At para bang nagkaintindihan...

"Ahhh... Wala lang..." Para bang malokong sabi ko sa kanya habang tumitingin sa paligid

"Ano daw ulit?? Jin?? Sina Jin daw??" Panggagatong pa ni Mirae

"Kasama daw sina Jin eh..." Pagsesegunda ko

"Oo nga eh... Advance daw mag-isip sina Jin eh..." Sabi ni Mirae

"Oh anong problem doon?" Halatang lito pa rin na tanong ni Chaewon

Halatang mahina ang WiFi ngayon ni Chaewon ah... Panay ang loading pa rin...

"Ahh... Wala naman kasi yung .... Jin eh..." May pagdidiin na sabi ni Mirae

In...

3...

2...

1...

Ready....

Fire!!!!

"Aisshh... Yah!!" Biglang buga ni Chaewon ng apoy na isang senyales na kailangan na naming tumakbo

Hi HelloWhere stories live. Discover now